Chapter 18

94 5 0
                                    

"Kain lang ng kain!"

"Lorelei diba crush mo si jin?"

Nabilaukan ako sa sinabi ni chase. natarantang kumuha si rose ng tubig at ibinigay ito sakin. ininom ko muna ito bago magsalita
"Wala akong crush sakanya"

"Weh? diba umamin ka sakanya noong kinausap ka niya sa phone?"

Konti nalang, masisipa ko na tong lalakeng toh.
"Hindi ako umamin, klinaro ko lang na---

"Na crush mo siya?"

"Hindi!"

"Stop it you two! mamaya kayo na ang magkatuluyan niyan"

"Hell no!"

"Baka totoo nga yan laureen! lorelei my loves!"

"Bwisit ka! lumayo ka nga saakin!"

~~~~~~~~~~

Pagkatapos naming kumain ay lumabas kami. magswi-swimming kase daw ulit yung apat, pati rin daw sina laureen at rose na good mood na dahil naayos na yung pinoproblema nila kanina. may dala silang sunblock at tela para daw di kami mainitan pag umupo kami mamaya

Napatingala ako sa kalangitan habang nakaangat yung kamay ko para hindi ako masilaw, tirik na tirik ngayon yung araw. nate temp tuloy akong maligo sa dagat

Tumakbo agad sina xyl, chase, chester, at seth patungo doon sa dagat, naiwan kami ditong lima. nang lumingon ako ay nakita kong nakaupo na pala sila kaya umupo narin ako. kasya naman kami doon sa tela.
"Kala ko ba magswi-swimming kayo?"

"Maya lang, naglalagay pako ng sunblock" sabi ni laureen na busy na sa paglalagay ng lotion sa kamay niya. si rose naman ay kakasimula palang sa paglalagay
"Wag kang atat na makasama si alex"

Nagulat ako sa sinabi niya na pati si alex na naglalaro lang kanina sa phone niya ay napaangat narin ng tingin
"Ha?"

"Wala, enjoy nalang kayo" tumawa siya bago hinila si rose.

Naiwan kami ditong tatlo. tumingin ako kay jin
"Ikaw? bakit di ka sumama sa apat kanina?"

"Ayoko" ngumisi siya sakin na ikinatindig ng balahibo ko. di ko alam kung bakit pero parang may ibang meaning yung tingin niya sakin

"Bakit?"

"Wala"

Umiwas na lamang ako ng tingin. ang wierd niya..

Tumingin ako sa apat na may nadawit ng babae. ang ikinailing ko ay si chase na may dalawang babae ng kasama. ang babaero talaga. nung limingon siya sakin ay ngumsi pa siya at kinindatan ako, i mouthed 'babaero' but i couldn't really tell kung nagets niya o hindi dahil tinangay na siya nung dalawang babae.

~~~~~~~~~~

Masyado ng mainit... tumingala ulit ako bago tumayo. napatingin sakin si alex
"San ka pupunta?"

"Ahh.." tumingin ako sa paligid bago itinuro kung saan may mga motorbike
"Magmo motorbike lang sana ako"

"Okay.. balik ka mamaya pag tapos kana, may pupuntahan tayo"

"Saan?"

"Basta"

~~~~~~~~~~

Pinatay ko yung motorbike bago bumaba. kagagaling ko lang kanina sa isla, wala ng tao kanina kaya nanatili ako sa loob ng bahay, naglibot-libot lang.. nakatulog pa nga ako sa loob ng kwarto nila mama.

Makulimlim na yung kalangitan at palubog narin yung araw kaya ine-expect ko na na bumalik na sila sa mansyon kaya doon na ako nagtungo.

Natanaw ko si alex na nakaupo doon sa may hagdan ng mansyon. nang naramdaman niya atang may paparating ay napaangat siya ng tingin kaya nagtama yung mata namin.

Let Me Hear Your HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon