*****
"Aya! Gumising ka na jan, yung alarm mo ang ingay-ingay! Kanina pa yan" rinig kong sabi ni mama sa akin.
"A-ate... yung alarm mo pakipatay naman" sabi ni Ada.
"Hmmmm... Five minutes paaaaaaa~" sagot ko at pinatay ang alarm ko. Natulog ulit ako pagkatapos.
<><><><><><>
"HOY AYA!!! TUMAYO KA NA JAN AT TALAGANG LATE KA NA SA PAGPASOK!" rinig kong malakas na sigaw ni mama na nagpabalikwas sa akin.
Inabot ko ang cellphone ko sa ulunan at tinignan ang oras.
Shit! 7AM na!! Simula na ng first subject ko, may quiz pa naman kami!
"Ma naman! Bakit di niyo ako ginising?! May quiz pa naman ako kay Sir Manuel ngayon!!!" Sabi ko at kinuha ang twalya bago pumasok sa banyo namin.
"JUSKO KANG BATA KA! GINISING NA KITA KANINA! IKAW YUNG MAY PA-5 MINUTES 5 MINUTES PANG NALALAMAN JAN!! MAG-AALARM ALARM KA, PINAPATAY MO RIN NAMAN JUSKO TALAGA!" rinig kong sigaw ni mama sa labas ng banyo.
Binilisan ko na ang pagligo, mamaya na lang ako maghihilod, dahil lagot talaga ako kay Sir nito! Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako ng simpleng white t-shirt, skinny jeans, at yung nag-iisang rubber shoes ko na iniingatan ko. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng kwarto. Hindi na ako nakapag-almusal pa kahit na gutom na gutom ako. Sa school nalang ako kakain hayst.
"MAMA PAPASOK NA PO AKO!!" sigaw ko at lumabas na ng bahay namin. Tinakbo ko na papunta sa terminal ng tricycle at agad sumakay. Buti nalang ay isang sakay lang mula dito samin, hanggang sa campus.
Pagkababa ko ay nagbayad ako at tumakbo na papasok ng campus. Nadaanan ko pa ang DG, pero wala na akong oras para ma-appreciate pa ang ganda ng paligid.
Takbo lang ako ng takbo hanggang sa buksan ko ang pinto ng aming room. At sobrang disappointed ako na makitang wala si Sir Manuel sa harap at ang mga kaklase ko ay may kanya-kanyang ginagawa.
"Oh Magne! Pawis na pawis ka ah, mukhang nagmadali ka papunta dito, hindi mo ba nabasa ang text ko?" sabi ni Sena. Tinaasan ko siya ng kilay. Text? Wala akong nakitang text niya. Anong pinagsasabi ng gagang 'to?
"Ooops. My bad, Si Magda pala na-text ko. Sorry, nagmadali ka pa tuloy sa pagpasok. " Sabi niya at ngumiti sakin ng ubod ng plastic. Hay jusko. Aga-aga Lord, bakit nilalapitan agad ako ng basura?? Pagod ako pero tangina, sinisimulan ako.
"Okay lang Sena, mukhang piso lang ata load mo kaya si Magda lang na-text mo. At mukhang may sira na ang mata mo tulad ng tuktok mo dahil di mo nakita ng maayos pinag-sendan mo. Pacheck-up ka na sa doctor niyo baka malala na yan. Isa pa, wag ka na nga mag-panggap na may pake ka sakin dahil alam naman nating wala! Umagang-umaga, kaplastikan mo pinambubungad mo ha." sabi ko sa kanya at umirap.
Bago pa siya makapagsalita ay linagpasan ko na siya at lumapit na sa teacher's table para mag-attendance. Narinig ko pa ang tawanan at kantyawan ng mga kaklase ko bago umalis ulit sa room. May mga sinabi pa si Sena pero di ko nalang pinakinggan dahil alam kong ipapamukha na naman niya sakin kung gano kataas ang estado ng buhay niya kesa sakin kaya dapat matuto akong lumugar. Well, gaga siya dahil yun lang naman kaya niyang ipagmalaki pati ang mga koneksyon ng magulang niya. Tatambay nalang ako sa DG dahil mahaba-haba ang vacant ko ngayon.
Pagdating ko sa DG ay umupo agad ako sa isa sa mga bench. Buti nalang at malalago ang dahon ng puno ng Amore. Nagtataka kayo siguro bakit nga ba Amore ang tawag sa punong ito?
Sabi nila, Amore Tree ang tawag sa mga punong ito dahil mula ito sa pangalan ni Mrs. Demorah Skyleigh. Kakaiba ang punong ito dahil every 3 months ay nagku-kulay pink ang mga dahon nito at naglalagas. Sinisimbulo daw ng mga puno na ito ang pagmamahalan ni Mrs. Demorah Skyleigh at Mr. Alhua Skyleigh - ang nagpatayo ng unibersidad na ito. Ang ibig sabihin daw ng every 3 months na paglalagas, ay "I love you" ni Mr. A. At dahil apat na beses ito nangyayari sa isang taon, sagot daw naman ito ni Mrs. D na "I love you too". Kaya tuloy ang mga magjo-jowa dito ay limang beses nagva-Valentine's Day dahil bukod pa ang February 14. Ang corny ng mga sabi-sabi nila, pero wala naman akong magagawa kung yun na ang naging kwento ng mga punong ito at yun na ang nakasanayan ng mga tao dito. Nakakatawa pa rin isipin HAHAHAHA!
Sakabilang banda, nagagandahan pa rin ako sa mga punong ito kahit na hindi kulay pink ang mga dahon. Ewan ko lang sa iba kase, madalas ay pumupunta lang sila dito pag pink yung dahon para may pang-post sila sa IG nila o di kaya paniniwala ng karamihan, pampatibay daw ng relasyon.
Napatawa naman ako sa mga naiisip ko dahil talagang ang babaw ng mga tao. Sila naman yung gumagawa ng paraan para tumibay yung relasyon nila, bakit kailangan i-asa sa mga dahon ng puno na 'to? Nare-relax talaga ako pag dito ako pumupunta.
"Miss arki" nagulat ako at agad napatigil sa pagtawa nang may magsalita sa likod ko kaya agad akong napalingon. Likod palang kilala ko na kung sinong asungot ang preskong-presko na nakaupo sa kabilang bench. Magkatalikuran kasi ang bench dito at nasa kaliwang side ko siya. Kailan pa siya nandiyan? Lumingon siya sakin at ngumisi na nagpainit ng ulo ko. Punyeta! Ano bang kasalanan ko Lord at hinahayaan niyo ang mga bwiset na 'to sirain ang umaga ko?! Sinamaan ko lang siya ng tingin na mas lalong nagpalaki ng ngisi niya.
"What's so funny about the Amore Tree miss Arki?" he asked.
"Wala kang pake." Sabi ko at pinagpatuloy nalang ang pagtingin sa Amore.
"Sungit mo naman. Ikaw na nga sasamahan tumawa para di ka mukhang tangang tumatawa sa puno na yan HAHAHAHA" sabi niya habang tumatawa. Ang lakas talaga mang-asar!
Hindi ko na siya sinagot at tumayo nalang. Lilipat nalang ako sa gazebo. Kung puno at bench ang nasa gitna, mga gazebo naman ang nasa gilid ng mga pathway.
Pagkadating ko sa gazebo ay nilabas ko agad ang libro ko. Magre-review nalang ako sa subject ni Sir Manuel kaysa makipagusap pa sa kanya. Kapag hindi ako nakapag-aral, siguradong bagsak ako.
Sinulyapan ko pa ng isang beses si Leo at nanatiling nakaupo naman siya dun sa bench at amused na nakatingin sakin. Bakit? Di ba siya sanay na nilalayasan? Pero mabuti nalang at di na siya sumunod. Tinaasan ko lang siya ng kilay na nagpatawa na naman sa kanya.
"Baliw." Bulong ko at iniwas na ang tingin ko sa kanya habang umiiling-iling. Nagsimula na rin ako magbasa.
Ilang minutong katahimikan lamang ang nadama ko nang magsimula siyang pumasok sa gazebo.
"Management Accounting?" takang tanong niya habang nakatingin sa librong binabasa ko. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa. Feeling close naman masyado 'to. Nakakairita.
"Aya" biglang tawag niya sakin. Hindi agad ako nakasagot kaya tinawag niya ulit ako.
"Hmmm?" tugon ko. Hindi pa rin kasi ako makapaniwalang tinawag niya ako sa pangalan ko. Ewan ko pero nakakailang pakinggan ang pangalan ko pag sinasabi niya.
"Why are you reading that? You should be busy with your plates instead of that diba?" tanong niya sakin. San ba nito napulot pinagsasabi niya?
"May quiz kami about dito at nagre-review ako. Wala kaming plates, balance sheets pwede ba." sagot ko naman. Wala na akong naiintindihan sa binabasa ko pero nagpatuloy lang ako. Di makaramdam 'tong isang 'to na ayaw ko siya kausap at istorbo siya amp.
"So all along hindi ka isang arki?!" gulat na sabi niya.
"Yup. Di ko alam san mo napulot na arki ako, pero accountancy ang course ko... how I wish arki nga ako." sabi ko at binulong nalang ang huling sinabi ko.
"Woah. I really thought arki student ka! Ang ganda kasi ng drawing mo, pwede kang maging landscape architect." puri niya sakin. Pumalakpak naman ang tenga ko sa sinabi niya at nawala ang inis ko. Bukod kay Ara at ehem... Syempre kay Tristan, siya lang ang pumuri sa gawa ko.
"Salamat!" tipid na sabi ko at pinipigilan ang sarili ko na ngumiti. Baka mamaya asarin na naman ako nitong kupal na 'to eh. Mas lalo kong tinuon ang sarili sa pagbabasa kahit di ko na alam kung tama pa ba ang binabasa ko dahil hindi ko na talaga maintindihan.