7:32 am
Josh:
Andrea, nasan ka na?Josh:
Nandito na ko sa coffee shopJosh:
Siguraduhin mo lang na sisiputin
mo akoAndrea:
Oo na, paulit-ulit. Otw na akoJosh:
Angas mo ahJosh:
By the way ingat ka2:45 pm
Josh:
Nakauwi ka na?Andrea:
YesAndrea:
Jace, alam kong nasabi ko 'to kanina
pero gusto ko ulit sabihinAndrea:
Thank you so so so much!Andrea:
Naappreciate ko rin ang effort
niyo kanina ng mga kaibigan moAndrea:
I was genuinely surprised; I really didn't
expect that. Akala ko kasi galit ka pa
rin sakinAndrea:
Iingatan ko 'tong mga binigay
mo sakinAndrea:
Sobrang saya ko, nag-enjoy ako kanina.
Nakakatuwa rin ang mga kaibigan moAndrea:
Nakakahiya, ang plain ng suot ko
samantalang ikaw ganap na ganap ka.
Pinaghandaan mo talaga ang araw na 'toJosh:
Hindi mo naman kailangang mag-ayos,
hindi mo kailangang magpaganda.Josh:
What matters is, you kept your wordJosh:
Grabeng kaba ang naramdaman ko
kanina. Natatakot ako na baka hindi na
naman matuloy ang pagkikita natinJosh:
Nag-ooverthink nako HAHAJosh:
You're always welcome and thank you
rin kasi pumayag ka...Josh:
na ligawan kita. Hinding-hindi ko
sasayangin ang pagkakataon na 'toAndrea:
Malaki ang utang na loob ko sayoJosh:
Don't say thatAndrea:
I forgot, huwag mong ipopost ang
mga pics natinJosh:
Why not?? Kinakahiya mo ba ko?Andrea:
Wala akong sinabi!Josh:
E bat nga ayaw mo?Andrea:
Ang pangit ko sa pictures, wala akong
matinong picture kaninaJosh:
Kasalanan mo rin yan, iyak ka kasi
ng iyak. Masusurprise ka na lang,
iiyak ka paAndrea:
O bat nang-aaway ka??Andrea:
Kanina lang tayo nagkaayos tas
gaganyanin mo ko?Andrea:
Malamang tears of joy!Josh:
Biro lang heheJosh:
Chineck ko yung mga picture kanina, okay
naman ang hitsura mo ron. Maganda
ka naman :pJosh:
Sayang naman kung itatambak ko
lang yung mga pics sa filesJosh:
Imbes na may memories tayo eAndrea:
Ikaw bahalaAndrea:
Pero may nakakalimutan ka 'ataJosh:
Ano?Andrea:
Kailangan mo munang magpakilala
sa Mom ko. Sobrang strict no'n sakin,
make sure to do ur thing rightJosh:
Oo namanJosh:
Kung gusto mo liligawan ko rin ang
nanay at kuya mo HAHAHAAndrea:
Much better! Hihintayin ko 'yang
sinabi moJosh:
That's for sureJosh:
Hindi mo lang alam kung gaano
ako kasaya ngayon kasi nakabalik ka naAndrea:
Akala ko huli na ang lahatJosh:
Kahit kailan, open ako para sayoJosh:
Nakakahiyang sabihin 'to pero...Josh:
Kinikilig akoAndrea:
Wala namang nakakahiya ro'nAndrea:
Saglit lang, out muna 'koAndrea:
Oh baka magtampo ka na
naman haAndrea:
Babalik akoJosh:
Malaki ang tiwala ko sayoJosh:
Kahit na hindi ka magpaalam,
alam kong babalik kaSeen
★★★
Andrea Nazrille and Josh Adriano updated
their status to
In A Relationship
YOU ARE READING
Chatmates: Seener and Hyper (Completed)
Teen FictionNotification. Message request. Chats. Interactions. Like. Misunderstanding. Block. Unblock. Love. Seen. *** COMPLETED | TAGALOG Date Started: April 8, 2020 Date Ended: May 5, 2020 © 2020 Ronian_ReyesKJ All Rights Reserved