Chapter 16

10 0 0
                                    

Austin's POV

Anika....

Nakapikit ako habang naka higa sa kama ko at nagiisip. Hinihintay ko nalang si Lea para makatulog nako.

"Anika...pano kaya kung hilingin ko kay Lea na mahanap siya? Makakatulong siguro yun diba?"

5 minuto nalang at dadating na si Lea. Wala ako sa mood kanina kaya di ko siya pinansin. Bukas ko nalang siya gagawing alipin.

Nakakakita nako ng alikabok kaya umupo nako sa kama. Tinignan ko lang ung mga alikabok sa tabi ng kama ko hanggang sa makabuo sila ng isang tao.

Nakita ko si Lea na nakahiga at may hawak hawak na remote. Taka ko siyang tinignan kasi mukhang nabigla din siya.

"Ugh ano bayan!...di ko man lang natapos ung movie ugh!." Inis na aniya at tsaka binulsa ung remote.

"Bilis anong hiling mo."

Woah...bat parang may nagbago sa mukha niya?...baka naka make-up?.

"Naka make-up kaba?."

"Hindi bakit, matutulog nako tas mag memake-up ako gago kaba?." Tinaasan niya ko ng isang kilay.

"Tss tinatanong lang eh."

"Dami mong sat-sat humiling kana."

"Tss....may kilala ka bang babae na may pangala'ng Anika?."

Mukhang nagulat siya kasi tumaas ung dalawa niya'ng kilay at medyo napaatras.

"B-Bakit?."

"Tinatanong ko kung may kilala ka."

"O-Oo..."

"Hiling ko ay makipag break na sakin si Ashley." Kumunot ung noo niya.

"Huh?...bakit naman,nag-away ba kayo?"

"Hindi naman...ngayon ko lang nalaman na nakakairita ung isang yon."

"Ang sama mo talaga tss...pagkatapos mo'ng hilingin na sana magustuhan ka ni Ashley ay hihilingin mo agad na maghiwalay kayo."

"Ehh bakit ba kada hiling ko may kontra ka tss...tupadin mo nalang diba?"

"Tss oo na....malas siguro ng sunod na magiging girlfriend mo." Inirapan niya ko.

"Wish Granted." Aniya at tsaka pinitik ung dalawang daliri niya.

"Oh okay na?...pwede na ba kong umuwi?"

"Hindi pa.."

"Ang sabi mo may kilala kang Anika diba?." Tanong ko.

"Oh?"

"Dalhin mo siya ngayon sa harapan ko."

Nabigla siya at walang masabi.

"H-Ha?" Utal niyang tanong.

"Ang sabi ko dalhin mo siya ngayon dito."

"W-Wala k-kaba'ng *ehem* specific na hinahanap?...andami daming Anika sa mundo."

"Ayy ung ano...marunong makipaglaban siguro." Ani ko.

Mas nagmukha pa siyang gulat kesa kanina. Nakita ko siyang lumunok.

"B-Baka m-may i-iba pa?." Utal niyang usal.

Anong meron dito?.

"Anong iba?"

You'll also like

          

"I-Ibang description."

"Uhhmmm...."

Siguro naman di niya kilala ung mga devils diba?....

"Kilala mo ba ung Devils?."

"H-Hindi..."

"Ayon, kasama siya don.."

Nanlaki ung mga mata niya at tinignan lang niya ko.

Bat ganyan ung reaksyon niya? Parang may mali eh.

"A-Ano bang kaylangan m-mo sakanya?."

"Uhhhmm basta....hiling ko mapunta sa harapan ko ngayon ung Anika na tinutukoy ko."

Napalunok siya.

"W-Wish G-Granted." Utal niyang sabi at nanginginig kamay niya habang pinitik ung dalawa niyang daliri.

Inayos ko ung buhok ko at naghahanda'ng makilala ung Anika.

Pero walang dumating.

Asan siya?...

Taka kong tinignan si Lea.

"Asan?."

Lumunok siya at bumuntong hininga.

"Nasa harapan mo."

"Ha? Ehh ikaw lang nasa harapan ko eh."

"O-Oo nga..."

Kumunot ung noo ko at nagtaka.

Nanlaki ung mga mata ko ng malaman ung ibig niyang sabihin.

"H-Huwag m-mong s-sabihin..." utal kong sabi at tinuro siya.

Naglabas siya ng malalim na hininga at tumango.

Napalunok ako.

Hindi pwede...

"I-Ibig s-sabihin i-isa k-kang D-Devil?." Utal ko pa ring usal. Tumango siya at mas lumalim ung paglunok ko.

"Anong kaylangan mo sakin?."

"A-Ahh e-ehh w-wala wala h-hehe...s-sige p-pwede ka ng u-umuwi..." pilit ko siyang nginitian at kumunot naman ung noo niya.

"S-Sige..." aniya at pinagpitik ung dalawa niyang daliri. Nawala na siya sa paningin ko.

"Ugh!!....huhu bat siya pa!!." Padabog akong humiga sa kama ko at pinagsisipa ung mga unan na nasa paanan ko.

"Bat ikaw pa pvtangina mooo!!!."

"Alam kaya niya na ako ung nag-utos sa dalawang pinagtripan si Erika?."

"Hindi siguro...ang alam niya si Ashley, okay lang yun."

Nagtaka kasi ako sa mga sinasabi ni Ashley sakin tungkol kay Lea. Ang sabi niya sanay daw si Lea makipag bakbakan. Dati nga daw halos lahat ng makikita niya kapag dumadaan sila ay pinagtitripan niya.

~flashback~

"Dati nga sobrang dami'ng takot sakanya kasi wala siyang inuurungan." Ani Ashley na nasa tabu ko ngayon sa gym.

Nakaupo kami sa mga bleachers.

"Kahit babae yun grabe yun manakit HAHAHAH."

"Siya ung campus crush dito love....kahit nga babae nahuhulog sakanya HAHA....grabe talaga ung aura nun ni Lea."

"Ehh diba kaaway mo yun?." Tanong ko sakanya.

"Mag kaaway kami mula elementary...transferee ako nun kaya una ko siyang makita natulala ako sa kagandahan niya...gusto ko siyang maging kaibigan kaya palagi akong pumupunta sa room nila tas susundan sila papunta kahit saan..."

Wish GrantedWhere stories live. Discover now