Chapter 2

26 3 0
                                    

"Sorry sa lahat, hindi ko sinasadya." banggit niya.

Bakit siya nag sosorry? Anong ginawa niyang kasalanan? Naguguluhan ako.

"Daryl!"

Nagulat kami ni Mika sa tumawag sa 'kin, napalingon kami at napabitaw sa pag kakayakap. 

Si Mama.

"Kanina pa kita hinaha-" napatigil siya sa pag sasalita at napatingin kay Mika.

Nag bago kaagad ang expression ng mukha ni Mama. Kung kanina ay nag aalala ngayon ay parang galit siya. Lumapit siya sa'min habang na katingin kay Mika at hinawakan ni Mama ang kamay ko.

"Let's go." sambit niya at hinila ako papalayo kay Mika.

"Wait lang Ma." hinigit ko ang kamay ko sa kaniya.

Hindi naman ako bata para hilahin niya ko atsaka gusto ko malaman kung sino si Mika sa buhay ko.

"Bakit?" Tanong niya sa 'kin. "Umalis na tayo, baka kung anong mangyari sayo." sabi niya at tumingin kay kay Mika

Halatang may galit si Mama kay Mika. Si Mika naman ay nakatungo lang at naiyak. 

Hindi ko alam kung anong gagawin ko o kung ano irereact ko sa mga nangyayari ngayon. Dapat ba ko mangialam o pag masdan lang sila? 

"Ma, may tinatago ka ba sa 'kin?" Tanong ko.

"Wala." sambit niya. "Pinag kakatiwalaan mo ko diba?"

Gusto ko humindi dahil pinaghihinalaan ko siya at ang mga nangyayari ngayon ang nag papatunay noon. 

"Wait lang tita, gusto ko lang naman kausapin si Daryl." sabi ni Mika habang naiyak pa rin

"Wala kang karapatan." sambit ni Mama habang nakakuyom ang mga palad.

Iyong mata niya nanlilisik sa galit pero kahit ganoon ay may pag kahinhin parin ang boses niya. 

"Ma, dapat ako mag desisyon nyan." Saad ko. 

"Baka kung anong kasinungalingan ang sabihin niya sa'yo." sabi ni Mama.

"Kahit ngayon lang tita, kahit onting panahon lang. Gusto ko lang humingi ng tawad sa kaniya." naiyak na banggit ni Mika.

Naguguluhan ako sa kanila. Hindi ko alam kung sino ang pag kakatiwalaan ko sa kanila. Dinadaya nila ang memorya ko.

"Tita pakiusap mahal ko si Daryl." sambit ni Mika na kinagulat ko.

Ako mahal niya ko?

Tumingin ako sa kaniya na nag tataka habang siya ay naiyak parin. Totoo kaya ang sinasabi niya?

Wait, bakit ganto nararamdaman ko? 'Yong puso ko ang lakas ng tibok, hindi normal ang pag tibok nito. Hinawakan ko ang dibdib ko at damang dama ng ka ay ko ang lakas ng pag tibok nito. 

Nawala ang atensyon ko sa kakaiba kong nararamdaman ng biglang lumapit si Mama kay Mika at isang bagay ang kinabigla ko. Sinampal niya si Mika at natumba ito. 

"Ma!" sigaw ko.

Lumapit ako sa kanila para tulungan si Mika na makatayo.

Halatang napalakas ang pag kakasampal ni Mama dahil namumula ang pisngi ni Mika ngayon.

"Ma, bakit mo ginawa iyon?"

Hindi ako makapaniwalang gagawin niya 'yon. Pag kakakilala ko kay Mama ay mahinhin at halos di makabasag pinggan pero ngayon ay parang ibang tao ang kaharap ko.

"Napaka arte mong babae ka!" sigaw niya. "Kinukuha niya lang ang simpatya mo Daryl, umaarte lang iyan."

Hindi ako makapaniwala. Sino si Mika? Bakit ganto nalang ang galit ni Mama sa kaniya?

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon