Gaano ba kahirap ang mamatay? gusto mo ba maranasan na makipag agaw buhay kay kamatayan? yung tipong gagawin mo ang lahat para lang mabuhay? I did all of that for someone..
Papasok ako ng school, Normal day kung titignan, Maraming busy sa daan, marami ring nagmamadali para makapasok kanya-kanyang trabaho o eskwelahan. Not for me. nagmamadali ako dahil gusto ko siyang maabutan. Si Erik Dylan Santiago, Crush ko siya since I was 6 years old. well, Maaga akong lumandi, (Sorry for the term). Scratch the word "Crush" Maybe I did Loved him for almost 12 Years. Pareho kaming nasa Iisang University. Lahat ginawa ko Just to be near with him, I've became an honorable student. I always Get higher grades. Scholar nga din ako sa University namin. But one thing na masakit para sakin. He never EVER see me as a Lady, He always treat me just like a sister. Never niyang nalaman na may gusto ako sa kaniya.
Magaling ba ako magtago? or Hindi lang talaga siya makaramdam? Lagi nga kaming inaasar but he always say "Little Sister ko to e" Sabay Gulo ng buhok ko. Haaaaaay. Wala naman akong magagawa, But this day. My Birthday, Everything will change.
"Araaaay!" Napabagsak ako sa sahig, Ang sakit nun ah! "Pwede ba tumingin ka sa dinadaanan mo!" Nagmamadali akong pulutin yung mga sulat na dapat matagal ko ng binigay kay Erik. Pagtayo ko inabot nung lalaki yung pinulot niya. "Sorry" Sabay umalis siya. Weird. Wala man lang Reaction yung mukha niya. Pero may isa lang akong napansin... Yung Mata niya na kulay Gray. Super Weird. Anyway, Inayos ko lahat nung Enevelope at Nadaredaretso sa lagi naming tambayan ni Erik, Yung malaking Puno sa Likod ng University. I Find this place Cool, Dito kami lagi naghahang-out, nag-aaral, naglulunch. Memories..
"Erik!!"
"Thalia!" Err.. I just hate the part na Pangalan ko tawag niya. Siya lang kase ang tumatawag sa First name ko Bukod Kay Papa.
"Hey! Eliza Will do, lagi na lang Thalia e." I Pouted.
"Hahaha! You know i love calling you that. Anyway..." At nagsimula na siyang maghalungkat sa bag niya. "Happy Birthday!" May nilabas siyang Small Box.
"Wow! Nag Effort ka pa? After this year.. Nag bigay na rin ng Regalo? Di kita pinilit ha?"
"Yeah I know." We laugh.
Binuksan ko na yung binigay niya.. It's a Hourglass Necklace, maliit lang yung Hourglass pero ang Cool!
"Wooow! Thank you Erik!!" Sa sobrang tuwa ko. Nabitawan ko yung hawak ko and I Jump to him, giving him a Very big hug.
"Hey! Hindi na ako makahinga! Haha!" I Let go. "Thank you very much"
"Your welcome, Matagal ko na talaga yan tinago dapat nga 7 ka na binigay ko na yan. But Tito wants me to give that when you turned 19." Medyo naguluhan ako dun ha?
He looks at me sincerely.
"Thalia, Since the day I met you, I started liking you, From the very first conversation we had, For the small things we did, For you being true to yourself.." Pinigil ko siya
"Wait.. So you're telling me.."
" I Like you Very much, No. I Love you."
Akala ko magiging masaya na ako ng araw na yun, pero hindi...