Chapter XXXII

95 6 0
                                    

Gene's POV

Paalis na ako ng bahay para pumasok sa school ng makita ko si Carl sa labas ng bahay nila. Itinigil ko ang sasakyan ko sa harapan niya at binuksan ang bintana. 1 week na din kasi simula ng umuwi ako dito pero ngayon ko pa lang siya nakita dahil hindi siya pumupunta sa bahay namin.

Hindi niya ako napansing tumigil dahil may kausap siya sa phone, ang lapad lapad pa ng ngiti niya.

"Carl pare!" pagtawag ko sa atensyon niya. Ng dumako ang mga mata niya sa akin ay nabura ang ngiti sa mga labi niya.

"I'll call you later baby, I need to hang up. I love you." sabi niya sa kausap niya bago niya pinutol ang tawag. Nginitian ko siya ng nakakaloko, nagbibinata na ang pare ko. Wala namang masyadong nagbago sa kanya, parang nagmatured lang ng konti ang dating.

Tinignan niya ako ng may pagtataka. "Sino ka?" I burst out laughing dahil sa tanong niya. Kumunot ang noo niya kaya tumigil na ako sa pagtawa.

"Hindi mo na ako nakikilala? Nakakatampo ka naman pare." paggaya ko sa sinabi niya noong ako ang hindi nakakilala sa kanya, inilagay ko pa ang kamay ko sa dibdib ko pahiwatig na nasaktan ako ng sobra.

"Oliver?" nakakunot pa din ang noo niya.

"The one and only." pagmamayabang ko. Bumaba ako ng sasakyan and the moment I get out of my car, he checked me out.

"Alam kong gwapo ako pero wag kanaman sanang mabading sa akin." pang-iinsulto ko. Natatawa ako dahil nagkapalit kami ng sitwasyon ngayon.

He smirk. "Buti naisipan mo pang umuwi dito? Akala ko kasi wala ka ng balak umuwi." tinalikuran niya ako. "Sana noon ka pa bumalik, sana mas inagahan mo pa. Sige una na ako, malalate na ako." hindi na ako nakaimik pa dahil sumakay na siya sa sasakyan niya at pinaharurot na yun palayo.

Sana mas inagahan ko pa? What does he mean by that?

Pati ba siya galit din sa akin? Napakalamig ng pakikitungo niya.

*****

Naghihintay ako sa labas ng classroom ni Ynna. May copy ako ng sched niya na binigay sa akin ni Ate. Saktong 12 noon ang labas niya at buti na lang 11:30 ang labas ko. May dala kasi akong lunch para sa kanya.

Nakita ko ng nagsilabasan ang mga kaklase niya at ilang saglit pa ay lumabas na din siya. Nakangiti ko siyang sinalubong. Nasa bulsa ko ang isa kong kamay. Sumabay ako sa paglalakad niya.

"Hi." nakita ko sa peripheral vision ko that she rolled her eyes heavenwards. I chuckled. Ang cute. Di siya sumagot, binilisan niya lang ang lakad niya pero sinabayan ko pa din siya. Kahit tumakbo siya ay mahahabol ko pa din siya.

"Wag mong masyadong bilisan ang paglalakad mo dahil ikaw lang din ang mapapagod, kahit tumakbo ka pa mahahabol pa rin kita at kahit patuloy kang lumayo, patuloy pa din kitang hahabulin. Kahit maraming beses mo akong itutulak palayo, lalapit pa din ako sa'yo dahil sobrang ma--" she cuts me.

Loving him made me stupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon