Patuloy pa rin ako sa aking pag-iyak habang hawak hawak ni Alexa ang kaliwang kamay ko at dinala sa isang tagong parte ng garden nina Davien.
Walang tao dito ngayon na pwedeng makakita at makarinig ng anumang bagay na aming pag-uusapan.
Naupo naman kami dito sa isang mahabang bench. Kinalma ko naman ang aking sarili at huminga ng malalim.
"Tama na Keil." Pagcocomfort niya naman sa akin habang hinahagod niya ang aking likod gamit ang kanyang mga kamay.
"Pagpasensyahan mo na lang yung gagong si Davien at nakainom na siya. Tiyak ako na mas nauunawaan mo ang sitwasyon niya kaya sana intindihin mo nalang siya at habaan mo nalang ang pasensya mo sa kanya." Sabi sa akin ni Alexa.
Tama naman siya dahil mas naiintindihan ko ang pinanghuhugatan ni Davien kung bakit ganito ang naging reaksyon niya.
Tumango na lamang ako kay Alexa bilang pagsang ayon sa kanyang sinabi.
"Huwag kang mag-alala di ko naman gagawin ang gusto niyang ipagawa sa akin. Alam ko naman na mahal na mahal mo yung abno naming kaibigan. Matagal na kitang napapansin na palaging sumusulyap sulyap sa kanya kapag nasa canteen tayo sa school."
Nabigla naman ako ng kaunti dahil may nakakapansin pala sa mga ginagawa ko. Masyado na ata akong obvious na gustong gusto ko si Davien.
May naisip naman akong isang bagay na kahit alam kong masasaktan ako ay gagawin ko kung yun lang ang paraan na magiging ayos ang pakiramdam ni Davien.
Pinunasan ko na muna ang mga luha sa aking mga mata at hinawakan ko ang mga kamay ni Alexa.
Mukhang nabigla naman siya sa ginawa ko ngunit kailangan ko itong gawin at may hihingin sana ako mula sa kanya.
"Umm A-alexa... Pwede ba akong humingi ng pabor sayo?" Lakas loob kong sabi sa kanya.
"A-ano yon? Kung kaya ko para matulungan kayo ni Davien ay gagawin ko. Sabihin mo lang kung ano." Malugod na sagot niya naman sa akin
"Pwede bang ibigay mo itong mga regalo ko kay Davien? Huwag mo nalang sasabihin na nanggaling ang mga ito sa akin." Sabi ko sa kanya.
"A-ano? Bakit hindi nalang ikaw ang magbigay ng mga ito sa kanya. Sigurado akong sasaya iyon kapag ikaw mismo ang magbibigay nito sa kanya."
Umiling iling naman ako sa sagot ni Alexa.
"Hindi mo naiintindihan Alexa. Mas maiinis lamang siya sa akin kapag nakita niya ako at kapag nalaman niya na ako ang nagbigay ng mga ito sa kanya."
"Pero hindi ko t-talaga naiintindihan Keil." Naguguluhang sabi niya sa akin.
"Gusto ko sana na pumayag ka sa gustong mangyari ni Davien. Gusto kong magpanggap ka bilang girlfriend niya mamayang ipapakilala ka niya sa akin." Nilakasan ko nalang ang loob ko habang hinihingi ang pabor na ito sa kanya.
Sana ay pumayag siya sa aking hiling.
"Nahihibang ka na ba? Nahawa ka na ba kay Davien? Bakit ganyan kayo mag-isip? Ayoko... hindi ko kayang gawin ang hinihiling mo!" Matigas na sabi niya sa akin.
"Please Alexa kahit ngayon lang." Pagsusumamo ko kay Alexa na sana maintindihan niya ako kung bakit ko ito ginagawa at sana pumayag na siya sa aking kahilingan.
"Ayoko Keil. Pareho lang kayong nasasaktan sa mga ginagawa niyo. Atsaka ano bang nagustuhan mo sa napaka sungit na si Davien para gawin ang lahat ng ito para sa kasiyahan niya?" Nagagalit na sabi niya sa akin.
"Please... Alexa just this once. Alam kong naguguluhan ka pero kung isa ito sa mga paraan para mawala o mabawasan man lang ang mabigat niyang dinadala ngayon ay gagawin ko ito. Gusto ko lang naman na makitang masaya si Davien na hindi inaalala ang ibang kagustuhan ng mga tao sa paligid niya. Kaya sana pumayag ka na sa hiling ko." Naiiyak ko ng sabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
Moments [Completed] Unedited
RomanceAting tunghayan ang kwento ni Keil at ang kanyang 10 years na unrequited love sa kanyang kababatang si Davien. Mauwi kaya ito sa isang masayang pagmamahalan o tuluyan ng magququit si Keil? Highest Ranked Achieved #1 bxb