Kabanata 31

141 26 0
                                    

Kabanata 31

Bangin

Pilipinas, 2020

Minsan sumagi na sa isip ko na sana habang buhay na lang akong tulog. 

Minsan sumagi na sa kukote ko na ayaw ko nang magising. Nakakatakot kasing harapin ang mundo. Malalaman mo na pagkatapos ng isang magandang panaginip ay pinaglaruan ka lang ng ilusyon mo tapos mapupunta ka rin pala sa malupit na mundo. Mahirap na sa araw-araw na ginawa ng Diyos, nagkakaroon ka ng karagdagang problema— intentionally or even unintentionally. Sabi nila, wala namang binibigay sa'yo na problema pero bakit may nagpapakamatay?

Bakit ang lupit ng mundo?

Gusto kong isipin na laro lang ang lahat. Na sana may pause button kapag napapagod ka na. Na sana may exit button kapag ayaw mo na. Na sana sa larong pinaglalaban mo, kaya mong manalo.

Pero dahil ito ang reyalidad, tunay na hindi lahat nakukuha mo.

Kapag may erase button ang reality na nagsasabing kapag nagkamali ka, you can just sweep off the mistakes you have done and live your life perfectly, tatanggapin mo ba? Kung iyong iba, tatanggapin iyon kasi gusto nilang maitama ang pagkakamaling nagawa nila noong nakaraan at mamuhay ng may kapayapaan sa hinaharap.

Pero ang paraan ba na iyon talaga ang maghahatid ng kapayapaan?

Kasi sa kabila ng lahat nang nangyari sa buhay ko, kahit hindi na mabilang sa daliri ko ang pagkakamali ko, hindi ko gagamitin ang erase button.

Why?

Because the mistakes that you have committed in the past would teach you a lesson. That would make you realize something, that realization is priceless. Kasi kapag may erase button ang isang tao, gagawa at gagawa iyan ng pagkakamali at buburahin niya lamang iyon na parang hindi nag-exist ang ginawa niya. Walang realization na mapapagtanto. Oneself would not know the real value of the word 'lesson.'Kapag natuto ka sa pagkakamaling ginawa mo, ikikintal mo sa isip mo na hindi mo na gagawin ang bagay na iyon.

Kasi alam mo na mali.

Kasi natuto ka na.

Kung ano man ang sinasabi ng puso mo, kapag mali na nga...

... dapat hindi na ulitin. 

Kasi ang puso ang palaging nagtuturo kung saan ba tayo sasaya. Kung saan ba tayo liligaya ng lubos. Pero kung ang kapalit ng kaligayahan ay isang kamalian ay hindi na dapat inuulit labag man sa kalooban.

"Gano'n ba ang paniniwala mo?" balik sa katanungan ng binata sa'kin.

"Oo, just like the third laws of motion. The Law of Interaction stating that in every action, there's a corresponding opposite reaction. I must say that it's true. I salute Newton!" pagak ang bitaw kong tawa.

"Pero nabanggit mo na kapag puso na ang nagpasya, kahit pa alam mong ikaliligaya mo pero mali na dapat..." panimula niya. Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Hindi ba dapat kung puso na ang nagpasya, pakinggan mo."

My temple creased. "Kahit pa mali?"

"Kahit pa mali," hamon niya.

"I bet you're familiar with the Law of Attraction. 'Diba sabi na kapag gusto mong makuha, just think positive. If you think that it's so wrong to do, when the heart says to do, it will make things right. Hindi lang kasi dapat utak ang pinapagana, kundi ito," sabay turo niya sa bandang dibdib niya. "The brain will tell you what's right but the heart will show you the true happiness that cannot be replaced. And I think it's more worthy."

Her Karmic FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon