Chapter 14

2.4K 50 2
                                    

We ate silently. Not that kind of awkward silence, it's comfortable kind.

Natutuwa akong pagmasdan siya habang maganang kumakain.

I felt proud dahil luto ko ang kinain niya. Kinikilig ako.

"I'm full."

Natawa ako dahil sumandal pa siya sa silyang kanyang inuupuan at hinimas ang tiyan.

At dahil tapos na rin naman akong kumain ay ako na ang nagligpit. Muntik pa nga namin pag-awayan dahil sabi niya ay siya na raw ang maghuhugas dahil ako na ang nagluto kanina, pero syempre hindi ako pumayag dahil ako ang babae at first time ko itong gagawin sa kanya kaya gusto ko ako ang gagawa ng lahat. Gusto kong mafeel na parang mag-asawa kami. I laughed on my own thought.

Nang matapos ay tumabi ako sa kanya sa couch. Kasalukuyan siyang nanonood ng isang noontime show sa t.v.

"Move."

"Ha?"

"Usog ka ng kaunti."

Akala ko ay ayaw niya akong katabi kaya pinapausog niya ako pero ng humiga siya sa kandungan ko ay napangiti na lang ako.

I combed his hair. Nakatagilid siya ng higa, nakaharap siya sa t.v.

Ang kanang kamay ko ay sinusuklay ang kanyang buhok habang ang kaliwa ay nakapatong sa kanyang kaliwang braso.

Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa kanyang braso at humiga ng maayos. Ipinatong niya ang aming magkahawak na kamay sa kanyang dibdib.

I looked down to see his face. Mula sa buhok ay pinadaan ko ang aking kamay sa kanyang mukha.

Tinitigan niya rin ako.

"I missed you."

Bahagyang tumigil ang haplos ko sa kanyang mukha dahil sa kanyang sinabi.

"I missed you too. Bakit pala hindi mo nirereply'an yung mga text ko sa'yo?"

"Sorry."

Hindi ako sumagot.

"May inasikaso lang ako."

Patuloy lang akong nakatingin sa kanya habang hinahaplos ang mukha niya.

"Are you mad?"

"Yes. I expected you to contact me after to what happended but you are nowhere to found." mahinang sabi ko.

"I'm sorry." sabi niya sabay halik sa kamay kong hawak niya.

"I went to Italy kinabukasan noong may nangyari sa atin. Nakaschedule na iyon kaya kailangan kong umalis. May inasikaso lang ako doon."

"Dapat sinabi mo." nakangusong sabi ko. "Two weeks kang walang paramdam. Hindi ka nagtetext, pati tawag ko hindi mo sinasagot."

Dala ng sama ng loob ay hindi ko mapigilan na tumulo ang luha ko.

Tumagilid paharap sa akin si Michele at pinunasan ang luha ko.

"I'm sorry, baby." sabay halik sa tiyan ko.

"Don't be mad, please." masuyong sabi pa nito.

Tumango na lamang ako.

I don't know kung ano kami. Ibang-iba kasi ang kilos na pinapakita niya. Naguguluhan ako. Natatakot naman akong magtanong.

Bumangon siya at umupo sa tabi ko. Hinila niya ako para mayakap. Half of my body are on his chest, hugging me.

He kissed my ear.

"Are we okay now?" bulong niya.

I just nodded at him.

Ayaw kong maging komplikado ang lahat.

I just go with the flow. Magiging masaya na lang ako sa mga kinikilos at pinapakita niya ngayon. Ayaw kong masira kung ano man ang meron kami ngayon. Tatanungin ko rin siya, pero hindi sa ngayon.

"Are you sleepy?" he asked when he noticed that I yawned.

"Mmm." sagot ko dahil sa totoo lang ay inaantok na ako.

Busog kasi ako at komportable sa pagkakayakap niya kaya inaantok ako.

In-off niya ang t.v at binuhat ako ng pangkasal. I leaned my head on his chest while he is walking towards to his room.

Tumabi naman agad siya sa akin sa kama pagkababa sa akin.

Being in his arms is my favorite. I feel safe. I wish to be in this place forever.

Alam kong mabilis ang pangyayari sa aming dalawa. I don't know too but for now I like to enjoy it.

Naguguluhan din ako dahil kapag kaming dalawa lang tsaka siya hindi nagsusungit sa akin.

365 DAYS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon