AIVAH's POV
"Ma,Pa...Yung bandage ko po.Wait lang" - sabi ko matapos nila akong yakapin.
"I really don't know na ikaw pala yun.Napagkamalan ka pa tuloy na ibang tao ng mga employees ko" - paliwanag ni Papa
"Its okay.I'm okay..Pumunta lang naman po ako dito to see the place and para makausap kayo" - sabi ko
"Okay ka lang ba talaga baby? Ano ba yung pag-uusapan natin?" - tanong ni mama
Tumingin muna ako kay Ate Percy at ngumiti..Mukhang nagets nya naman at ngumiti rin ito at lumabas.
"What's the real story behind my accident last 2 years ago?" - dirediretsong sabi ko.
Nagkatinginan lang sila.
"Ma,Pa..Naalala ko na po yung nangyari nung birthday ko.And its obvious na hindi po ako nadulas nun kasi lumabas po ako ng house nun..Right?" - pagpapatuloy ko.
"I just wanted to know..Di naman po ako magagalit.Siguro magtatampo lang..Bakit nyo po kailangan maglihim sakin?" - sabi ko at yumuko para punasan ang luha ko saglit..
"Princess,I'm sorry....We're just.........protecting you" - sabi ni Papa
"Yeah.I understand naman Pa eh.Pero ano po ba talagang nangyari?" - tanong ko ulit kasi mukhang wala talaga silang balak sabihi-------
"Nabangga...I mean,binangga ka ng isang truck.Sinadya yun kasi hit n run ang nangyari..Hindi namin nakita ang buong aksidente dahil nasa loob kami..Ang nakakita lang sayo ay si Rain" - sabi ni Mama
"Sabi nya,You're trying to save the puppy..Dahil nasa gitna ng kalsada yung puppy,kinuha mo sya at dun na nangyari yun" - sabi naman ni Papa
"Rain? Oo,dumating ang boy bestfriend mo.Sya ang dahilan kung bakit ka nasa labas nung araw na yun..Hinihintay mo na dumating sya" - pagpapatuloy ni Papa.
"Sya ang nakakita sayo nung naaksidente ka..Ililigtas ka dapat nya pero nahuli sya.Nagpapasalamat kami sa kanya dahil nadala ka pa nya sa hospital nung araw na yun dahil kung hindi-----"
"Mawawala ka na samin......Hindi nakita ni Rain yung Plate number nung truck na bumangga sayo kase nakafocus lang sya sayo..Hanggang ngayon,hindi parin nahahanap kung sino ang gustong gumawa nun sayo" - sabi ni Papa
"F-family business siguro,Pero hindi parin naman kami tumitigil sa paghahanap kung sino yun" - sabi ni Mama
"Kaya po ba ako may bodyguards?" - tanong ko
"Oo.Wala kami sa tabi mo para bantayan ka..Hindi ka sana namin pag-aaralin dahil natatakot kami" - sabi ni Papa
"Online school ka lang dapat..Pero naisip namin na gusto mo mamuhay ng normal" - sabi ni Mama
Ngayon,malinaw na sakin lahat..
Pero wala sa kwento kung sino yung nakahoodie na black.. Sya kaya yung gustong magpapatay sakin?
Si Rain? Bakit wala sya nung nagising na ko? Bakit hindi ko makita mukha nya?
"Alam namin na,na-shock ka pa sa mga narinig mo pero sana mapatawad mo kami baby dahil nilihim namin to" - sabi ni Mama
Nagpunas ako ng luha at tumingin sa kanila.
"I love you" - sabi ko sa kanila..
Nagulat sila pero agad namang ngumiti at niyakap nila ako..
"We love you too Princess.I'm sorry" -sabi ni Papa na parang na-relieved sya,sila ni Mama dahil nasabi nila sakin yun.
Wala na akong masabi kaya yun ang nasabi ko...Ayoko ng itanong yun dahil baka mag-alala pa sila..And ang tanong ko lang naman is yung nangyari..Si Rain? Siguro hindi pa tamang panahon para maalala ko sya.Para makita ko yung mukha nilang dalawa ni ella.
BINABASA MO ANG
How Deep Is Your Love
RandomSabi nila......... May mga bagay na nakatadhana sayo.Yung tipong hindi ka naghintay kundi kusa itong dumating... May mga taong nagmamahal sayo pero hindi mo naman sila mapansin kasi yung puso mo sa isa lang nakatingin. May mga sikretong pilit na iti...