CHAPTER 55

933 20 1
                                    

CASSANDRA POV

My queen, please give this to lolo Marcus, this will be your gift to him" Tinanggap ko ang binigay ng batang hari sa akin kahit hindi ko pa alam ang laman nito.

"Para saan ito?" Tanong ko dito, ngumiti lamang ang batang hari.

"We're gonna set you up a date with him, and why not propose a wedding to the Alpha king of Trigus my queen." Napaawang ang aking labi, ako ang hihingi ng kasal? What the hell!
Bigla akong binalot ng kaba at hindi maipinta ang aking mukha.

"I know, everything will be set in the right place." Hindi pa rin ako makapaniwala, gusto kong makasal kay Marcus, gusto ko ako lang-ngunit wala pa kaming maayos na pag uusap simula noon.

Tumalikod na ang batang hari sa akin ngunit lumingon itong muli bago mag lakad ng patalikod.

"I'll be back later Queen Cassandra, I just wan't to see my mate, I missed her so much."

Gaya nga ng napag-usapan sa Trigus ako tutuloy na sadyang pabor sa akin. Tama si Lauren kailangan ko ng ayusin ang pagitan namin ni Marcus, lumalaki na ang aking tiyan at batid kong ilang buwan na lamang ay manganganak na ako.

"Sabi ko akin na yang libro ko!" Skyler

"Wala namang kwenta ito Eye." Vroco

"May kwenta ito para sa akin and could you please stay in your Castle! Wag ka ng lumabas! Ginugulo mo ako palagi!" Skyler

"What?! I will never help you to your mate again! What's her name again? Ella, Elize, Eloy? what? ah Elaine?" Matabang na sagot ni Vroco.

"Then I will never find your Snow White too!" Inis na sigaw ni Sky.

Sa totoo lang napaka ingay talaga ng mga asungot na ito, minsan naiisip ko kung wala ba silang responsibilidad sa kanilng mga palasyo

"You're spacing out Sweetheart." Tipid akong ngumiti kay Beta Luric, sinundo ako nito sa mundo ng mga tao kasama ang mga Asungot na maiingay. So talaga ngang nahanap na ng batang hari ang kabiyak nito, napaka swerte ng babaeng iyon kung nagkataon, isang maalaga at mapagmahal na lalake si Skyler, kung ako ngalang ang masusunod gusto ko siyang ipakasal sa aking magiging anak na babae.

Napailing ako sa dalawa, nag aagawan sila Vroco at Sky sa iisang libro marahil libro ito ng wattpad na nakahiligan ng batang hari, sa kabilang banda naman ay tahimik lamang si Aster at Cresscent na pawang malalim ang iniisip.

"I don't understand Trevor anymore." Biglang saad ni Aster at bumaling sa bintana ng sasakyan.

"Why?" Tanong ni Vroco at pinaubaya na nito kay Skyler ang libro.

"I don't know who's his real mate fuckers, pinakulong niya ang babae ngunit pinapangalagaan niya naman ito. Ang babae din ang kasama niya na gumawa ng ritwal sa pulang buwan. Hindi ko din maintindihan kumbakit naka pag marka siya ng dalawang babae." Mababakas ang inis sa boses ng mayabang na beta ng Astrid, hindi ko alam ngunit biglang napukaw ang interest ko sa sinasabi nito. Maari ba na mag marka ang isang lobo ng dalawang nilalang?

"Marahil ang marka niya sa isang babae ay hindi tunay, maaring kagagawan ito ng mangkukulam ngunit maari din--"

Hindi ko alam kumbakit hindi tinuloy ni Vroco ang kanyang sasabihin at pinili na lamang nitong makibasang muli sa libro na hawak ni Skyler.

"I will fucking kill that Ara sa oras na malaman kong siya ang may kagagawan ng lahat ng ito, wala akong paki alam kahit anak pa siya ni Haring Marcus. Damn my brother, he let her bitch to hurt the human girl! Walang kalaban laban ang babae!" Pinili ko na lamang pumikit, oo nga pala may unang anak si Marcus.

"Chill dude, kailangan mag ingat ni Trevor, alam mo ang kinasasangkutan ng Kapatid mo." Cresscent

"Don't mind them Sweetheart..." rinig kong saad ni beta Luric sa akin.
Tuluyan ng bumaksak ang talukap ng aking mga mata.

"I don't remember the name of the human girl, selnira, sevirrah, selvhi-."

Nagising na lamang ako sa isang malaki at eleganteng Kwarto, base sa pamilyar na amoy ng paligid ay masasabing pag aari ito ni haring Marcus.

Sa pag samyo pa lamang ng amoy na naiwan niyang bakas sa kanyang silid ay tila hinehele na ang aking pakiramdam. Marahan akong tumayo at linibot ang aking paningin. Mula sa cealing na kulay itim ay naka kabit ang malaking chandeliers na may disenyong bituin at mga bilog, halatang gawa ang mga ito sa mamahaling bato, muli kong ginala ang aking mata sa mga pader, tila may mainit na bagay na humaplos sa aking puso dahil puro litrato ko ang nakasabit sa dingding ng kanyang kwarto. Mula noong kamusmusan ko pa lamang hanggang sa kasalukuyan kong mga Imahe ang naka display sa malawak na silid ng hari. Masasabi kong isang litrato lamang ang naiiba, halatang luma na ito ngunit may pagkakahawig sila ni Marcus, marahil ito ang kanyang pumanaw na ina, napakaganda nito at napaka amo ng mukha.

Mula sa di kalayuan ay tanaw ko ang malaking Veranda na may nag gagandahang halaman- batid kong may mini Garden na tagos dito na sadyang nakakagaan ng loob kung itoy mamasdan. Ang kama naman ay napakalawak na siguradong kasiya ang mga nasa higit sampo na tao. May mga paintings na buhay na buhay na hindi maipagkakaila na magaling ang siyang may ukit ng obra, maging ang mga furnitures ay hindi papahuli sadyang matibay at elegante ang mga ito. Isama pa ang mga kurtina at carpet na halatang pino at magaling ang mga mananahi.

Wala yatang maipipintas sa kwartong ito. Napakagaan ng aking pakiramdam, kulang na lamang ang prisensya ni Marcus at maiinit na bisig nito na babalot sa akin.

Mabilis akong lumapit sa isang pinto ngunit bigla itong bumukas at linuwa ang isang babae.

"Mahal na reyna, pasensya na po, akala ko'y nahihimbing pa lamang kayo, nais ko lamang na ipaalam na handa na po ang hapunan." Tumngo ako sa babae at sinundan ito kung saan ang dinning room, kung maganda na ang palasyo ni Cresscent tiyak na mas maganda ang palasyo ng Trigus dahil halatang yari sa ginto at mamahaling bato ang bawat sulok ng palasyo na nag susumigaw ng karangyaan.

"Maupo na po kayo mahal na reyna." Maraming mga pagkain at upuan ngunit mag isa lamang ako sa hapag.

"Wala ba akong kasabay?" Tanong ko sa mga nakahelerang babae, marahil nag hihintay sila ng aking utos.

"Wala po ang Apha King- Luna, maging ang beta ay kaaalis lamang po, sa pag kakaalam po namin ay sa susunod pa na linggo ang balik ng Hari dahil isinasaayos po nito ang mga problema sa mga pack na pinamugaran ng mga rebelde." Kumunot ang aking noo, hindi dapat nito iniiwan ang kanyang palasyo, pwera na lamang kung may mapag kakatiwalaan siya gaya ng aking Tiya, ngunit maging ang beta nito ay umalis.

"Paparating na po mamaya ang punong konseho Mahal na Reyna-ang tinutukoy ko po ay ang lolo ni Haring Marcus, siya po ang panandaliang mamuno sa palasyo." Pakiramdam ko nawalan ako ng dugo, isang linggo! At ang lolo pa ni Marcus ang aking makakasama! Ang harapin at kausapin ito na wala si Marcus sa aking tabi ay labis na nagbibigay kaba sa akin.

Owned by the Alpha of TrigusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon