PALINGA-LINGA si Ella sa NAIA para hanapin ang kanyang sundo. Galing pa siya sa Greece . Hindi pa sana siya uuwi sa Pilipinas dahil marami pa siyang gustong puntahan doon pero kailangan dahil bukas na ang kasal ni Samantha.
" Hi Hon." bigla siyang napa-igtad ng may yumakap sa kanyang likuran pero agad ding napangiti ng makilala ito.
" Hon. I miss you." nakangiting sabi niya at niyakap ito.
" Miss you too hon. Let's go." He kissed her forehead first bago siya nito inakay papasok sa sasakyan.
" So kumusta ka naman dito habang wala ako?" tanong niya kay Steve. Nakilala niya ito ng magka bunggoan sila nung college and since then ay naging malapit na sila sa isa't-isa. Palagi silang magkasama at alam din nito ang lahat ng pinagdaanan niya. He is her best friend at the same time boyfriend. Matiyaga itong nanligaw sakanya dati at mahigit isang taon din 'yon bago niya ito sinagot. Ngayon ay masaya na nga sila. Mahal siya nito at mahal niya rin ito. Steve is one of the successful businessman in the country. Pag-aari nito ang iilang airlines inside and outside the country. He also owned one of the biggest hotel in Asia, ang Hillsway Hotel na ang main branch ay nasa Hongkong. May branch din ito sa iba't-ibang panig ng Asia,including Philippines at doon nga gaganapin ang reception ng kasal ni Sam.
" Nakakapagod hon. Lalo na at ilang araw kang nawala. I miss you so much." hinawakan nito ang kanyang kamay habang ang isa naman ay ipinagmaneho nito.
" Kumusta naman ang mga lakad mo?" tanong nito sakanya." It's fun and exciting." malawak ang kanyang ngiti habang sinasabi niya dito ang kanyang mga escapade sa buhay.
" You really seems to have fun. Kailan ka pa kaya mananatili sa tabi ko?" hindi niya masyadong narinig ang sinabi nito.
" Hon, may sinabi ka?" tanong niya dito. Bumubulong-bulong kasi ito.
" Nothing hon." Ok sabi mo eh.
KINABUKASAN ay magkasama sina Ella, Sally at ang bride na si Sam sa kwarto nito habang pareho silang inaayusan.
" Congrats sayo sis. I'm so happy for you at sa wakas natagpuan mo na rin ang lalaking magpapasaya sayo." masayang bati niya dito.
" Thank you Sis. Sana kayo rin ang sumunod para may mag-aalaga narin sainyo at para mabawasan na ang pag-alala ko sainyo. Lalo ka na Ella. Pasaway ka talaga." natawa naman sila ni Sally sa sinabi nito.
" Not this time. Hindi ko pa nahanap ang lalakeng nagpapatibok ng puso ko." nakangising sabi ni Sally. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin silang nababalitaang boyfriend nito. 24 years old na silang dalawa pero NBSB pa rin ito.
" Well hindi pa ako ready d'yan. Hindi ko pa lubos na enjoy ang pagiging dalaga ko no ." sabi niya naman dito. Marami pa kasi talaga siyang gustong puntahan na lugar.
" What? Hindi ka pa nag e-enjoy sa lagay na 'yan ha? " hindi makapaniwalang sabi nito na ikinatawa nilang tatlo. Natigil lang sila ng pumasok ang mommy at Daddy nito.
" Ang gaganda naman ng mga anak ko. Pero nakakalungkot lang at mabawasan na ang isa sa mga dalaga natin Derek." madamdaming sabi ni Tita Jean sakanila. Anak na rin kasi ang turing nito sakanila ni Sally.
" Sus nagdadrama na naman si mommy Dad oh." asar ni Sam dito na ikinatawa nilang lahat.
" Don't worry tita matatagalan pa bago ako mag-asawa. Iwan ko lang d'yan kay Ella. Baka susunod narin 'yan." nakangising sabi ni Sally sakanya. Halatang nang-aasar.
" Oo nga pala hija. Nasaan ba yung boyfriend mong si Steve? May balak na rin ba kayong magpakasal?" tanong ni tito Derek sakanya.
" Sa totoo lang wala pa sa isip namin 'yan tito." nahihiyang tugon niya dito.
BINABASA MO ANG
Until Forever(Completed)
General Fiction"If it's meant to, it will be." Nicolo Gabriel Fortuna, ang gwapong masungit na itinatangi ng puso ni Ella. Ella Marie, lumaking mahiyain pero ng makilala si Nicolo ay tanggal lahat ng hiya. Kung dati,pangarap lang niyang makapagtapos ng pag-aaral n...