Chapter 27

550 50 0
                                    


Season 2 – Chapter 27


"Ayoko na," pabagsak akong humiga sa kama ko kaso agad din akong hinatak paupo ni kuya Jarvis.


"No, Lana. Tapusin mo 'to." Sumimangot ako rito at pinilit ko ulit humiga. "Lana..."


Para kong bata na nagta-tantrums para makahiga at makawala sa pagkakahawak niya. "Kuya, ayoko na! Napapagod na ko..." may pag-iyak na tunog pang lumabas sa'kin kahit hindi naman ako umiiyak.


Napabuntong hininga na lang ito bago ko hinayaang mahiga ng nakatagilid. "Wednesday lang ang binigay sa'yong deadline. Nakikita mo ba kung gaano kadami ang namiss mong acitivity?"


Napatingin ako sa tinuro nitong patong patong na folder. Nang tinignan naming 'yong mga activity pag-uwi, nag-sorting na rin kami. Pinagbukod bukod namin ng mga folder para madaling makita ang mga tapos na at mga hindi pa. Iniiwas ko ang tingin sa mga tambak kong Gawain. Tinitignan ko pa lang tinatamad na ko. Bukod pa 'yong ibang assignment ko sa ibang subject sa mga 'yan.


"Okay, 15-minute break?" sumimangot ako sa sinabi ni kuya. Nailing ito sa reaksyon ko bago binago ang sinabi, "Fine, 30 minutes?" umiling ako rito. "Last offer, an hour. Take it or leave it. Kung ayaw mo pa rin magsa—"


"Thank you!" inangat ko ang ulo ko at binagsak din ito agad. Ipinikit ko ang mga mata ko. Gusto ko munang umidlip kahit saglit lang.


"Don't sleep for too long."


"Hmm..." naramdaman ko ang paggalaw ng kama. Kasunod noon ay ang pagbukas at sara ng pintuan ng kwarto ni kuya Jarvis. Oo, sa kwarto niya. May mga libro kasi siya tungkol sa Japanese language kaya nandito kami para may reference kami.


Linggo na ngayon at pangalawang araw na naming binubuno 'tong mga activity na 'to. Nakakaloka naman kasing magbigay ng activtiy ang taong 'yon! Paano niya nabibigay 'yon tapos aasahang matapos sa loob ng 3-hour period niya? Napailing na lang ako, sa totoo lang wala akong karapatang magreklamo. Kung tutuusin kahit hindi na niya bigyan no'ng mga namiss kong activity ay walang kaso sa kanya, pero binigay pa rin niya.


Narinig ko muli ang pagbukas at sara ng pinto. Hindi sana ko mag-aabalang tignan ito kung hindi lang nagsalita ang pumasok. "Lana?"


Naimulat ko ang mga mata ko at hinarap ang katawan ko sa tumawag sa'kin, si Nanay. Napaupo ako mula sa pagkakahiga ko. "Nagising ba kita?"


Umiling ako rito, "Nakapikit lang po ako. Hindi ako natutulog."


Napatango ito at napatingin sa study table ni kuya na inilapit namin sa may kama niya. "Marami pa ba 'yan?"


Tinignan ko rin ang mga sasagutan ko pa, "Opo, nakakakalahati pa lang po kami."


"Gano'n ba? Mamaya mo na lang ulit ituloy 'yan, sumama ka muna sa'min."


"Saa—"


"Nay, tinatakas niyo ba si Lana?" napatingin ako kay kuya Jarvis na kapapasok lang sa kwarto. Napatingin ako sa hawak nitong malaking chichirya.

Meet My Professor ✓Where stories live. Discover now