"Pare tara na, baka lahat tayo sapukin niyan." Nagmamadaling sabi nung lalaki sabay hila sa lalaking sinuntok ko kanina.
Pagka-alis naman nung dalawa ay agad ng sumunod yung iba pa. Nag alisan na rin yung mga estudyanteng nanonood kanina. Kami na lang ni Aczel at mga boybest ko ang nandito.
Agad kong nilingon si Aczel na nakalupasay sa lupa. Nilapitan ko siya at hinawakan sa kamay para sana alalayan pero bigla niyang tinabig ang aking kamay at tumayo mag-isa. Umalis siya ng di man lang ako kinausap.
Pakiramdam ko'y napako ako sa aking kinatatayuan. Nakatingin sa likod niya habang naglalakad palayo, palayo ng palayo hanggang sa aking paningin siya'y naglaho.
"Aba ay gag* pala yun eh, siya nang tinulungan..di man lang nagpasalamat!" Galit na sabi ni Sanmer. "Ano Krezhie, gusto mo ba upakan ko yun?" Tanong niya tapos bigla akong napaluha.
Patak ng patak ang mga luha mula sa aking mga mata. Hanggang sa ang mga luha ay sinabayan ng hikbi. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na umiyak. Sobra ng bigat ng aking dibdib para i-handle pa ito.
Bigla akong niyakap ni Jhade.
"Boss, wag ka ng malungkot. Ganun talaga siguro ugali nung Aczel na yun. Wag mo ng habulin pa."
"Oo nga naman boi, hayaan na natin siya. Tsaka nandito naman kaming tatlo oh." Nakangiting sabi naman ni Maurice.
"Di ka namin iiwan." Dagdag pa ni Sanmer na lalong nakapag paluha sa akin.
"Guys sorry ha, di ko lang kasi mapigilan. Sobrang sakit kasi eh. Di ko kaya." Naluluha kong sabi.
"Boss may tanong lang ako ha, bakit parang sobrang apektado ka sa nangyayari? Hindi naman kawalan ang gaya niya. Gaya nga ng sabi ni Maurice, nandito naman kami. Ako, si Maurice, si Sanmer, si Verl Jhon at idagdag na rin natin si Aldren." Curious na tanong Jhade.
"Hindi ko alam." Matipid kong sagot.
"Hindi kaya, may nararamdaman kana para sa kaniya Boi? Kasi sa tingin ko, hindi dapat ganyan ka-OA ang nararamdaman mo liban na lang kung may feelings ka para sa kaniya." Tanong ni Maurice na ikinatigil ko.
Napa-isip ako. Hindi kaya? Pero imposible, kaibigan ko siya. Pero...siguro? Hindi ko na alam!
"Boss sa tingin ko, may point si Maurice kasi...napapansin ko rin sayo nung mga nakaraang araw parang lagi mong hinahanap si Aczel at lagi mo rin siyang nababanggit. Tapos kahapon hanggang ngayon tulala ka. Kung ganun, di nga malayong may feelings ka sa kaniya." Sabi ni Jhade na lalong nagpagulo sa isip ko.
"Ikaw Sanmer, ganun din ba ang tingin mo sa ikinikilos ko?" Tanong ko kay Sanmer at nahihiyang tumango ito sa akin.
Kung ganun ang tingin nila sa akin ay may posibilidad nga na totoo yung sinasabi nila.
Kung totoo nga, kaya pala ako ganito. Kaya pala sobrang sakit para sakin na tanggapin ang lahat. Kaya pala sobra akong nasasaktan. Kaya pala ganun ko dinibdib ang lahat. May feelings pala ako sa kaniya nang hindi ko namamalayan.
Pero kung totoo nga iyon, kailangang pigilan ko ang sarili ko dahil isa iyong kasalanan. May boyfriend na ako at alam kong mahal na mahal ako ni Samjun. Tsaka isa pa, kaibigan ko si Aczel. Hindi dapat ako nai-inlove sa isang kaibigan. Ang kaibigan ay kaibigan at hanggang dun lang yun.
BINABASA MO ANG
Boybestfriends Are Enough (COMPLETED)
Teen FictionGaano nga ba kahalaga ang mga kaibigan? Gaano kahalaga ang pagkakaibigan? Makakaya mo bang piliin sila kaysa sa mga minahal mong kasintahan? Sa paano mong paraan sila pahahalagahan? Ano ang kaya mong isakripisyo para sa kanila? 042920 - 051520