*click*
Isinara nito ang pintuan ng dahan-dahan at niyakap ang kaniyang anak ng mahigpit.
"Shhhhhhhhhh" pagpapatahimik nito sa kaniyang anak at saka tinakpan ang bibig.
Maya-maya ay may nagsidatingang mga naka-itim na tao at may mga hawak itong mga patalim. Mayroon ding mga dugo sa bawat damit nila na naglalabas ng masangsang na amoy. Ginalugad nito ang bahay na kung saan nagtatago ang mag-ina.
"Wala na sila dito! Nakatakas na ang mga yun!" sigaw nung isang lalaki.
"Nalintikan na! Hanapin niyo sila sa paligid, tiyak na hindi pa nakakalayo ang mga yaon. Yung iba sa inyo, puntahan niyo ang tulay!" utos nito sa kaniyang tauhan at mabilis naman silang sumunod sa utos.
Nakiramdam siya sa paligid at maya-maya'y huminga ng maluwag matapos marinig ang mga yabag ng paa na papaalis na sa kanilang tahanan. Binuksan niya ang pintuan ng kabinet na kung saan sila nagtatago at lumabas doon kasama ang kaniyang anak.
Tumungo siya sa pintuan ng bahay at isinara ito. Siya'y nagmamadaling tumungo sa kwarto at naghanap ng bag at sa kabutihang palad ay may nakita siya.
Kinuha niya ang mga damit na nasa bag nila at inilagay sa bagong nahanap na bag sapagkat medyo malaki ito. Kinuha niya lang ang damit nilang mag-ina at iniwan ang damit ni Lance.
Tumungo siya sa kusina para maghanap ng delata at tubig, mabuti na lamang ay meron at ito'y isinilid niya sa bag. Kinuha niya rin ang isang medicine kit at flashlight na nakita niya sa kusina at pati na rin ang dalawang kutsilyo at isinilid rin sa bag.
Pagkatapos ay pumunta siya sa sala na kung saan naka-upo ang kaniyang anak, "Mommy", mangiyak-ngiyak nitong sambit matapos makita ang ina na papalapit sa kaniya.
"Don't cry baby. Diba ang sabi ni Dada na ang umiiyak ay mga mahihina?" tanong nito sa kaniyang anak habang inaalis nito ang mga namumuong luha sa mata ng bata, "Mahina ba ang baby ko?" dagdag na tanong nito.
"Malakas ako mommy!" sagot nito sa kaniyang ina.
"Malakas ka naman pala kaya huwag ka ng umiyak pa baby", pagpapatahan nito.
Binihisan niya ang kaniyang anak at saka pinasuot ng makapal na jacket at maong na pantalon. Pinasuot niya rin ito ng sapatos, guwantes, sumbrero at saka face mask.
"Baby, makinig ka ng mabuti, makinig kang mabuti kay Mommy" seryosong sabi nito habang nakatitig sa mata ng kaniyang anak.
"Maraming masasamang tao sa labas kaya makinig kang mabuti kay Mommy. Diba gusto mong maging sundalo?" tanong ng ina.
"Gusto ni Dj maging malakas na sundalo!" tugon nito sa ina.
"Mabuti naman kung ganon. Ngayong araw na ito, may mission tayo. Ako muna ang commander at dapat susundin mo ang utos ko para malampasan natin ang mission na ito. Unang utos ay dapat hindi ka lalayo kay Mommy, kahit anong mangyayari dapat nakahawak ka palagi sa kamay ni Mommy. Naintindihan mo?" tanong nito kay Dj at tumango naman ito bilang tugon sa kaniyang ina.
"Pangalawang utos, kahit sino ang makikita mo kahit kaklase mo, kaibigan, mga kapit-bahay o kahit si Dada at si Popo! Huwag mo silang lalapitan, dapat kay Mommy ka lang lalapit."
"Pangatlo, huwag kang hahawak sa iyong mukha! Kahit may dumapo na lamok o kahit madumiham ka pa, huwag na huwag kang hahawak sa mukha mo. Huwag ka ring basta-bastang hahawak sa mga bagay-bagay."
"Pang-apat, tahimik lang dapat! Bawal na bawal ang mag-ingay sa mission! Bawal sumigaw at kapag may tanong ka, magsasalute ka muna kay Mommy."
"At ang panghuling utos ng commander, bawal na bawal tanggalin ang mask! Yan ang pinakamahalagang utos sa lahat! Naiintindihan mo?" tanong nito sa kaniyang anak at tumango naman ito bilang tugon, "Sige nga, ulitin mo nga lahat ng utos ng commander", hamon nito sa anak.
YOU ARE READING
The Pandemic
Mystery / ThrillerPhilippines is one of the country in the world who is greatly affected by a pandemic named as Covid19. The number of infected person is rapidly increasing that is why the President of the Philippines released a mandate that shocked not just the Fili...