CHAPTER 3

1 0 0
                                    

JHEIQUI's POV

"Audition for Mr. and Ms. Campus is now open. Kindly proceed to the faculty office for the deets"

Alas nuebe pa lamang ng umaga pero napakainit na ng sikat ng araw at talaga namang tutulo ang pawis mo kahit wala kang gawin. Kasalukuyan akong nasa tapat ng bulletin board sa open field ngayon. Ayon sa announcement na nabasa ko at sagap na balita ng iba na narinig ko ay magkakaroon nga ng pageant early this year. Ano namang mahihita ko dito sa pageant na ito? Does it can resolve the problem of the Philippines regarding traffic, population and garbage? Anong ambag neto? Pinagpatuloy ko pa ang pagtingin sa announcement na iyon na naka print out sa tarpaulin na may magagarang graphic design.

"Each candidates must have their own advocacy and get the chance to suggest it on local government of Sta. Ina"

Bingo!

Naramdaman ko ang pagguhit ng napakalaking ngiti sa aking labi. Kailangan kong makasali dito. Napakasarap sa pakiramdam lasang bread and ham!
Agad kong tinungo ang daan papunta sa  faculty office. Mabuti na lang at busy ang prof namin ngayon kaya hinayaan niya kaming lumabas pagkatapos mag-iwan ng task na ipapasa bukas. Kaya naman pala wala ang isang iyon dahil may ganitong pageant. Si Ma'am Fuella kase ang head ng mga ganitong events. Ang swerte mo talaga Jheiqui, this is it chick na malupit!

Kung tutuusin ay hindi naman ako mahilig sa mga ganitong pagkaka-abalahan pero kung kagaya non na may katuturan aba eh game ang wafu(gwapo) dyan. Bukod sa pagiging negosyante, interesado din kase ako sa mga political issues and all basta about sa politics. Talaga lang Jheiqui ah, ohlol. HAHAHAHA!

Lagpas na sa kalahati ang nilakaran ko at malapit na ang faculty pero nakasalubong ko si Myxie. Close friend ko si Myxie dahil classmates kami nung elementary at high school at ngayon ay schoolmates naman kami. Siya lang ang kaibigan ko sa mga babae dito, hindi rin kami madalas mag-usap dahil umiiwas kami sa issue. Yeah we're both matured para maisip ang bagay na yun. Nag-uusap lang kami if  given a chance. Medicine ang tinetake niyang course, yun ang alam ko pero di ko alam kung anong ginagawa niya dito.

"Wave wafu! Anong tema?" Linchak na babae to, ugaling kanto talaga magsalita. Ibig sabihin ng wave niya ay pagbati kase daw pag nagkikita diba ay nagwewave.  Pauso talaga chikkk! Mapapatirik ka nalang talaga ng mata 360 degrees. "Hey Myxie, ahmm magpaparegister ako sa pageant. Ikaw?" Medyo pormal na pagsagot ko sa kanya na humahawak hawak pa sa batok. "Walang tokis? Ang negosyanteng galante sasali sa papogian, ay iba!" tumatawang sabi niya. Linchak na babae ito. "Heyy! What's tokis? At saka ano ka ba you're in  public, be formal naman." Nanenermon kong sagot sa kanya. Akala yata ng babaeng ito eh nasa tambayan lang siya. Hayyyyy jusmiyo pulgoso!

"WHAHAHAHAHA langhiya! Anong be formal be formal ka diyan? Marunong ka na niyan ngayon ah. Anyways tokis means talk shit mah'm3nlabas ang ngala-ngalang pagtawa niya ng sunod-sunod matapos sabihin sa akin iyon. Linchak talaga, nagbago na yata ang lahat pero yung pagiging jeje niya naiwan pa.
Nilagpasan ko siya at tuluyan na nga akong dumiretso sa faculty para magparegister. Malaki ang faculty room, magara sa loob at pang mayaman talaga ang features. Maraming paper at shelves na puno ng folders at ibang libro. May computers at mga upuan. Gusto ko ng mga ganitong design, i really like it. It suits my taste pagdating sa mga bagay na seryoso.

BulongWhere stories live. Discover now