Chapter 12

55 34 19
                                    

Akala ko magiging masaya ako.
Akala ko kapag nakuha ko na ang gusto ko makukuntento na ako.

Ngunit mali pala ako. 

Ako nga ang napiling maging Valedictorian, hindi ko naman iyon ikinatuwa.

Bago ang graduation ay ilang araw absent si Yuhann.

Akala ko noong una naduwag lang siya, 'yon pala ay noong mga araw na iyon ay matapang niyang hinarap at nilabanan ang sakit niya.

I received my highest achievement, pinangarap ko 'to dati pero hindi ako natuwa ng makuha ko 'to.

We graduated na wala si Yuhann and I wonder kung nasaan siya.

Pagkatapos kong ma deliver ang speech ko, pagkatapos ng graduation agad bumungad sa akin ang text galing sa number ni Yuhann.

"Please puntahan mo ang anak ko sa **** hospital bago pa mahuli ang lahat,"

Para akong nanigas. Hindi ko alam kung prank lang ba ang lahat. Basta ang alam ko, nakasuot pa ako ng graduation gown habang tinatakbo ang hospital.

Pagkarating ko roon ay nakita ko agad ang mama ni Yuhann na imiiyak.

"Tita!" sigaw ko.

"Aya!" sambit ni Tita at agad niya akong niyakap.

"Bago mawalan ng malay si Yuhann ay binanggit niya ang pangalan mo, kaya naisipan kong e text ka. Hindi naman ako nahirapang hanapin ang number mo kasi number mo lang ang nakalagay sa cellphone ng anak ko,"

"Ano po ang nangyari kay Yuhann? Bakit hindi siya naka attend sa graduation namin? Naaksidenti po ba siya?" sunod-sunod kong tanong.

"Mrs. Hernandez, gising na ang anak ninyo," sabi ng kalalabas lamang na doctor.

Hindi na sinagot pa ni tita ang mga tanong ko at deretso na siyang pumasok sa loob ng room.

Agad akong sumunod kay tita at parang nadurog ang puso ko sa nakita.

Maraming nakasabit na life support machines kay Yuhann, hinang hina ang katawan niya at namayat na rin siya.

Napatingin siya sa akin pero kahit nahihirapan ay ngumiti parin siya.

May seninyas siya kay tita, hindi ko alam kung ano basta lumabas na lang bigla ang mama niya.

Naiwan kaming dalawa sa loob.

Kahit nanghihina ay tinanggal niya ang nakalagay na oxygen sa bibig niya.

"Yuhann 'wag! Baka makasama sa 'yo," pagpipigil ko pero ngumiti lang siya.

"Congratss, you made it masaya ako para sa 'yo," mahina niyang sabi.

Hindi ko alam basta kusa na lamang tumutulo ang luha ko.

"Huwag kang umiyak Aya, ang pangit mo pa naman kapag umiiyak,"

Siguro kung hindi pa kami nasa ospital ni Yuhann ay nabatukan ko na talaga siya.

"Alam mo kahit ganyan na ang kalagayan mo, nang-aasar ka pa rin,"

"Halika nga, ilapit mo ang mukha mo sa akin,"

"Bakit?" kahit nagtataka ay nilapit ko ang mukha ko kay Yuhann.

"Huwag kang umiyak Aya, mas nasasaktan akong nakikita kang umiiyak," sabi niya sabay pahid sa aking mga luha.

"Hindi ah! Hindi ako umiiyak," parang tanga kong sabi, kahit kitang-kita na kanina pa umaagos ang aking mga luha.

Hinawakan ni Yuhann ang aking kamay.

Yu and Ay together (Short Story-Under Editing)Where stories live. Discover now