Joy / Cassandra's POV
Mula sa gubat kanina ay napunta kami sa malabangin na senaryo kaya mukang nakaisip ng paraan si Lisa para mas mabilis naming mahanap ang mga kasamahan namin, naghiwalay kami at hindi ko alam kung saan sya nagpunta kaya naghanap nalang din ako. Sa pagtagal ko ng paghahanap ay may nakalaban nanaman akong barbarong sobrang lakas at parang alam ang kapangyarihan ko kaya kahit saan ko sya patamaan ay alam nya
Umatras ako ng umatras hanggang sa maitapak ang kaliwang paa ko sa dulo ng bangin at doon ako muntikan mahulog pero nakakapit ako, iniwan ako ng barbaro sa pag aakalang tuluyan na nya akong papaslangin pero nagkamali ako. Umalis lang sya ng makitang nasa bangin ako at hindi na bumalik pa
Sinubukan kong makaangat pero wala akong matapakang ni isa kaya wala akong pamimilian kundi magdasal na makita ako ni Lisa dahil sya lang ang alam kong malapit saakin, hindi bumibisa ang engkantasyon ko kapag hindi nagpaparamdam ng maayos ang mga kamay ko, kaunti nalang ang kakayahan ko para kumapit pa kaya mas nilakasan ko ang paghingi ng tulong
"Tulonggg!!"
Sa paghingi ko ng tulong nagliwanag ang lagusan at alam kong may nakapasok kaya mas nilakasan ko ang boses ko, napalagay ang loob ko ng makita ko si Luke at Thorn na magkasama, hindi na ako nagduda dahil nakikita ko ang marka namin sa kaliwang braso ni Luke
Tinulungan ako ni Thorn at buong lakas na pwinersa paakyat kaya ng makaangat ako ay hindi na ako nakapagpigil na yakapin sya at naramdaman ko kung gaano ako kasabik na mahanap at makita ko sya, saka lang ako natauhan ng tumikhim si Luke
Di nagtagal lumitaw din si Lisa na mukang walang alam sa nangyari saakin habang wala sya, ibinigay naming lahat ang susi namin kay Thorn at nakabuo na kami ng kalahati ng susi kaya panahon na para hanapin ang isa pang kalahati na magpapanalo saamin
"CONGRATULATIONS ENCHAN PACIFICA BUT SADLY YOUR LEADER IS WIZARD RAWI FROM PHANTON GEARLS, LUCKILY! THEY ARE NOW SECURED THE WHOLE HALF PIECE OF THE GOLDEN KEY"
Narinig namin ang katagang iyon at nagmadali na kaming maglakbay para hanapin ang susi
"Aba! Ang butiki pala ang Datu ng Enchan sa ngayon"
Hindi ko alam ang pinag uusapan nila ni Thorn kaya hindi nalang ako nagsalita at nakikiramdam nalang
Nakarating kami sa magulong bahagi at doon na ako napangisi dahil nagawa nanamin ang senaryong ito sa training Room
"Thorn pwede ko bang mahiram ang kalahating susi?"
Inabot ni Thorn ang kalahati at sinimulan kong magpokus sa mga engkantasyon para matunton ang susi at mahanap nanamin ito
Nag react ang katawan ko at nagpapakiramdam kung nasaan ang susi
"Hindi ako pwedeng madistract o kahit ano, tatakpan ko ang pandinig ko para makapagfocus... kayo na ang bahala sa likod ko"
Tumango saakin si Thorn dahil sa mga mata nyang sinasabing proprotektahan nya ako anuman ang mangyari saakin
Sinimulan ko ng maglakad ng dahan dahan at sa puso kong damang dama ko ang pagturo ng engkantasyon ko kung nasan ang susi
Luke's POV
"Hindi ako pwedeng madistract o kahit ano, tatakpan ko ang pandinig ko para makapagfocus... kayo na ang bahala sa likod ko"
Sinabi iyon ni Joy habang sinusundan nanamin sya ngayon kung nasan ang susi habang si Thorn maging ang nilalakaran ni Joy ay tititignan kung may matatapakan itoHalos magulat kami sa bilis ng pag alis ni Thorn sa tabi namin para pumunta sa harapan ni Joy at sanggain ang isang Likidong batid kong nakakatunaw sino man ang makapitan niyon
Habang naglalakad si Joy hindi nya alam na halos magkanda pawis pawis na kaming lahat sa pakikipaglaban para sakanya at si Thorn ang lubos na napupuruhan
Hindi na ganto kadali ang labanan dahil ngayon ay kaharap nanamin ang mga kalaban at mukang alam nilang hinahanap ng kapangyarihan ni Joy ang kalahating susi kaya sinusundan nila kami
Nakita ko nanaman ang butiking ito na ngingisi ngisi habang pinapaulanan ako ng apoy pero apoy din ang extra capacity ni Lisa kaya sya ang humaharap sa datu habang ang dalawa ay nakay Thorn at ako ay sa lalaking kahati ni Joy sa paghahanap ng susi nila
Tanda kong Agsilum ang pangalan ng lalaking ito, hindi ko ipagkakailang magaling sya sa pakikipaglaban dahil ilang beses na nya akong napapatamaan pero kulang sya sa diskarte dahil ng magkaroon ako ng pagkakataon para makorner sya ay mismong sa may tusok na bahagi ng puno ko sya nilagay kaya nasaksak sya
Sinulyapan ko si Thorn na halos magpapalit palit sa dalawang kalabang target si Joy kaya halos hingal na hingal na si Thorn sa kaproprotekta Kay Joy na walang ibang alam kundi maglakad para matunton ang susi, lumapit ako at tinulungan si Thorn na Lumaban pero nagsanib pwersa ang dalawa kaya mas naging malakas sila
Halos kasing laki na ni Thorn ang binubuo nyang bato mula sa likuran ng kalaban pero hindi nya ito maihagis dahil alam nyang matatamaan si Joy
Sinulyapan ko si Lisa at natawa ako dahil napatumba na ang mayabang na butiki kaya sya na ang tumapos sa dalawang kaharap namin
Hindi makalaban ng maayos si Thorn dahil prinoprotektahan nya si Joy kaya si Lisa na ang humarap sa dalawa
Sobrang pasasalamat namin dahil sa napakalakas na Capacity ni Lisa dahilan para mapatumba lahat ng kalaban, eksaktong tumigil si Joy at dinilat ang mga mata, nagsiliparan ang mga dahon sa ilalim at napabuntong hininga kaming parepareha ng mahanap na nya ang susi at ang itaas ang Kahong bubuksan namin
Kinuha nya ito at binigay kay Thorn saka pinaglapit ni Thorn ang bawat kalahati at bumuo ng mala gintong susi at binuksan ang kahon kasabay ng pag anunsyo
"CONGRATULATIONS ARCANUM INSTITUTE SOLDIERS FOR WINNING THIS COMPETITION, EACH OF YOU OWNED NOW THE POWER OF THE WIND "
Halos magtaka si Joy dahil sa itsura naming tatlo na pawis na pawis at sira sira ang pang itaas na damit habang si Thorn ay ngumingisi dahil alam kong nagustuhan nya ang bagong Capacity dahil may kinalaman ito sa kalikasan. Halos maglabas kami ng nakakaginhawang buntong hininga dahil sa wakas ay natapos nadin ang laro
Bumalik na sa dati ang lahat at sinalubong kami ni Master Keaton at Ina
"Napakalaking karangalang makasama ko kayo at naging estudyante ko, hindi nyo ako binigo"

YOU ARE READING
Arcanum Institute- A School Of Mistery (ON GOING)
Mystery / Thriller~ON GOING~ ~MYSTERY / THRILLER~ Sa likod ng kanyang pagkatao nakatago ang napakaraming misteryo at sikreto na bubuhay sa kanyang galit at lahat ay isasakripisyo makaganti lang. Capacity #1 Photo not mine credits to the rightful owner