Kabanata 5

4 1 0
                                    

Katotohanan

Kabanata 5

"Badtrip naman, oh!" pikon na sigaw ni Ruben pero alam naming tatlo na hindi seryoso iyong inis niya.

"Hindi ka pa ba sanay hanggang ngayon?" Nagkunyari akong naaawa sa tono ng boses ko.

Tinapunan niya ako nang masamang tingin bago inangat ang kamao. Ngumiti ako habang nakasimangot pa rin siya sa pagfist bump namin.

Sabay namin nilingon si Nathan. Hinarap niya ang cellphone niya sa amin para ipakita kung anong dessert ang gusto niyang i-try ngayon.

Ngumiti ako nang makita ang napili niya. Lumawak ang ngiti ko at nag-thumbs up ako. I have been eyeing the macaroons in the shop he chose. I was planning to ask Lolo that we buy some today but I can wait for Ruben's treat instead.

I did another set by myself while the two boys talked to me. Although Nathan prefers indoor activities, he does indulge himself in a little bit of archery and joins his brother here. This is considering, we have fewer opportunities to meet with all three of us nowadays.

"Kanina pa kami nandito. Akala namin baka wala ka ngayong araw pero nang makita namin ang Lolo mo, napagpasiyahan namin na tumambay na muna dito," ani Ruben.

"Wala pa naman masyadong gagawin sa school din. Might as well." Tumango si Ruben sa sinabi ng kapatid.

"Iniisip ko nga anong clubs ang sasalihan ko," dugtong pa ni Nathan.

"Oo nga noh, recruitment season nga pala ng mga clubs... pero diba kasali ka na sa iba?"
Ngumiwi si Nathan. "Ang dami kasing nag-aalok sa akin."
"Tapos hindi mo maayawan," sabi ko sabay pana.

"Kaysa naman magaya siya sa iyo na gusto lang sa isang club na hindi ka naman pwede at hindi nag-e-exist."

Saktong kakaknock ko lang ng bow noong sabihin niya iyon at pinihit ko ang katawan ko para tutukan siya non.

"Ma'am!"

"Tsk." Napansin agad ako ng staff. Binalik ko ang pagtutok ng pana sa target practice. I will just imagine this is Ruben.

The dude snickered. "Akala mo ha."

Pagkatapos ng third set ko, napagpasiyahan ko nang tumigil. Ilang bows din ang naubos ko. Sinenyasan ko ang staff na kuhain ang panghuli kong target paper. Nang mag-ring ulit ang alarm hudyat na pwedeng lumapit sa target ay tinulungan na nila ako magligpit.

Saktong hinuhubad ko na rin ang armguard nang lumapit si Ate Monet sa amin.

"Excuse me, Ms. Jules." Napatingin kaming lahat sa kanya.

"Aw," We all exclaimed our disappointment out loud.

We all know what this means.

I faced them again. "I guess we'll be having that treat another day." Masunurin na tumango ang magkapatid.

"Ingat ka, Jules," ayan na naman si Nathan pero nangiti na lang ako.

"Ingat Jules!" paalam ni Ruben. "Next week doon tayo sa cafe ha!"

I waved my hand to them while walking away as a final greeting.

Binalik ko ang mga ginamit ko sa staff at sabay kami ni Ate Monet naglakad papalabas ng archery range.

"Jules, gusto mo ba sumali sa competition next month?" aniya.

Nagulat ako sa sinabi niya. "For archery?"

Tumango siya.

I brought my fingers to my chin. I have never really thought about joining competitions for this. I always just did it for the sake of knowing how to. However, this could be a good challenge for me.

Fortune Chaser [Chaser Trilogy Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon