Xyzrielle's PoV:
Damn it.
Halo-halo ang emosyong nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Parang bombang sumabog sa aking pandinig ang sinabi nya. I don't know why. Nababaliw na siguro ako.
Dapat ay hindi ganito ang reaction ko. Dapat nga ay masaya pa ako dahil hindi ko na girlfriend ng malditang babaeng iyon. Pero wala eh. Tinatraydor ako ng sariling damdamin ko.
I can feel my heart is breaking apart. Naninikip ang aking dibdib. The pain is too much to handle. For the first time in my life, ito ang pinakaunang beses na na-experience ko ito.
Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Sinundan ko lang kung saan ako gustong dalhin ng mga paa ko.
Malaki ang pasasalamat ko sa sarili ko dahil hindi ako nagbreak down sa harap ni Babyl--- err, Athena. Bakit ba may tumutulong luha sa akin? Bakit ako nasasaktan ng ganito? Bakit sobrang affected ako?
Napansin kong nandito pala ako sa rest room. I cried and cried until my eyes get tired from crying. Gusto ko lang mailabas ang sakit na nararamdaman ko. Ang sakit sa dibdib.
I'm confident na walang pupunta ngayon dito dahil kumakain lahat. Atsaka, kakaunti lang ang estudyanteng nagpupunta dito. I'm free to myself to do whatever I want.
Tsk. Parang kailan lang ay ang say- saya pa naming dalawa pero ngayon——aish. Ang bilis talaga ng panahon. Wala eh. Kailangan. Sya na mismo ang nagsabi na tapos na ang lahat. Wala naman siguro akong karapatan na tumutol diba?
Siguro, it's better nga kung magiging magkaibigan na lang kaming dalawa. Mas mabuti 'yon. Para hindi ako nasasaktan ng ganito. Pero parang ayaw tanggapin ng aking sistema na hanggang doon lang kaming dalawa.
Something on me is hoping that we can be more than just friends.
'Self, wag naman nating pahirapan ang isa't isa.'
I wonder kung nasasaktan din ba sya katulad ko. Hindi ko maiwasang matawa dahil sa aking naisip.
Tanga ka nga siguro, Xyzrielle. Syempre hindi noh. Siguradong hindi. Siguro ay tuwang-tuwa pa sya kasi hindi nya na ako makakasama pa. She's happy because our plan is successful.
Hmm... naisip ko lang. Totoo kaya lahat ng pinapakita nya sa akin? 'Yung mga kiss at hug nya, totoo ba? Because now, I think, it's all just an act. An act para maniwala ang public na we're on a relationship.
"Are you okay?" Tanong ng kung sino. It's a girl for sure. Tangek naman ni ate girl. Nakitang umiiyak na nga eh. Hindi nya ba nakikita ang ginagawa ko? Hmp.
"Obvious ba?" Hindi ko na maiwasang magtaray. Sorry na agad sa kanya.
Nag-angat ako ng tingin para makita kung sino ang taong nasa harapan ko. I saw that she's surprised. Siguro mukha na akong uhuging bata rito huhuhu.
Wait a minute. Parang nakita ko na sya dati. Familiar ang mukha nya sa akin. Hindi ko lang matandaan kung saan at kaylan. Makakalimutin na talaga ako.
"Xyzrielle?" Tanong nya. Wait, kilala nya ako?
"Bakit kilala mo ako?" Tanong ko habang sumisinghot pa. Wala na akong pakielam sa itsura ko.
"Nakalimutan mo na ata. Ako 'to, si Shane, 'yung nakausap mo nung party." She said.
Prinoseso muna ng aking utak ang sinabi nya. Wait lang. Maaala ko na talaga. Aha! Okay naalala ko na. Sya 'yung matapang na babae huhuhu. 'Yung hindi takot kay Athena.
Lumapit sya sa akin. She pulled me into a tigjy hug. I think, this is her way of comforting me. I didn't hesitate to hugged her back.
Hmm... Infairness, ang bango nya ha. Eto ang kailangan ko ngayon. A comfort from someone. Ayoko namang gambalain sina Erin, Margarette, o kaya ni isa sa mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
University Series: Athena Louise Sarxel
Teen FictionAthena Louise Sarxel, ang babaeng hinahangaan ng SU o Sarxel University. Sya ang cheerleader captain. Sya rin ang tinuturing na Campus Bitch Queen. Don't mess with her or you'll end up living in hell. Xyzrielle Cameron Garcel, isang scholar pero hin...