"Nay?, nagustuhan mo ba ang mga pasalubong ko?" Mabuti nalang at nakalabas siya sa mansyon panay sunod kasi si Sav sa kanya.
"Aba eh Oo naman anak. Salamat nga pala nito ha." Bakas sa mukha ng kanyang ina ang kasiyahan.
"Ano kaba nay, wag ka ngang magpasalamat , obligasyon kong mapasaya kayo." Napangiti naman ang kanyang ina at saka iniligpit ang mga cupcakes na dala niya.
"Ikaw Asla nagustuhan mo ba ang mga pasalubong ko?."
"Oo." Tipid na sabi nito na mukhang wala sa mood. Napakamot tuloy siya sa kanyang noo, kanina pa kasi niya itong napapansin na hindi umiimik, parang may pinagtatampuhan.
"Pagpasensyahan mo na anak, nagtatampo lang yan kasi hindi mo ginising nong umalis ka."
"Eh natutulog nay ehh, ayoko pa naman ma distorbo dahil nakanganga pa siya, sarap kayang matulog n--"
"Aray ko naman Asla." Hinampas siya nito sa braso at saka kinuha ang damit na nabili niya sa bayan.
"Sorry na Asla" paglalambing nito sa kapatid nya, mukhang galit parin kasi sa kanya.
"Sorry mo mukha mo." Masungit na sabi nito.
"Ano bang gusto mong gawin Asla para Hindi ka na magalit sakin?."
"Dito ka matulog, bukas ka nalang babalik." Napahinto siya sa kanyang ginawa ng marinig niya ito.
'Kung Hindi ako babalik mamaya paniguradong magagalit sakin si Sav, mainitin paman ang ang ulo non.
"M-may trabaho kasi ako Asla eh." Dahilan nya pero may punto naman siya.
"Sige lumabas kana, hindi na tayo bati." Pagtataboy nito sa kanya.
"Anak?, kamusta naman ang trabaho mo doon? Okay lang ba?."
"Okay Lang naman po."
"Ang amo mo? Ok lang bang ang pakikisama sa inyo? Hindi ba masungit?."
"Hindi naman Inay, mabait po si Don sa mga taong nasasakupan nya."
"Ganon ba anak?, Aba eh balita ko pa naman may anak daw babae si Don, Maldita daw?.Sinusungitan ka ba non?." Napailing siya sa kanyang narinig. Totoong masungit nga si Sav pero ng makilala niya ito ng lubusan ay masasabi niyang mabait naman talaga ang Dalaga, hindi nga Lang ito pinapakita sa iba.
Kahapon ng naglalakad siya palabas ay nakita niya si Manang Flor na umiiyak, nilapitan ito ng dalaga at binigyan ng pera. Nalaman kasi nila na inatake sa puso ang asawa nito at kinapos pa sa pera.
Napailing din siya ng maala ang eksena nilang dalawa ni Sav. Galit kasi ang dalaga sa kanya .
"Owss excuse me, ako ang tatabi kay Jare." Sabi nito na may bahid na pagka-inis ang boses.
Balak sana kasing umupo si Glace sa kanyang tabi pero hindi natuloy dahil kay Sav.
"Anong tinitingin mo? Tusukin ko yang mata mo eh..!"
"Pasensya na po Señorita, sa pagkaka alam ko po kasi ay hindi ka umuupo sa kahoy na upuan." pagmamadahilan nito na may paggalang.
"A-abat sumasagot kapa ah-."
"Glace, Mauna kana iwan mo muna kami ni Sab." Iniwan naman silang dalawa ni Glace.
Inis na bumaling si Sav sa kanya.
" kinakampihan mo ba ang rabbit na yon?.""Sab naman, gusto lang naman niyang umupo nagagalit ka agad." Mahinahong sabi nya.
"Andaming upuan pero sa tabi mo talaga siya uupo? That's bullsh-t." He hold her hands kaya napatingin ito sa kanya.
'Beast mood na naman to.'
"W-wag mo nga akong mahawak hawakan." Tinaboy pa ang kamay nya ngunit hinawakan niya ulit ang kamay ng dalaga.
Nahihiya tuloy siya dahil sa lambot ng kamay nito.
"Wag ka nang magalit Sav-."
"Ayaw mong magalit ako dahil papangit ang mukha ko ganon ba?. Ha?."
"Sab naman, Wala akong sinabi, at sino ba namang nagsabi na papangit ang mukha mo pag galit ka?. Alam mo namang maganda ka " Sabi nya na ikinakatigil ng dalaga.
"T-talaga? Sure ka? Sabi mo kasi noon Hindi ka nagagandahan sak--"
"Hindi mo kasi ako pinapatapos sa pagsasalita."
"So nagagandahan ka talaga sakin."
"Oo sobra." Then he pinched her cheeks. Napansin rin niya ang pamumula ng magkabilang pisnge nito.
Nakagat nya pa ang kanyang pang-iibang labi ng biglang umupo si Sav sa kanyang kandungan at pinugpog siya nag halik sa mukha.
Naiilang tuloy siya kanilang posisyon.
"Oi Jare anak? Ok kalang ba?, kanina kapang nakangiti ah?." Nabalik sa realidad si Jare ng marinig niya ang boses ng kanyang ina.
"May napupusuan ka naba anak?."
"A-ano p--."
"Ok Lang yan anak, gusto ko pa naman makita ang magiging apo ko."hagikhik na sabi nito na ikinakapula ng buong mukha nya.
"Sino ba yang babae mo kuya?."
"Pinapatawad mo na ba ako Asla?."
"Hindi, basta matutulog ka dito hindi na kita aawayin."Napailing na lamang siya sa sinabi ng kanyang kapatid. Mukhang hindi yata siya makakabalik ngayon.
"Oo na basta wag ka ng magalit sakin." Sabi nya na ikinakangisi ng kanyang kapatid.
'Maiintindihan naman yata ako ni Sav. Sana nga...'
BINABASA MO ANG
The Faded Photograph |COMPLETE|
General FictionHe's Handsome, She's beautiful She has everything, While He Doesn't have He knows to respect, While She Does not She know who he is But expectant fails her He's your Ideal man Which she fell and fall for And She love him Well He's Just try to ch...