DOS

90 3 4
                                    

KALEB

Nakarating ako ng resto matapos ang isang oras. Matraffic naman kasi, pagpasok ko nakita ko siya sa isang table kasama si Britney. Kausap ang isang client, dirediretso ako sa opisina ni Steven. Pumasok na agad ako.

"Mabuti naman at pumasok ka na matapos ang tatlong araw na walang paramdam." Bungad niya sa akin.

"Alam mo naman na.."

"Oo, alam ko. Alam naming lahat na death anniversary ni Yssa kahapon kaya hindi ka man lang naming macontact. Hindi ka man lang nagparamdam kay Fely, kahit text man lang para igreet siya hindi mo magawa."

"Alam mo naman na wala akong pakialam sa birthday niya. Lalong lalo na sa kanya." Sagot ko kay Steven. Biglang pumasok si Denver sa opisina. Galit din to sa akin. Alam ko, nararamdaman ko.

"Alam mong hindi kasalanan ni Fely ang mga nangyari. Alam nating lahat na aksidente ang ikinamatay ni Yssa. At walang may gusto noon!" - Denver

"Hanggang kailan mo ba sisihin si Fely sa mga nangyari ha! Hindi niya naman ginusto ang mga nangyari sa inyo!" -Steven

"Kung sana hindi niya kinausap ang parents niya, hindi kami ikakasal! Kung sana, hindi kami ikinasal, hindi kami maghihiwalay ni Yssa at hindi siya maaksidente!" Galit na sagot ko sa kanila.

"Hindi ko kinausap sila mama para ipakasal tayong dalawa!"

Napalingun ako kami sa nagsalita. There we saw Fely standing at the door kasama si Britney at Jasmine.

FELICITY

Nakita naming dumating si Kaleb, hindi man lang siya tumingin sa akin. Alam ko na nakita niya kami na nakikipag-usap sa isa sa mga possible clients namin. Diri-diritso lang siyang pumunta sa office ni Steven. Hindi ko alam kung ilang segundo na akong nakatingin sa pintuan na yun. Bumalik lang ako sa katinuan ko ng tapikin ako ni Britney.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya sa akin. I looked at her. Napatingin din ako sa harap namin.

"Mr. Arellano, already left. Nafinalize na namin ang menu para sa birthday ng anak niya. We just need to present this to the chiefs."

She smiled at me and I smiled back. Hindi naman masyadong matao kaya hindi rin ganoon ka busy ang resto, pinatawag na namin si Jasmine at pumunta na kami sa office. Malapit na kami sa pinto ng marining namin ang sigaw ni Kaleb.

"Alam mo naman na wala akong pakialam sa birthday niya. Lalong lalo na sa kanya."

I froze in my tracts. Alam ko naman yun eh. Pero iba pa rin pala pagnarinig mo na mula sa kanya. Naramdaman ko ang paghawak ni Jasmine sa akin. I smiled at them. I continue walking at naririnig na namin ang sigawan nilang tatlo.

"Kung sana hindi niya kinausap ang parents niya, hindi kami ikakasal! Kung sana, hindi kami ikinasal, hindi kami maghihiwalay ni Yssa at hindi siya maaksidente!" Galit na galit siya habang sinasabi niya yun. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at ako na ang sumagot sa kanya.

"Hindi ko kinausap sila mama para ipakasal tayong dalawa!" napalingun silang tatlo sa amin. He just smirked.

"Alam ko na 'yan ang sasasbihin mo. Kailan mo ba aaminin na kasalanan mo lahat ng ito?! SAYO NAGSIMULA ANG LAHAT!" Sigaw niya sa akin. Nakita kong susugurin na sana siya ni Denver.

"Don't." Napatigil si Denver sa paglalakad.

"Kasalanan ko? Ako ang simula ng lahat ng ito? Bakit? Sino ba ang pumayag sa pakiusap nila Papa? Ako ba?!"

Iniwas niya ang tingin niya sa akin. Kinuyom niya ang mga kamay niya. Hindi ko namalayan na napaluha na pala ako. Alam ko na pinipigilan niya ang galit niya. Pinunasan ko ang luha ko. I painted a bitter smile.

"Mula noong nalaman mo na ikakasal tayo, nagbago ka. Umiwas ka sa akin, kinalimutan mo na magkaibigan tayong dalawa, kinalimutan mo na bestfriend mo ako."

"Dahil ano pang silbi ng pagiging kaibigan mo? Ginamit mo yun para makulong ako sa kasunduang to!" Sigaw niya.

"Pareho lang tayong walang alam! Pareho lang tayong nabigla sa sinabi nila 3 years ago! Oo, inaamin ko noon pa man mahal na kita, na may pagtingin na ako sayo! At alam ko na alam mo yun! Alam ko na alam ng lahat yun! Pero hindi ko ginusto to! Hindi ko ginusto na makulong ka sa kasunduang to! Hindi mo alam kung paano ako nagmakaawa sa mga magulang ko para 'wag lang ituloy ang kasal! I even begged your parents to stop the engagement and the marriage pero ayaw nila."

"Hindi ako naniniwala sayo." Sagot niya sa akin.

"Nasa iyo na kung ayaw mong maniwala. Tanungin mo ang mommy mo, kung gusto mo." I tried to stop my tears, pero traidor sila. Nanghihina na ako, pagod na pagod na ako. Inalalayan ako ni Britney para makatayo ako ng maayos. I looked at him.

"Alam mo kung ano ang naging kasalanan ko? 'Yung minahal kita, yung kahit nakakapagod kang mahalin, minamahal pa rin kita. Ayoko na, suko na ako. Pagod na pagod na akong maghintay na babalik ang bestfriend ko. Kahit 'yung bestfriend ko na lang. Pero malabo na siguro. Tama na siguro ang tatlong taong paghihintay ko."

Umalis ako agad sa opisina ni Steven, I ran towards the parking lot. Sumakay ako ng kotse at pinaandar agad yun. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero gusto kong lumayo sa kanya, lumayo sa taong naging mundo ko na.

KALEB

Natahimik kaming lahat, tumakbo siya palayo at hinabol siya ni Steven. Napaupo ako sa sofa, at napahawak sa ulo ko. Hindi ko maintindihan pero, nasaktan ako. Nasaktan ako ng makita kong umiiyak siya sa harap ko. Galit ako pero bakit nasasaktan ako?

"Ang galing mo talaga no!" Napatingin ako kay Denver, hindi ko naiwasan ang suntok niya. Alam ko na kanina niya pa ako gustong sugurin. Kinwelyuhan niya ako, alam ko sa isang suntok na yun dumugo ang labi ko. Nakita ko na nakatayo lang ang dalawang babae sa likod niya.

"Ano?! Kasalanan ko na naman kung bakit nagdrama 'yung kaibigan nyo?!"

"Tarantado ka pala eh!" Inambahan niya ulit ako ng suntok. Doon na siya inawat ng dalawa. Hinawakan siya ni Britney, at pilit nilalayo sa akin.

"Totoo naman ah! Siya parati ang iniintindi niyo! Siya parati ang biktima dito! Hindi nyo man lang nakita ang pinagdadaanan ko dahil lang sa pisting sitwasyon nato!"

Naramdaman ko nalang na may kamay na tumama sa pisngi ko. Sinampal ako ni Jasmine.

"Parati mo nalang nakikita ang sarili mo! Kami pa ngayon ang walang pakialam sayo?! inintindi ka namin Kaleb! Kahit hindi na namin maintindihan kung bakit ka nagkakaganyan! Alam namin galit ka kasi, pinakasal kayong dalawa! Na kailangan mong makipaghiwalay kay Yssa para lang masunod ang gusto ng parents niyo! Alam namin na nasasaktan ka kasi nawala si Yssa! Pero sana 'wag mo namang isisi kay Fely lahat! Hindi mo alam kung anong pinagdadaanan niya!"

"Ilang gabing iniyakan ni Fely ang sitwasyon niya. Kahit sabihin niya pa sa amin na okay lang siya, alam namin na pinipilit niya lang ipakita sa amin na okay siya. Sana man lang naisip mo, hindi lang mga magulang niya ang nawala sa kanya, pati taong mahal niya at ang bestfriend niya." - Britney.

Lumabas na agad silang tatlo sa office at naiwan akong magisa.  

My Miracle (Mi Milagro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon