CHAPTER 27

68 2 1
                                    

BRIANNA'S POV:

MAAGA akong gumising kinabukasan. Pinakelaman ko ang kaniyang kusina, ang ibig kong sabihin—aking kusina. Sa pagkakatanda ko kasi akin din ito.

Hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako sa kontratang ito. Seriously? Me? Him? In one roof? Kung siya ang gumawa ng kontrata na walang basa-basa kong pinirmihan ay siguradong may gusto yang mangyari. Baka gusto akong pahirapan? Hay naku, gawin niya kung ano ang gusto niyang makapagpapasaya sa kaniya, basta ako tatapusin ko ang trabaho ko dito sa Pilipinas para makabalik na sa Australia.

Nagluto lang ako ng dalawang hotdog, bacon, sunny side up egg at nagtimpla na rin ako ng orange juice. Natuto akong magluto ng mga madadaling lutuin kasi minsan ay hindi naman ako naipagluluto ni Manager, wala naman akong katulong doon sa Australia.

Pumasok sa kusina si Mr. Tuarez na mukhang kagigising lang din. With his sweat pants and fitted sando he really look... Ah — nevermind.

Umupo na ako isang upuan at nagsimula ng kumain. Siya naman ay umupo na din sa tapat ko matapos kumuha ng plato.

"What are you doing?" Tanong ko ng akmang titinidurin nito ang hotdog na niluto ko.

"Eating" simpleng sagot niya.

Umawang ang labi ko sa kakapalan ng face ng lalaking ito.

"Excuse me, this is my food. Ako ang nagluto nito kaya naman ako lang dapat ang kumain nito"

Hindi niya ako pinansin bagkus ay naglagay din ito ng juice sa baso. Hindi na ko nakatiis at padabog na binitawan ang kubyertos.

"Hoy lalaki"

Uminom muna siya ng juice saka siya kaswal na tumingin sa'kin.

"Yeah?"

Wow, cool-and-compose act. Batuhin kita ng hotdog ko kapag di ako nakapagpigil, e.

"Can you cook for yourself Mr. Tuarez? As you can see, ako ang nagpakahirap na lutuin ang mga pagkain na to para lang makakain pagkatapos ay bigla ka na lang papasok dito at mukhang uubusan mo pa ako ng ulam."

"I have a business meeting."

"Kasalanan ko pa?"

Kinain niya ang natitirang hotdog na nakapag-pagalit sa'kin ng lubusan. Sinamaan ko siya ng tingin at nagtiim-bagang.

"Mr. Tuarez" madiing ta wag ko sa kaniya pero hindi talaga siya natinag.

Tumayo na ito dala ang plato at inilagay sa lababo ang pinagkainan. Parang hari itong dumaan sa harapan ko at palabas na sana sa bukana ng kusina ng hindi ako nakatiis at kinuha na ang plato at ibinato na sa kaniyang ulo, dumugo ito at biglang itong tumumba sa sahig, hinampas ko rin sa kaniya ang dalawang baso at galit na minura siya.... sa isip ko. Kung pwede nga lang sana.

"Wash the dishes after you eat"  iyon lang at tuluyan na itong lumabas sa kusina.

Wash the dinner mo mukha mo.

Masama ang loob na tinuloy ko ang pagkain, ang kaunti na lang ng ulam. Bwisit kasi na lalaki iyon. Isa siyang walang modong lalaking nang-uubos ng hotdog. Argh.

Umakyat na ako sa kwarto sa naghandana ng damit ng biglang tumawag si Manager Kim.

"O, ano na naman?"bungad ko.

Sinipat ko ang dalawang dress na pinamimilian ko. Isang floral at one-pocket t-shirt dress. Inilagay ko na lang sa balikat ko ang phone at saka tinuloy ang pamimili sa dalawang magandang damit.

Hate to Love You (Harrison Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon