HAVILIANA'S POV
"Prinsesa, mabuti't narito ka na." Sinalubong ako ng matandang si Leshia. Narito na ako sa mundo ng mga tao, bungad pa lang sa akin nito ay ramdam ko na ang aking kalayaan.
Kasabay ng pagbuntong-hininga ko ang mga luhang kanina pa nagbabadya sa loob ng lagusan.
"Ego nunc libero," bulong ko sa hangin na ang kahulugan ay 'ako ay malaya na'.
"Vero, es."(Yes you are)
Tinignan ko naman ang matanda. Mukhang alam niya ang plano ng aking mga kapatid na si Ariolo at Angelino.
"Paano mo nalaman?" takang tanong ko rito na nakakunot ang noo.
"I just know, 'wag na masiyadong matanong Prinsesa at naghihintay na ang kaibigan mo."
"Kaibigan? Sinong kaibigan?"tanong ko ulit rito.
"Hays masiyado kang matanong, halika na nga," paghila nito sa aking braso ng hindi man lang sinasagot ang aking mga katanungan.
"Obscuratusiya."
THIRD PERSON'S POV
Naglaho na ang dalawa patungo sa bahay ng dalagang minsan na rin nilang iniligtas, si Alhina. Walang alam ang dalaga na ngayon pala ang araw na tinutukoy ng matanda sa kaniya, ang araw kung saan ang Prinsesa ay makakalaya na sa impyernong kaniya nang kinalakihan.
Ilang araw na rin nang lumipad paibang bansa ang mga magulang ni Alhina. Tuluyang naghiwalay ang dalawa at magkakanya-kanya na. Tanggap na rin naman ng dalaga ang desisyon ng kaniyang mga magulang, wala na lamang siya pakielam sa mga ito.
"Alhina, masiyadong malalim ang iyong iniisip," wika ng boses sa likod ni Alhina. Nasa balkonahe kasi ang dalaga at nagmu-muni-muni siya.
Napalingon naman siya at nanlaki ang kaniyang mga mata sa nasilayan. "Prinsesa?"
Ngumiti ang Prinsesa sa kaniya. Tumayo si Alhina at lumapit sa dalawa. Isang yakap ang ginawad niya sa Prinsesang hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagluha.
"I'm so happy na nandito ka na ghorl!"
"Masaya na rin ako dahil ako ay malaya na," madamdaming sagot nito sa dalaga.
"Alam niyo ba? Na nandito pa ako sa likod, baka nakakalimutan niyo na ako," sabat ni Leshia sa dalawang hindi na siya napagtuonan nang pansin.
"Ikaw naman manang Leshia, nagdidiwang lang ako kasi sito na titira si Haviiiiii," nagtatalon-talon naman ito sa harap ng dalawa.
Lumipas ang oras na nagdidiwang lamang ang tatlo. Ipinakita na ni Alhina ang magiging kwarto ng Prinsesa't mga gamit na sinadyang bilhin ng dalaga para sa naturingan na niyang kaibigan. Habang ang matanda naman ay lumisan na at iniwan na ang dalawa.
"Bakit napaka-rami ko atang kagamitan?" tanong ni Havilliana, na nagtataka sa mga nakikita niya.
Ngumiti si Alhina. "Binili ko lahat 'yan, ilang araw na rin kasi akong nagre-ready for your arrival. Leshia told me na you're going to escape your beloved place, the hell." Tumayo si Alhina sa pagkakaupo sa kama, inayos ang kaniyang damit at pumunta sa may walk-in closet.
Sumunod ang Prinsesa sa dalaga. Binuksan ni Alhina ang closet at pumasok.
"Bakit parang ang laki naman nito? Ganito ba kalaki ang lagayan ninyo ng mga kasuotan?" tanong ulit ni Havilliana. Makikita sa kaniyang mga mata ang pagkamangha sa laki ng closet.
Nagpatuloy sa pagpasok ang Prinsesa habang si Alhina ay napatawa.
"Nako Havi, natural lang ito kapag mapera ka dito sa mundo ng mga tao. If you have money, you have everything. Even a spot on hell," eksplanasyon ni Alhina dito.
BINABASA MO ANG
The Devil's Princess
FantasyKabutihan ang sabik na sabik na ipalaganap ng isang anak ng demonyo na si Haviliana, ang natatanging Prinsesa sa limang anak. Ngunit dahil siya'y anak ng kaisa-isang Demonyo, kasamaan lamang ang nais ituro sa kaniya ng kaniyang ama. Naisin mang tuma...