Simula kagabi, bago ako matulog hanggang sa pag gising ko hindi na maalis-alis sa isipan ko ang sinabi ni Duane. Anong ibig niyang sabihin?
"Luna Alexandra!!"
"Ay kabayo!" Napatalon naman ako sa gulat dahil sa biglaang pagsigaw ni kuya.
"Nasaan na naman ba ang utak mo ha?" Nakapamewang niyang tanong
"Nasa ulo ko? Bakit? May iba pa bang pinaglalagyan ang utak, kuya?" Takang tanong ko.
"Nasa ulo? Talaga lang ha? Tignan mo nga yang ginagawa mo, cereal ba ginagawa mo o kape?"
Napatingin naman ako sa hawak ko. Sheteng palaka! Instead na gatas ang ilagay ko, kape ang nailagay ko sa cereal. Dali dali ko naman inayos ang ginagawa ko. Sheteng palaka sayang ang cereal ko.
"Ano bang nanyayari sayo? Akala mo ba hindi ko napapansin ang mga kinikilos mo simula nung Friday" napatingin naman ako kay kuya at seryoso naman siyang nakatingin sakin.
"Anong pinagsasabi mo kuya?"
"Alam kong idinahilan mo lang ang pagsama ng pakiramdam mo para lang makauwi ka ng maaga at alam ko rin na iniiwasan mo si Duane"
Nabigla naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na ino-obserbahan ni Kuya ang kilos ko.
"Diretsahang tanong Alexandra, may gusto ka ba kay Duane?"
Alam kong seryoso si kuya sa oras na to'h dahil tinawag niya ng buo ang Xandra ko.
Kinagat ko naman ang ibabang labi ko at dahan dahang tumango, hindi naman ako makatingin sa kanya.
"Shit! Alam kong mangyayari to'h pero hindi ko naman inaasahan na ganitong kaaga"
Nalilito naman akong tumingin sa kanya, Ano daw? Alam niya daw na mangyayari ito? Hindi siya galit pero hindi si siya masaya.
Lumapit naman siya sa akin.
"Hindi ko sasabihin sayo na layuan mo si Duane dahil hindi ko naman kontrolado ang nararamdaman mo. Pero ang pakiusap ko lang sayo Xandra." Hinawakan niya naman ang dalawa kong balikat. "Ipangako mo na hindi ka iiyak dahil kay Duane, kaibigan ko si Duane, oo, pero hindi ako nagtitiwala sa kanya pag dating sayo. Pagdating sa kapatid ko"
Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Kuya, ang pagiging protective niya pag dating sakin. Naiiyak naman akong tumingin sa kanya.
"Kuya naman eh! Gusto ko pa lang naman si Duane at hindi pa ako ikakasal, ang drama mo masyado"
Binatukan niya naman ako. Yun bumalik din sa abnormal niyang katauhan.
"Madrama? Ikaw nga umiiyak iyak na oh!" sabay turo sa mata ko. Pinunasan ko naman yun.
"Huwag kang mag-alala kuya, kaya ko ang sarili ko!" Sabi ko sa kanya.
Lumabas na kami at pumunta sa sasakyan. Napatingin naman ako sa bahay ni Duane, wala na yung sasakyan niya. Hmm? Ang aga niya namang umalis. Bumusina naman si kuya dahil napatagal yata ang pagtingin ko sa bahay ni Duane. Pumasok na ako na parang may kulang sa katawan ko.
"Minsan Xandra matuto kang makiramdam, minsan kasi hindi mo namamalayan may nasasaktan ka na pala"
Napatingin naman ako kay kuya.
"Anong pinagsasabi mo Kuya?" Tanong ko.
"Alam kong alam mo ang sinasabi ko"
Medyo nalito pa ako sa sinabi ni Kuya pero unti unti ko rin naintindihan.
Nang masundo namin ang kambal tahimik lang ako sa kotse, sila lang ang nag-iingay. Nawalan naman ako ng ganang makipag-usap dahil marami ang gumugulo sa isip ko ngayon. Ni hindi ko nga namalayan na nakarating na pala kami sa school.
Habang papunta kami sa room bigla naman akong kinabahan. Hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi.
"Ikaw na rin ang nag sabing hindi mo siya maiiwasan habang buhay" bulong sakin ni Clyde at hinila ako papasok sa room.
Napatingin agad ako sa pwesto ni Duane, may suot siyang earphone at nakatingin lang siya sa bintana.
"Xandra, bakit ang cold ngayon ni Duane? Sa sobrang lamig parang kulang ang isang jacket"
Mahinang sabi sakin ni Naomi.
"Nag away na naman ba kayo?" Tanong ni Chloe. "Ayusin niyo na dapat yan bago tayo pumunta ng palawan. Sinasabi ko sayo hindi kayo makakapag enjoy kung hindi pa kayo nagbabati"
Napabuntong hininga naman ako at umupu na. Binati ko lang si Renzo at tahimik lang akong nakatingin sa harap habang nakapalumbaba. Paano kami makakapag ayos kung hindi kami nag papansinan? Mababaliw ako sa kakaisip.
"*Ehem* Manhid! Manhid!" Nauubong sabi ni Tristan, napatingin kami sa kanya dahil sa lakas ng pag ubo niya.
"Torpe! *Ehem, ehem* Torpe!" umubo ubo ulit siya.
Nakita ko naman ang pagsipa ni Duane sa upuan ni Tristan kaya nilingon niya si Duane at ngumisi.
"Sapul ba?" Tanong niya kay Duane at tumingin sakin. "Hindi mo pa rin gets?" Tanong niya sakin.
Nakatingin din sakin ang mga kaibigan ko at parang hinihintay nila akong sumagot.
"Huh?" Naguguluhan na talaga ako. Gulong gulo na nga ang isip ko tapos guguluhin pa lalo ni Tristan.
Nakita ko naman ang disappointed look nila dahil sa sagot ko. Umiiling iling pa si Chloe bago bumalik sa ginagawa niya.
"May gusto ba kayong sabihin sakin?" Tanong ko sa kanila.
Hindi naman nila ako sinagot at umiiwas sila na tumingin sa akin.
"Mga siraulo" bulong ko.
"Ang manhid mo nga" napalingon naman ako kay Renzo.
Pati ba naman siya sasabihan ako ng manhid? Ano ba kasi ang ginawa ko para sabihan nila ako ng manhid.
"Kahit ako alam ko kung ano ang gusto nilang iparating sayo" bulong sakin ni Renzo.
"Isa ka pa! Bakit hindi niyo na lang kaya ako diretsuhin, mababaliw na ako kakaisip!" Napakamot naman ako sa ulo samantalang si Renzo tinawanan lang ako.
"I'm sure kapag nalaman mo ang gusto nilang iparating matutuwa ka"
Huling sabi niya bago dumating ang teacher namin. Hindi ko alam kung nag iimagine lang ako or asyumera lang talaga ako, parang malungkot kasi ang boses ni Renzo habang sinasabi niya yun.
Eto naba ang epekto ng kakaisip ko? Baka this time tatawag na talaga sila sa mental at...at....
Sheteng palaka naiimagine ko ang sarili ko na nakasuot na kulay puting damit at nakakulong ang kamay ko at sumisigaw ako habang nakatingin sa mga kaibigan ko. Paano na ang future ko? Magkakaroon pa ako ng pamilya puhleaaasse don't me. Pumasok naman sa isip ko na nasa iisang kwarto ako at mag isa lang.
Tapos dadalaw sakin si Duane tapos may asawa na siya at sinama niya pa! At ang mas malala pa si Alicia ang asawa niya. Ngiting tagumpay naman siya dahil nakuha niya si Duane gaya ng gusto niya. Puhleaaasse don't me!! This cannot be...
Napahampas ako sa armchair ko dahil sa mga naimagine ko. "Ayokong mabaliw!"
Hindi ko napansin na napataas ko pala ang boses ko. Tumingin naman sakin ang mga kaklase ko. Parang nagkaroon naman ako ng heart attack nang mapatingin ako sa teacher namin, nakalimutan kong dumating na pala siya at ang mas malala pa ang favorite teacher ko pa.... Si Sir Grum... Siyempre kabaligtaran lang ng favorite.