Chapter 8
Hulog na hulog na ako kay Adam. Kahit anong gawin kong pigil ay hindi ko magawa. Kaya ngayon, pilit kong tinatago sa kaniya para hindi ako masaktan.
Kahit naman siguro na umamin ako sa kaniya ay wala itong pake sa nararamdaman ko. Baka nga lumayo lang siya sa akin. O 'di kaya tanggalin ako sa trabaho. Kaya mas mainam na tumahimik na lang.
Walang magbabago at walang masasaktan, lalo na ako, kapag itinago ko ito.
Nagluluto ako ng lunch namin nang maramdaman ko ang presensiya niya sa likod ko. Sinilip ko siya sa gilid ng mata ko. Aligaga akong umiwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin.
Nahuli niya ako!
Napa-atras ako nang tumalsik ang mantika sa kawali. Hinimas ko ang kaliwang kamay nang humapdi ito.
Akala ko ba patay na itong isda? Bakit pa sila lumalaban? Nasaktan pa tuloy ako.
Natigil ako sa paghimas ng kunin ni Adam ang kamay ko. Kumalabog ang puso ko. Hindi siya nakatingin sa akin, sa kamay ko lang na natalsikan ng mantika.
"Masakit?" he asked.
"Kaunti lang. Saka hindi naman madami ang talsi—" Natigil ako sa pagsasalita ng ilapit niya ang kamay ko sa bibig niya at hipan. Nag-init ang pisngi ko kaya binawi ko agad ang kamay. "H-Hindi na masakit! Salamat."
"Give me that," aniya, nakanguso sa syanse.
"Ako na kaya ko na ito, saka ako ang katulong dito."
"I don't care," mahihimagan ang inip sa boses. "Just give it to me, so we can eat already. I'm hungry."
"Sino ba ang katulong?!" Naitakip ko ang isang kamay sa bibig. May kalakasan ang tanong ko sa kan'ya kaya kumunot ang noo niya sa'kin. "Sige, ikaw na."
Kinuha ko ang isang kamay niya para ilagay roon ang syanse. Namula pa ako dahil sa ginawa pero hindi ko na pinansin.
Tumalikod na ako tutal siya na ang magluluto. Nahihiya na ako. Ayoko nang makipag-talo sa pagluluto baka mainip ang isda at magpatalsik ulit ng mantika.
Hinanda ko na lamang ang mga plato habang nagluluto pa rin siya. Palihim akong ngumiti. Nakasuot pa ito ng apron na kulay pink, iyong apron na ako mismo ang gumamit kanina. Pahiramin ko kaya si Sir ng bestida ko. Try lang niya. Ay! Baka tanggalin na talaga ako sa trabaho nun.
"Your birthday... is coming."
Nasamid ako sa kinakain dahil sa sinabi ni Sir. Dali-dali akong uminom ng tubig at nahihiyang tumingin sa kan'ya.
Bakas ang alala sa mukha nito pero pilit tinatago. Nag-iwas ako ng tingin dahil parang tumatagos ang titig niya sa'kin.
Paano niya nalaman na birthday ko? Nasapo ko ang noo. Oo nga pala, nasa résumé ko. Kaya niya alam dahil nakasulat na sa papeles. Akala ko naman alam niya. Sabagay! Ano namang pake niya sa birthday ko.
"Hey," aniya. Lumunok muna ako bago tumingin sa kan'ya. "What's your plan in your day? Any request? You want party?"
Party?
Pag-aaksayahan ako ng pera ni Sir? Napaka-imposible naman. Umiling lamang ako sa mga suhestiyon niya.
Wala naman akong balak gawin sa kaarawan ko. Kakausapin ko lang siguro si Mama. Kakamustahin ko kung okay lamang siya dahil maaalala niya na naman si Papa.
Sa mismong kaarawan ko ay ang pagkawala ni Papa.
Hindi ko kayang magsaya sa birthday ko. Kahit ilang beses ako ni Mama na pinilit, wala akong ginawa kun'di ang tumanggi. Ayokong magsaya pa muli sa araw ng pagkawala ng pinaka-mahal kong ama.
BINABASA MO ANG
Taming the Heart of a Beast (MPS#1) | ✓
RomanceMALA-PRINSESA SERIES #1 Issabela Olivia, a woman radiating sunny and happy-go-lucky vibes, was looking for a job in a village. Wandering around in the street with a bullet of sweat, she found herself staring at the mansion. Her body shivered, and he...