Chapter 10: Ayra and Wayne

838 36 0
                                    

Chapter 10: Ayra and Wayne

[Ayra Point of View]

Pagdating namin sa paaralan, agad ko silang iniwan dahil badtrip ang araw ko dahil sa Caleb na yun. Gusto ko siyang bugbugin kaya lang hindi ko kaya dahil mahal ko siya.. Mabilis akong naglakad patungo ng aming room ng biglang sumulpot si Wayne ang kaibigan kong itinuturing. Siya kasi ang una kong nakausap simula noong bagong dating ko lang dito sa university, ang sarap niyang kasama para bang mapapanatag ka kapag siya palagi ang nasa tabi mo. Hindi ka sasaktan hindi kagaya ni Caleb...

"Hi Aimie! Good morning" bati nito sakin kaya napangiti ako na hindi ko alam ang dahilan

"Hi Wayne, morning din"nakangiti kong bati sa kaniya

"Alam mo na gulat na gulata talaga ako kahapon sa nalaman ko, hindi ko inaasahan na ikaw pala si Ayra Park ang may ari nitong university." Wika nito

"Sorry kung hindi ko sinabi sayo ang totoo kung pagkatao. Nagiingat lang kasi ako." Hingi kong paumanhin

"Ayos lang yun Ayra, alam ko naman na may dahilan ka kung bakit mo yun ginawa. Tiyaka kaibigan kita hindi ba? Kaya maiintindihan kita." Sabi nito na ikinangiti ko lalo

"Mamaya pa naman ang klase natin sa politics hindi ba?" Tanong ko sa kaniya

"Oo 8:30 bakit mo na tanong?"

"Punta muna tayo sa rooftop, gusto ko muna magkwentuhan tayo bago magsimula ang klase." Yaya ko sa kaniya

"Sige ba! Matatanggihan ko ba ang gusto ng kaibigan ko." Sabi nito kaya hinila ko na lang siya paakyat sa rooftop, nadaanan pa nga namin sina Caleb but hindi ko sila pinansin..

F
A
S
T
F
O
R
W
A
R
D

Nandito na kami sa rooftop, umupo kami sa sahig..

"Ano bang gusto mong pagusapan natin Ayra?" Tanong nito sakin

"Tungkol sa traydor sa loob ng campus" sabi ko, kaya agad niyang nabitawan ang hawak niyang ballpen, magsusulat daw kasi siya ng isang tula..

"T-traydor? Paano mo naman nasabi na may t-traydor sa campus?" Utal nitong sabi

"Dahil nakita ko siya kahapon, kaya lumabas ako dahil doon. Hindi siya pamilyar sa akin. Kilala ko ang lahat ng mga studyante sa university kaya napagtanto ko na may nagaaligid na isang traydor sa campus." Paliwanag ko sa kaniya, kaya lang parang gulat na gulag siya sa sinabi ko. Bakit kaya?

"S-sigurado ka ba diyan Ayra? Baka may pinuntahan lang siya dito sa campus o kaya may kapatid na nag-aaral dito tapos may ibibigay then sakto naman nakita mo." Sagot nito, parang may kakaiba may Wayne ngayon. Hindi naman siya ganito magsalita..

"Hindi! Kasi Wayne kitang-kita sa galaw niya na may binabantayan siya. Alam mo ba noong tumingin siya sa window ng school natin, sakto doon ako nakaupo nagulat siya at umalis kaya ayun lumabas ako." Sabi ko, kaya lang parang hindi siya naniniwala

"Ayra baka imahinasayon mo lang yan, alam mo tigilan mo na yan. Tradydor? Bakit naman may traydor sa campus? Anong dahilan?" Wika nito

"Dahil sa akin Wayne, ako ang target niya. Gusto niyang patayin ako.." Sagot ko na ikinatigil niya sa pagsusulat

"Anong dahil sayo?" Tanong nito

"Gusto nilang makuha ang trono, ang trono na ini-ingatan ng buong mafia na kinabibilangan ng magulang ko." Sabi ko

"Isang mafia ang parents mo?" Gulat nitong sabi

"Oo, at ako naman ay isang mafia empress." Sagot ko na ikinatayo niya

"Shit!! Ayra!! Nasa panganib ka nga! Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin yan?! Edi sana nabantayan kita..." Sabi nito, kanina parang walang ganang makinig sa akin tapos ngayon parang nakakita ng isang multo kung magsalita..

"Tumahimik ka nga Wayne! Baka may makarinig.. Mas lalong manganganib ang buhay ko.!" Sabi ko sabay takip ng bibig niya

"S-sorry naman, nagulat lang talaga ako. Kailangan mo talagang magingat Ayra." Sabi nito

"Kaya nga, nandiyan naman ang mga bodyguard ko kaya don't worry." Sagot ko

"Bodyguard?..Sino naman?.." 

"Si Caleb at ang grupo niya. Sila ang inatasan ng parents ko para bantayan ako."

"Ahhh, mabuti nga yun. Ang alam ko magaling daw sila sa pakikipaglaban kaya mababantayan ka talaga nila.."

"Alam mo malalate na tayo sa klase, kaya halika na..." Hila ko sa kaniya..

Parang may mali, parang hindi si Wayne ang kausap ko, hindi siya ang nakilala kong Wayne. Kitang-kita sa mga mata niya.. Mali kaya ang nakita ko kahapon.. Baka hindi siya... Tama kaya ang sinabi ni Wayne na baka nagkamali lang ako sa nakita ko.. What if.. Yung traydor ay isa sa studyante ng campus!! Malaking problema ito, sino sa kanila??

💕💕END OF CHAPTER 10💕💕
NEXT CHAPTER WILL BE POSTED SOON...

A Gangster Fall In Love To A Mysterious Nerd (COMPLETED) Under EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon