BUPUM 12

66 1 0
                                    

Day 3

SERAH'S POV,

Pakiramdam ko ay sobrang puyat ko. Pano ay hindi kami msyadong naka tulog kagabi. Haist. Kung kailan naman kasarapan ng tulog namin ay umulan naman. Madaling araw na pero hindi pa din tumitila ang ulan pero mejo humina na ito. Ginawan ng paraan ni Charles na kahit pano ay mawala ang tulo ng ulan sa tinutulogan namin.

Ang sama pa din ng pakiramdam ko. Nag papaawang sabi ni Charles

Ako naman ay inaantok. Mukhang may bagyo. Dagdag pahirap to satin. Mas mahihirapan tayo makakilos. Inis na sabi ko

Tara na mag pahinga na ulit tayo mahina naman na ang ulan. Di na tayo mababasa. Tignan mo si batching at himbing pa ng tulog. Natatawa naman sabi nito.

Ang ganda nga ng pwesto nya. Hindi sya nababasa msyado. Inggit na sabi ko naman.

Niyakap naman ako ni Charles at sabay ulit kaming natulog. Ang totoo ay komportable na ako sa presensya ni Charles. Pakiramdam ko ay safe ako palagi basta anjan sya sa tabi ko. Ayoko man lumalim ang kung anong meron kami pero parang ang hirap umiwas. Lalo at dalawa lang kami dito na nag uusap. Well syempre makakausap mo nga si batching pero wala ka naman madidinig na sagot di ba.

Mag tatanghali na ng magising kami. Makulimlim pa ang langit pero hindi na umuulan. Hinawakan ko ang noo ni Charles at natuwa ako ng wala na tong lagnat. Mabuti naman.

Ako na lang muna ang huhuli ng makakain natin. Mag pahinga ka muna baka kasi mabinat ka. Mahirap na. Di pa msyado tuyo sugat mo sa ulo. Bilin ko dito

Pakiramdam ko ay asawa na kita jan sa mga bilin mo. Ang sarap mo naman mag alaga. Nang aasar na sabi nito

Sira ka talaga. Sige na isama ko tong si batching. Paalam ko dito tska nag simulang mag lakad pa dalampasigan.

Makalipas ang ilang minuto ay naka huli ako ng lima na isda na katamtaman lang ang laki. Naka kuha din ako ng maliliit na alimango. Pag balik ko sa inflatable boat ay nakita kong naka tulog si Charles. Kaya naman nag umpisa na ko magluto. Kailangan nyang uminom ng gamot para tuluyan na syang gumaling. Nang makaluto ako ay ginising ko ito.

Charles kakain na tayo. Bumangon kana jan. Iinom ka pa ng gamot mo. Sabi ko kasabay ng pag yugyog ko sa braso nito. Naka dungaw lang ako sa kanya habang inaantay syang magising. Maya maya lang ay dahan dahan itong bumangon. Nang matapos kumain ay inabot ko sa kanya ang gamot para makainom sya. Uminom na din ako para sigurado na hindi ako mag kasakit.

Nag aya na maligo sa dagat si Charles dahil nanlalagkit na daw ang katawan nya. Ayoko pa sana dahil baka mabinat sya pero ang kulit nya ayaw paawat binuhat pa ko pa punta ng dagat. Kaya wala na din ako nagawa.

Ang sarap sa pakiramdam. Ang lamig ng tubig. Naka ngiting sabi nito

Oo nga. Ang sarap mag babad. Pag sang ayon ko naman

Naka harap ako sa dagat at tinanaw ito hanggang sa maabot ng mata ko. Nakakarelax. Naramdaman ko naman ang pag yakap sakin ni Charles mula sa likod ko. Ang baba nya ay naka patong sa balikat ko. At gaya ko ay tinignan nya din ang lawak ng karagatan. Hindi pa man nag tatagal ang yakap nya ay ramdam ko agad ang biglang pag init ng katawan ko. Hinarap ako ni Charles sa kanya at hinawakan sa baba.

Alam mo bang sobrang saya ko ngayon? Masayang sabi nya talaga

Bakit naman? Takang tanong ko naman

Dahil kasama kita. At unti unti kitang nakikilala. Di mo man aminin ay alam kong may nararamdaman ka ding kakaiba pag nag lalapit tayo lalo ang ating katawan. Sabi nya

Trapped in an Island(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon