Nagising akong parang binibiyak ang ulo at may nararamdamang kirot sa leeg ko. Medyo nahihilo din ako. Ipinilig ko ang ulo at hahawakan ko sana ang leeg ko pero hindi ko maigalaw ang mga kamay ko.
Nakatali ang mga ito. Hindi, mali pala. Nakakadena. Nakakadena ang mga kamay ko at nakabitin ako. Halos hindi ko na nga maabot ang sahig. Buti na lang 4inches ang heels ko.
Nasaan ba ako? Malalaking boxes on the side. Shelves na may mga folders at files.
Storage room
Naalala ko na. Sinundan ko si Debbie papunta sa storage room. Teka nasaan na si Debbie?
Inilibot ko ang paningin at nagulat ako sa isang babaeng bampira sa tagiliran ko. Ilang pulgada lang ang layo ng mukha niya sa akin. Balak niya ba akong halikan? Palagay ko hindi. Kasi kung hahalikan niya ako, dapat nakanguso siya pero hindi. Nakalabas ang mga pangil niya at parang tumutulo pa ang laway niya. Yuck!
Pilit niya akong inaabot pero hindi niya magawa dahil gaya ko nakakadena din siya. Naalala ko na may nakita nga akong mga bampira malapit kay Debbie. Pero dalawa sila. Nasaan na yung isa?
Kinabahan ako. Baka nasa kabilang gilid ko. Dahan dahan akong humarap doon. Hindi nga ako nagkamali. Nandun ang bampirang lalaki sa kabilang side. Bagamat hindi siya nagpupumilit na abutin ako, nakatitig siya sa akin at pinag aaralan ang kilos ko.
Nakita kong medyo napapaurong siya dahil may humihila sa kadena niya. Sinundan ko ng tingin ang kadena niya at nakita kong magkadugtong ang kadena nila ng babae. Kaya pag pinilit ng babaeng kumilos mahihila ang lalaki. Pero ang kadena ko gumagalaw din sa tuwing kikilos ang babae. Ibig sabihin magkakarugtong ang mga kadena namin.
Lumikha ng ingay ang mga kadena nang muling kumilos ang babae para maabot ako.
"Tama na iyan. Di ba sabi ko sa inyo sa akin lang siya," dumagundong ang isang pamilyar na tinig. Nakita ko si Mr. Enrique na iniluwa ng pinto at naglalakad palapit sa akin na tila ba isang male model na rumarampa sa isang fashion show.
"Hindi ako papayag na may ibang kakagat sa kanya maliban sa akin. Her sweet blood belongs to me," sabi niya habang natingin sa leeg ko.
Nanlaki ang mata ko nang maintindihan ko ang sinabi niya.'Ang kapal ng mukha!! Kaya pala masakit ang leeg ko. Makawala lang talaga ako dito.. Gigilitan kita!!
"Don't be so mad, I just drank a few drops from your sweet blood, sweet little lady," sabi niya habang papalapit sa akin. Nang asar pa ang walanghiya. Porket nakitang nagtagis ang bagang ko sa galit. Inilapit pa ang mukha sa akin.
Pinipigilan ko talaga. Pero kahit anong pigil ko, ang makita ko siyang ganito kalapit sa akin, hindi ko na napigil ang sarili ko. Hinead butt ko siya pero dahil matangkad, sa ilong siya tinamaan.
Napaatras siyang hawak ang dumudugong ilong. Napahagalpak sa tawa ang babaeng bampira.
"Sweet little lady pala ha," tumawa pa siya nang mas malakas at hindi napigilan ang mapaugok na parang baboy sa sobrang tawa.
Galit na galit naman si Mr. Enrique. Tiningnan niya nang masama ang babaeng bampira at agad itong tumigil sa pagtawa at nagkunwaring inuubo lang.
"Alam mo bang kayang kaya kitang patayin ngayon?" sabi niya sa akin na nanlalaki pa ang butas ng ilong sa galit. Huminga siya nang malalim at pumikit.
Pagdilat niya kalmado na siya at magaling na ang sugat sa ilong.
"Pero hindi lang kita papatayin. Gagawin din kitang kagaya namin," lumapit uli siya sa akin at nang iinis ang tono. Parang nakalimutan niya na agad ang ginawa ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Teen Huntress
Teen FictionSa mundong puno ng mga supernatural creatures, makasurvive kaya si Sky, isang teenager na hunter. Sa murang edad, sinanay sya upang maging bihasa sa paggamit ng iba't ibang armas at makipaglaban sa mga di pangkaraniwang nilalang. Paano kung mahulog...