Chapter three
Birthday
----
Jai's POVIsang linggo na ang nakalipas mula nang pumunta kami sa BGC. Kasama 'ko ngayon sila Pat at Viy sa condo habang pinagplaplanuhan ang gagawing surprise sa birthday ni Solen.
Naisip ko na ngayon ang magandang araw para gawin ang plano dahil umalis si Solen kasama ng pamilya niya
"Solen's birthday will be on Friday" I said before putting my phone on the couch.
Pasado alas-tres na ng hapon nang tumingin ako sa wall clock. Nagpaalam muna ako sa kanila na magreretouch dahil nagusot ang suot 'kong damit nang umupo kami sa carpet ng sala.
Papunta na sana ako sa comfort room nang may nadaanan ako na isang full-length mirror katabi ng kuwarto ni Pat kaya napagpasyahan 'ko na doon na lang ayusin ang sarili.
I am wearing a white tube top and plaid pants partner with a black cardigan and wedge sandals. Nagsuot din ako ng gold minimalist necklace and stud earrings to add a little details to my OOTD. Naka-messy bun naman ang buhok 'ko at may kaunting buhok sa harapan para mag-match sa aking classy look for today.
Pagkatapos 'ko pasadahan ng tingin ang aking sarili ay sunod 'kong inilabas ang make up kit sa loob ng bag. Naglagay ako ng matte lipstick at blush on nang matunaw na ang make up na inilagay 'ko kanina.
After 5 minutes ay bumalik na ako sa sala at umupo sa gitna nila Viy at Pat. Saglit 'kong pinagmasdan ang mga kaibigan 'ko na abala sa kanilang kinakain kaya pinasadahan 'ko na rin ng tingin ang kanilang mga OOTD.
Viy is wearing a pastel top that has a thin strap partner with a fitted skirt while Pat is wearing a green shirt tucked in a denim shorts.
Sa aming magkakaibigan, iba-iba ang taste namin pagdating sa pananamit.
Gwai is the ultimate fashionista in our group while Solen is like an elegant type. Pat loves a casual look while I loves a classy & chic style. Viy likes daring outfits and known for her sexy image.
"So what's the plan?" Pat asked after she sipped on the orange juice.
Sumilip ako saglit sa calendar na nasa side table bago binalik ang tingin sa mga kaibigan 'ko.
"May pasok tayong lahat sa Friday kaya naisip 'ko na thursday pa lang ihanda na natin ang surprise for Solen"
Mabilis naman na sumagot si Pat ng "G!" kaya sabay kaming natawa.
Sunod akong tumingin kay Viy para hintayin ang sasabihin niya pero mukhang nasa ibang bagay lumilipad ang isip niya. Ilang minuto pa ang lumipas bago siya tumingin sa akin.
My brows furrowed when I saw her staring at me for a seconds.
"How about you Viy? May gagawin ka ba sa thursday?"
I asked, waiting for her answer.
"Uh ano..."
"Ano?" tanong ni Pat habang nakataas ang isang kilay kay Viy.
"Hindi 'ko pa kasi alam kung may group work kami sa thursday...you can wait me na lang if meron"
Viy said so I just shrugged. I get my phone on the couch and open the iMessage.
"Okay so here's the thing, on thursday night sa condo ni Solen, iseset-up na natin ang mga decoration. Since magkasama naman kami ni Solen sa araw na 'yon yayain 'ko siya mag mall para manood sa cine. But, Freda will come over to accompany her 'cause someone will call on my phone and take that as emergency"
I explained before searching Freda on my contact list.
Si Freda ang girl blockmate ni Solen at close niya sa kanilang block. I told her the plans about Solen's party and she immediately respond on my text.
"Paano kapag uuwi na si Solen sa condo, edi makikita niya yung hinanda nating surprise?"
Viy asked, still confused on my plans.
"Sa bahay 'ko siya magoover night kasi sasabihin 'ko na may emergency at kailangan 'ko ng makakausap. I need to think of a reason na kapani-paniwala para hindi siya magtaka"
I said before drinking my banana milk. After a long silence Viy talked again.
"Oh gets ko na! So bale may tatawag sa'yo the time na papasok kayo sa cine but then magpapaalam ka kay Solen na uuwi ka kasi may emergency pero ang totoo didiretso ka sa condo ni Solen to prepare the decorations for her party. Am I right?"
Sabay kaming bumuntong hininga ni Pat dahil ngayon lang nagsink-in sa kaniya ang lahat ng sinabi 'ko.
Obviously, she's not with us!
"What? Bakit kayo ganiyan tumingin sa'kin?"
Viy asked.
"You look so bothered! Ano bang iniisip mo?"
Hindi ko na napigilan magtanong dahil halatang may malalim siyang iniisip mula nang magkita kaming tatlo dito sa condo.
"Huh what do you mean?" she smiled awkwardly and tried to compose herself.
"Well, I'm just wondering lang may nakita kasi ako kanina..."
Kumunot ang noo 'ko nang titigan niya ako nang matagal. Napansin naman niya na nakatingin rin ako sa kaniya kaya mabilis siyang umiling.
"Uh nevermind forget what I said, I think namalikmata lang ako"
She said and looked away.
Nagtataka namang tumingin si Pat sa akin at naghintay ng sagot pero nagkibit balikat lang ako bago inalis ang tingin sa kaniya.
Weird.
Ano bang iniisip niya? Don't tell me nakita niya rin ang nakita ni Solen kaya siya ganoon makatitig sa'kin.
I excused myself and left them in the living room. Pumunta ako sa cr para maghilamos at mahimasmasan dahil sa mga ideyang pumapasok sa isip 'ko.
After a couple of second, inangat 'ko na ang tingin 'ko sa salamin bago pinagmasdan ang sarili.
I sighed heavily.
"Bakit pakiramdam 'ko pilit na tayong pinagtatagpo ng tadhana?"
I asked, still looking on the mirror.