"Kaya nga maghahanap ako ng mayaman na mapapangasawa!"

"Baliw ka ba?" Pinalo ni Mama ang puwitan ko. "Trabaho ang ipinunta mo roon, hindi ba?"

"Binibiro ka lang naman po."

"Puro biro! Atupagin mo ang trabaho mo at galingan. Hindi ka pumunta ro'n para maglaro."

Tama si Mama. Hindi biro itong pinili ko. Hindi birong mag-trabaho lalo na at malayo sa pamilya mo. Hindi ako p'wedeng magpalaro-laro roon dahil baka kung saan ako pulutin. Susubok ako sa isang laban ng mag-isa at pinili ko ito.

Bumuntong-hininga si Mama, "Oh, siya, mag-iingat ka."

Hinatid ako ni Mama hanggang sa terminal. Naka-upo lamang kami sa may upuan at inaantay na ang bus. Kanina pa nagbibilin si Mama ng kung ano-ano. Paulit-ulit niya ring tinatanong kung kumpleto ang mga gamit ko.

"Kumpleto, Ma. Kumpleto," pag-ulit ko. Umalis ako sa pagkakasandig sa balikat ni Mama nang makita ang bus na aking sasakyan. Inayos ko ang suot nang makatayo. "Ma, mauuna na po ako."

Isang mahigpit na yakap ang iginawad sa'kin ni Mama bago ako ihatid ng tingin. Kumakaway pa ako sa kan'ya bago pumasok sa loob ng bus.

Agad kong hinanap ang aking pwesto at natuwa ako nang malapit ako sa bintana. Nang makaupo ay sinilip ko si Mama at kumaway pa nang makita niya ako.

Nag-pose pa ako n ikinatawa niya. Some passengers were looking at me confusedly. Binalewala ko na lang, masaya ako, eh!

"Mahal na mahal kita," mahina kong usal kay Mama.

Alam kong mababasa iyon ni Mama kahit hindi niya naririnig. Inilagay niya ang dalawang kamay sa tuktok ng ulo na naging hugis puso.

Mahal na mahal din kita nabasa ko ang sinabi niya dahil sa pagbuka ng bibig. Umalis lamang si Mama ng magsimulang umandar itong bus.

Maaga pa naman, hindi ko alam kung anong oras ako makakarating. Sa buong byahe ay nakatingin lamang ako sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang mga sasakyan na nadaraan. Nahihilo na rin ako sa kabibilang ng mga sasakyang pula.

Daming red na kotse, ah.

Mabuti ay wala akong katabi rito sa upuan kaya malaya akong nakakalikot. Baka kung meron man ay kanina pa ako sinipa papalabas nitong bus.

Inilabas ko ang phone at nag-message kina Mama at sa mga kaibigan ko. Nahihirapan pa ako dahil keypad itong phone ko.

Oo, alam kong may mga touch screen na pero ayoko munang bumili 'saka iningitan ko ito. Regalo ito sa akin ni Papa no'ng 18th birthday ko. It was a special gift from my special father.

5 years? 5 years na ata ito sa akin ngayon.

Sinubukan kong ipikit ang mga mata para magpahinga. Humikab pa ako nang isang beses bago magdilat ng mga mata.

Napatingin ako sa orasan, ang haba ng naitulog ko. Sumilip ako sa labas at halos tumalon-talon ako. Nandito na ako!

"Hindi ka pa ba bababa?" may halong inip ang boses ng driver.

"Hindi pa po tapos ang movie," sagot ko, nakatingin sa T.V.

"Ano?!"

"Joke lang po. Bababa na nga po, opo."

Nang makababa ay agad akong naghanap ng masasakyan. Dali-dali akong lumapit sa manong na nagtitindi ng balut at mga candies. Ngumiti pa ako nang makalapit.

"Hello po, tanong ko lang po kung saan ang terminal ng mga tricycle?"

Kumunot naman ang kan'yang noo. "Bumili ka muna bago ko sagutin," aniya.

Taming the Heart of a Beast (MPS#1) | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon