Kabanata 30
Unknown
Pumasok ang sasakyan ko sa parking area ng condo building ko at hindi ko na nakita pang sumunod si Arthur papasok. Bumaba ako sa aking sasakyan at ilang beses inikot ang paningin para sana mahanap ang sasakyan niya ngunit wala. Dumiretso na ako sa elevator at tinanggap na lang na katulad noon ay hindi dapat ako naghahangad ng masyadong oras sa kaniya.
But is this right?
Alam kong may tama at mali sa mundo. Magkakasalungat ang pananaw ng mga tao kaya nagkaroon ng ganito. Nasa tao kung paano niya makikita ang isang bagay bilang isang tama o mali. And in my case... even if my mind is telling me that this is wrong, my feeling is saying the otherwise— that this is right. Ang pagpili sa aking kasiyahan ay tama lang.
Hindi na siya engage kay Jessamyn. Nalulungkot ako para sa kaniya dahil alam ko ang mararamdaman kung ako ang nasa posisyon niya. But I am not her. Arthur called the engagement off because he loves me. He fell again with me. And love can never be wrong... it's only the action and how will you put it into words. But love is never wrong.
Love is bringing you in a different feeling of peace, home and security na walang laban ang ano mang materyal na bagay at rekognisyon na matatanggap mo kung hindi mo nararamdaman ang sinasabi nilang pagmamahal.
Because I was wrong when I thought that I can be truly happy when I succeed... or maybe I really am. Dahil successful lang naman ako kung hawak ko na siya. I only succeed if I know that he's mine again. I am only a truly achiever if I have him in my life. Without him... walang magbabago at mananatiling malungkot at madilim ang buhay ko.
Pasarado na ang elevator nang halos malaglag ang mga mata ko dahil biglang sumulpot si Arthur. Hinarang niya ang kamay sa pagsasarado ng elevator at mabilis na pumasok at tumabi sa akin. Binalingan ko siya at inakala kong hindi na siya susunod.
Nginisian niya ako. "Hatid lang kita hanggang unit mo. Don't worry hindi naman ako papasok."
Hindi ko halos maproseso ang nangyayari ngayon. Bakit parang ang bilis ng lahat. Nagiwas ako ng tingin at pinagsawalang bahala ang naiisip. Ayokong hadlangan ang sariling kasiyahan dahil lang sa malikot kong pagiisip.
Nakarating kami sa floor ko at sinabayan niya ako hanggang unit ko. Binuksan ko ang pintuan at pumasok. Nagiwan lang ako ng kaunting siwang dahil sabi niya naman ay hindi siya papasok. Then I remember myself years ago. 'Yong mga panahon na bumibisita siya sa amin pero hindi ko siya hinahayaang manatili dahil ayaw kong naroon siya.
Ngumuso ako at nilakhan ang siwang.
"Pasok ka," I said in a low voice.
Ngumiti siya ng malapad. "Wala ka bang ibang kasama?"
Kumunot ang noo ko sa kaniyang tanong pero tumango rin ako bilang sagot.
"Ikaw lang magisa?"
"Uh, oo."
"Wala kang katulong?"
Umiling ulit ako. Tumango siya at sinilip ang loob. Binuksan ko na ng tuluyan ang unit ko at hinayaan ko siyang pumasok. Sinarado ko ang pintuan bago ko siya sinundan. Dumiretso siya sa living room at inikot ang tingin.
"Upo ka," Alok ko sa kaniya.
Umupo siya pero hindi natapos ang pagikot ng tingin niya sa loob. Napahawak ako sa magkabila kong kamay at naalalang hindi pa ako nakakapag-grocery. Anong ipapakain ko sa kaniya? O-order na lang ako.
Tumaas ang tingin niya sa akin dahil nanatili akong nakatayo, may ilang distansiya mula sa kaniya.
"Wala 'to sa sketchpad mo noon," natatawa niyang bigkas.
Uminit ang mga mata ko at nanlambot ang aking puso dahil sa kaniyang sinabi. He remembers... everything.
"I have my house built in Iloilo pero hindi ko naman nauuwian." I explained.
Ngumuso siya at tinago ang sumisilay na ngiti.
"Bakit hindi mo binibisita?"
Inirapan ko siya dahil alam niya naman ang sagot. Narinig ko ang paghalakhak niya kaya natigil ulit ang tingin ko sa kaniya. Para akong nababaliw dahil natutuwa akong panoorin ang pagtawa niya. Sobra akong nangungulila ng walong taon na kahit ang simpleng ngiti niya lang ay iba ang dulot sa akin.
"Sige, huwag mo na sagutin. Babalik ka na rin naman doon."
"Babalik talaga ako doon. Hindi ko lang maiwan ang trabaho ko dito." Dahilan ko dahil pakiramdam ko ay aasarin niya ako.
Tumango siya at pinilit na pinanatili ang kaseryosohan gayong halata namang nagpapanggap lang siya.
"Anong gusto mong kainin? I'll order food." Pagbabago ko sa topic.
"Hindi ka na nagluluto?" Nagtataka niyang tanong.
"I still cook. Pero walang laman ang ref ko ngayon. Nakalimutan kong mag-grocery."
Tinignan niya ang relo niya bago ako muling binalingan. Hinintay ko ang sagot niya.
"We still can go to supermarket. Gusto kong matikman ulit ang luto mo."
Hindi ako nakasagot agad at bigla ata akong nalagutan ng hininga dahil sa sinabi niya. He smirked before standing. Lumapit siya sa akin.
"Pagod ka na ba?"
Mabilis akong umiling at mabilis na kinuha ang bag ko.
"Let's go." Aya ko sa kaniya na mabilis niyang tinanguan.
Umamba akong sasakay sa aking sasakyan nang hawakan niya ang braso ko. Nagtataka ko siyang nilingon.
"Can you ride with me?" Natatawa niyang tanong kaya tumango agad ako.
Lintek. Hindi ko alam na kapag sa kaniya ay mabilis niya akong mapapayag. Nasaan na ang independent living ko? Or maybe that won't happen anymore dahil narito na siya.
Patago akong ngumisi habang hawak niya ang palapulsuhan ko at lumalapit kami sa kaniyang sasakyan. Nang pagbuksan niya ako at nilingon ay kinagat ko ang labi ko para hindi niya maabutan ang ngiti ko. I slid on his car and he half run towards the driver seat.
Did I just think my future with him? Gaga ka, Iris. Matagal mo ng pinapangarap ang kinabukasan kasama siya.
Nakarating kami sa malapit na supermarket. Lumabas at mabilis na pumasok sa loob. Kumuha ako ng cart at ako na sana ang magtutulak pero inagaw iyon sa akin ni Arthur. Hindi na ako umalma at hinayaan siya. Dumiretso muna ako sa meat section at kumuha ng ilang beef chops. Pagkatapos ay nilingon ko siya na tamad na nakatuko ang mga siko sa cart. Nakanguso pa siya na para bang palaisipan sa kaniya ang lahat ng nakikita.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko ulit na hindi niya nasagot kanina.
"Anything." Tamad niyang sagot.
Nginiwian ko siya dahilan ng paghalakhak niya. Kumuha ako ng sapat na meat bago dumiretso sa mga gulay. Sinundan niya naman ako at hindi na ako nagtaka na may ilang mamimili na tinitignan ang kasama ko.
Gwapo 'no? Akin 'yan. Isip ko pero agad kong naalala na nililigawan pa lang ako. Tss. Magiging akin rin 'yan.
Binilisan ko ang paglalagay ng gulay at sumunod ang mga canned foods para may stock ako. May ilan pa akong binili na kailangan sa condo bago ako nagpasya na sapat na ang pinamili ko. Pumila kami at sinabi ko sa kaniya na maghintay na lang sa parking lot pero hindi siya pumapayag.