Prologue

43 3 0
                                    

"You don't know what I've been through! Lahat ng hirap, sakit, lungkot tinanggap ko! Tinanggap ko lahat, Matt!"

Tinanggap ko kasi akala ko deserve ko 'to, akala ko kasalanan ko kung bakit 'to nangyari.
Pero biktima rin pala ako.
Biktima lang rin ako dito.

Hirap na hirap na ako magpaliwanag sa lahat ng taong nakasaksi, nakikichismis, at akala ko may mga paki sa 'kin. Gusto lang nila ako kaawaan. Lalo na si Matt. Akala ko naintindihan niya ako.

Hindi ko 'to ginusto.
Hindi ko kasalanang hindi icheck ang kotse ng araw na 'yon.
Sana nandito pa ang kapatid ko.
Sana hindi ganito ang nangyayari.
They hate me.
My parents.
My family.
Even If I'm also the victim of that accident, they blamed me. All over again.

--------------

"Sherah! tara na! late nanaman tayo sa school neto eh. Wala ka namang boyfriend, bat kailangan pang magpaganda?Arte!"

Ang aga aga pero ang ingay ingay talaga ng kaibigan ko na 'to. Minsan iniisip ko na tahiin nalang bibig niya para naman matahimik buhay ko.

"Aba! nung nagkikilay at pulang pula ang labi mo ngunit wala ka namang boyfriend o kahit manliligaw, nagsalita ba ako?
Hindi naman diba! May masama ba sa pag-aayos? mas okay ng maging dalaga kaysa nanay na katulad mo no!"

"Ang sakit mo magsalita, She! Bastos ka talaga!"

Napatawa na lamang ako. Kapag ako talaga ang ininis ng kaibigan ko, hindi na sya makakaganti ulit kapag pinikon ko!

"Ano? pikon na ba ang baby na yan? tara na, pasok na tayo! mag 8 na rin, maabutan pa tayo ni Mommy dito, ang pupula ng labi natin.Bilis na!"

Habang pababa ng hagdan, tanaw na agad namin sa sala ang kapatid ko. Matanda siya ng pitong taon sa 'kin. Sya na rin ang isa sa humahawak ng business ng family namin dahil sabi ng Mommy at Daddy, eto na ang nakatadhana sa kanya.

She is my inspiration. She is also the one that keeps me on going and living.

Ramdam ko ang kaibahan ng turing ng magulang namin sa kapatid ko. Pero hindi na ako nagrereklamo. Nagpapasalamat pa nga ako at maganda ang kinagisnan kong buhay.

Ampon ako.
Hindi na ulit kaya pang maganak ni Mommy dahil sa sakit niya sa puso.
Ang kapatid niya namang si Tita Megs na totoo kong nanay ay matagal ng hindi nagpakita sa amin. Iniwan lang daw ako sa labas ng mansyon kasama ang iilang damit at isang sulat na nagsasabing alagaan akong mabuti at babalik din sya.

17 years na ang nakalipas, pero ni anino ng totoo kong nanay ay hindi ko man lang nakita.

Alam ko namang kahit gusto pang magkaanak ni Mommy ay hindi niya naman ginusto na bigla na lamang pagbukas ng pintuan ay may isang sanggol na silang makikita.

Kaya si ate lang talaga ang malapit sa akin dito.
Si ate lang ang madalas kumausap sa akin.
Sobrang thankful na ako doon.

"Ate! Good morning! bat di ka pa nakakaalis? Ngayon nalang ulit kita naabutan ng umaga. Kumain ka na ba?"

She is a fine woman. Ang mahaba niyang buhok na umaabot na ng bewang. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw niya magpagupit, mas gusto rin siguro ni Mommy dahil mas bagay sa kanya. Sakto lang ang tangkad niya. Isang tingin mo lang, alam mo na kung gaano siya katalino at kapursigi sa trabaho niya.

"Yes, Ma'am. I already ate my breakfast po and maya maya aalis na rin ako, may chinicheck lang po na mga papers for the company."

"Ate naman! muka na ba akong matanda?!"

"Just kidding! Hello Miks! buti at napagtitiisan mo pa tong kapatid ko ha. Kumain na ba kayo?"

"Opo ate, aalis na rin kami kasi mag 8 na, 7:30 ang call time ng school. Una na kami ate, ingat ka sa biyahe!"

Always YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon