Chapter 16
[Gab]Ramdam ko talagang sumisigla ang buong bahay kapag narito sila Filo, Ark, at Tristan. Palagi nalang kasing mukha ni Rielle ang nakikita ko at siyempre ay mabilis lang kaming maubusan ng topic when we talk to each other.
One thing that I can't understand is kung bakit nagiging strikta at high blood si Rielle when the boys are around. I never recalled na nakabasag ng plato or hinawakan nila ang mga paboritong kitchen things ni Rielle ang mga to.
I'm just sitting casually in my favorite couch habang pinagmamasdan si Rielle na nakataas ang mga kilay habang hawak ang isang wine glass na may lamang wine. Magkakatabi namang nakaupo ang tatlong ugok sa isang sofa habang nakatingala sa kanya. Bakas ang takot nila habang si Filo naman ay patuloy ang pagsulyap sa akin na nanghihingi ng tulong.
Wala akong matutulong pagdating diyan. Maging ako ay natatakot din kay Rielle ngayon. Magdamag ata na nagtagay ang isang to.
"Hanggang kailan ba kayo dito?"
Bakas ang pagkairita sa mukha ni Rielle bago ito sumimsim ng wine. Nagsikuhan naman ang tatlo at dahil isa lang naman ang malakas ang loob pagdating kay Rielle ay siya na ang sumagot dito.
"Dito na mag-aaral si Filo kaya dito na namin balak tumira-"
Ark was not able to finish his words ng tunggain ni Rielle ang natitirang wine niya at pabagsak na nilapag ang wine glass sa center table.
"Si Filo at Tristan lang ang kukupkupin ko. Ikaw Ark? Lumayas ka."
Napatapik sila Filo at Tristan kay Ark na halos malaglag ang panga ngayon sa sahig. Nakaramdam tuloy ako ng awa kay Ark. Hindi naman pupwede ang ganun dahil palagi ng magkakasama ang tatlong ugok na to kahit saan sila magpunta.
"T-this is unacceptable. Tell me Rielle, may feelings ka pa rin ba sa akin kaya ka nagkakaganyan?"
Ako naman ang napanganga. Oh okay? May past ba sila?
Tinignan ko sila Tristan at Filo para kumuha ng sagot ngunit parehas naman silang nagkibit balikat sa nangyayari. I thought that I was the only one who's left behind.
"Pota ka Ark."
Nagulat ako ng hilahin ni Rielle paakyat si Ark. Gusto ko silang sundan but I know that I'm not in the place para pangaralan ang dalawang yun.
"What's happening? What happened with those two?"
Biglang sumulpot mula sa kung saan si JF na halatang kakagising palang with his white sando and boxer shorts. I tried to remove what he did to me yesterday from my memory. Paniguradong hindi niya naman na maaalala yun.
"Hi Baby."
Pilit akong ngumiti ng makalapit na siya sa akin at iyuko ang katawan niya. He was waiting for a peck on his lips that I immediately gave dahil ayokong makasaksi nanaman ng part two of his tantrums.
"Ehem ehem. Sana all."
Tinaasan ko ng kilay si Filo na nagpailing kay JF. Pinatayo niya ako and started pulling me all the way to the dining room where I saw a variety of foods prepared on the table. Kaagad namang kumalam ang sikmura ko ng maamoy ko ang mga ito.
JF is a great cook. He's really sweet most of the times. Aminado akong na fall ako, nung una. But I was able to see his different sides because of our two years of being in a relationship. Madami siyang good sides pero hindi naman pwedeng mawala ang bad side. Kapag may ikinagalit siya ay halos pumatay na siya ng tao.
That's what makes me afraid of him. Parang nilagyan niya ako ng kadena the moment na naging kami. Nasundan pa ng sunod sunod na pagtulong niya that made me feel like it's a huge debt that needs to be paid sa pamamagitan ng patuloy na relasyon namin.
"Surprise! I prepared all of these for us."
Nakayakap siya sa beywang ko habang nakapatong naman ang ulo niya sa balikat ko. I was able to let out a genuine smile before he pulled me a chair. Kaagad din naman siyang umupo sa upuang katabi ko at nilagyan ng iba't-ibang pagkain ang aking plato.
"Kumain ka ng madami. Namamayat ka na."
I nodded before starting to eat. Sumabay din siya sa pagkain ngunit hindi mawawala ang pagtitig nito sa akin which made me feel uncomfortable. He's only doing this when he wants to say something to me.
"Spill it JF. Anong gusto mo?"
Kinuha ko ang wine that he also prepared and drinked from it as I took a glance to him. But I was not really expecting what he said next.
"I'm planning to have our wedding next month."
Mabilis akong nasamid and shock is visible to my face. Tinitigan ko si JF at hinanap ang bakas ng panloloko sa mukha niya but I found none. He was just staring at me with his usual stone expression and I know that he's damn serious about it.
Biglang naubos ang pasensya ko.
"N-nagaaral pa ako JF. Bata pa ako and I still need to prove something. Why are you rushing things-?"
"I already have my own company, Gab. Kayang-kaya na kitang buhayin. You don't need to go to school anymore."
Fvck. I can't handle this anymore.
Tumayo ako dala dala ang wine glass at naglakad papunta sa pader. I broke the glass off which made its parts shatter and drop on the ground. I felt a stinging sensation on my arm but I didn't budge. Ang natitirang parte ng wine glass na hawak ko ay itinapat ko sa wrist ko.
"What the hell are you doing, Gab?"
Napatayo si JF at nakikita kong unti-unti nanamang lumalabas ang totoong kulay nito. Hindi ko kakayaning maging asawa ang lalaking to. I never imagined spending the rest of my life sa isang sumpunging lalaki na kailangan pang turukan ng drug para lang kumalma.
But I guess that's what my life is.
"You will let me finish my studies, JF. Wala munang kasal na magaganap. And if you already want to get my fvcking virginity, maghanap ka muna ng babaeng magagalaw mo."
Hinagis ko ang natitirang parte ng glass na hawak ko at kaagad naman itong nabasag. I was about to get out of the dining room ng marinig ko ang bulong ni JF na sinadya naman niyang iparinig sa akin.
"You're only mine Gab. Binenta ka na ng Dad mo sa akin noon. You have no choice but to be my wife."
I clenched my fist and calmed myself while closing my eyes. Okay. I've had the most absurd Dad in my life. And a fvcking family na hindi ko maintindihan. I hate it.
Nilingon ko si JF with a smile on my face like I was not affected with his words.
"Sabihin na nating kasal na tayo. Do you think that I will see you as my husband, dear?"