FIFTY-SEVEN

40 3 0
                                    

Parang naluluha na ako nun sa nakikita ko. Kaya lang, hindi ako pwedeng umiyak ngayon dahil ayokong ipakita lalung-lalo na kay Freelie. Mas mabillis kasing gumana yung utak niya sa ganitong bagay kaysa kay Ayan. Si Ayan kasi, hindi naman nakakapansin.

Binaling ko naman sa iba yung tingin ko. Kaya lang, nung iniwas ko, si Charlie naman ang nakita kong nakatingin sa akin. Ewan ko nga lang, kung may napapansin siya. Pero ngayon, mukhang wala naman.

Hindi ko rin alam kung sinasadya ba ni Charlie pero ang ganda nung timing niya.

"Uuwi na kami. Ihahatid ko na si Hally..."

Tama. Dapat siguro umuwi na rin ako. Baka maya-maya lang eh hindi ko na makayanan at mag-breakdown pa ako dito.

Kaya kami, umalis na kami doon. Hindi ko naman na nakausap si Freelie maliban na lang nung nagpaalam kami. Ok pa naman siya, kaya lang mukhang tumahimik kaysa nung dumating kami.

Nasa tricycle na nga pala kami ngayon. Malapit na rin sa bahay.

"Hally, ok ka lang ba? Kanina ka pa tahimik simula nung natapos yung game ha..." tapos yung mukha niya, seryoso na parang nag-aalala.

"Ok lang ako. Napagod lang ako doon sa game. Hindi kasi ako sanay ng ganun..."

Tinignan lang niya ako. Pero hanggang sa nakarating na kami ng bahay, hindi na siya nagtanong.

Hinatid niya ako hanggang sa pinto namin. Nagpaalam ako sa kanya, at ganun din siya sa akin. Isasara ko na sana yung pinto namin nung hinarangan niya ng kamay niya.

"Bakit? May nakalimutan ka?"

Pero yung sinagot niya, hindi ko rin maintindihan. Naiintindihan ko din naman siguro pero hindi ko lang talaga inaasahan na manggagaling sa isang CHARLES OROSCO.

"Don't think too much Hally... it's not good for you."

I don't know what to say but to nod in agreement.

Sinara ko na yung pinto nun. Tumingin pa nga ako sa bintana. Nakita kong naglakad na siya paalis.

That was exactly the time I started to cry...

Don't think too much.. don't think too much... paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko yun buong gabi. Nakatulong din naman kahit papaano. Tama si Charlie. Bakit ba masyado kong pinoproblema si Ayan? Si Rachel?

"Hally! Bilisan mo na dyan at kanina ka pa niya hinihintay.." Daddy ko. Ok naman na ako.

"Lalabas na po.. saglit lang!" sabi ko habang nakaharap sa salamin...

Lumabas na ako ng kwarto ko nun. Kinuha ko yung handbag ko at sinara ko na yung pinto. Nagpaalam na ako kay Daddy for the last time at lumabas na ako ng bahay.

"Ano ka ba? Kanina pa kita hinihintay. Maghahanap pa kaya tayo." sermon ni Joyz sa akin kalalabas ko pa lang.

"Nawala kasi yung wallet ko eh... hinanap ko pa." tapos pinakita ko yung blue ko na wallet na nahanap ko pa sa kadulu-duluhan ng drawer ko.

Naglakad naman na kami ni Joyz nun. Walang dapat sayangin na oras. Hapon na kasi eh. Lalo pa't baka gabihin kami.

"Anong nangyari sa mata mo? Mukhang umiyak ka."

Yup Joyz, umiyak nga ako. Kagabi.

Pero syempre, hindi ko naman yun sinabi sa kanya. Sinabi ko na ganun na talaga yun nagising pa lang ako. Buti nga naniwala, dahil kung hindi... matinding pag-iisip na naman ang gagawin ko.

Pupunta kami ng mall ngayon. Bibili kasi kami ng regalo. Remember, malapit na yung birthday ni Ren. Sa Friday na nga yun eh.  At hanggang ngayon, wala pa rin kaming regalo sa kanya.

Você também vai gostar

          

Kanina nga, sasama dapat si Ren sa amin ni Joyz. Kaya lang sinabi namin sa kanya na pupunta kami ng parlor, kaya ayun.. hindi na raw siya sasama. Tiyak daw girl stuff na naman daw yun.

Syempre nung nakrating na kami sa mall, ikot dito at ikot doon ang ginawa namin. Mahirap ding regaluhan si Ren. Paano ba naman kasi eh lalaki. Kaibigan naman namin siya, dapat nga siguro madali na sa amin dahil tiyak tatanggapin niya kahit ano. Hindi naman kasi siya mapili. Yun nga lang, mas gusto namin ni Joyz yung magugustuhan niya talaga. Kaya lang eh... ANO?

Kaka-ikot namin sa mall, wala pa rin kaming nakikita. Kukuha kami ng cd, sa unang tingin mukhang ok tapos kapag tumagal.. dumarami yung reasons namin parehas ni Joyz kung bakit hindi dapat bilihin. Ganun din yung nangyari sa PS2 games, soccer ball at kung anu-ano pang nakita namin. Siguro nga naiinis na rin sa amin yung mga nagtitinda dahil tingin kami ng tingin nung paninda nila, tapos hindi naman namin bibilihin. Yung isa nga, sinigawan pa kami. Kaya kami ni Joyz eh tumakbo na lang. Nakakahiya talaga.

"Pagod na ako maglakad, kain muna tayo.."

"Bili tayo ng  ice cream. Meron yata diyang drumstick, P10 lang yata."

"Ok na yun.."

Pumunta kami doon sa bilihan ng ice cream. Nakahanap naman kami ng bench kung saan pwedeng umupo at magpahinga. Ang hindi lang maganda, may naalala ako. Yun kasi yung bench na inupuan namin ni Ayan nung kasama namin si Justin na nadumihan yung damit niya. Ang masaklap pa, ice cream din ang kinain niya nun. Parang sinadya no?

"Oi! Tumahimik ka?" nagulat ako nung siniko ako ni Joyz.

"Wala, may naalala lang ako."

"Asus! Bakit naaalala mo yung date mo ha!"

Tinignan ko naman si Joyz. Paano niyang...

"Syempre, ice cream... uupo ng bench kapag pagod..." tapos tumawa siya ng malakas "Bakit ganyan yang itsura mo? 'Wag mong sabihin sa akin na tama ako?"

Ooh.. sabi ko nga hindi niya alam. Phew!

"Of course not..." tapos lumingon ako sa kanan ko, at doon ako ngumiti.

Dahil ginabi na kami parehas sa mall at wala pang nabibili maliban sa ice cream at gulaman, syempre.. kailangan na talaga naming bumili.

"Oh, ano na..." sabi ko sa kanya nung naubos na niya yung iniinom niya.

"Wala man lang tayong nabili, pinapauwi pa naman na ako ni Mama."

Lumingon-lingon ako, nakita ko yung RRJ. Siguro nga, doon na lang kami dapat bumili.

Hinatak ko si Joyz doon. Ayos lang din naman sa kanya. Kung anu-anong tinignan namin sa mall eh sa shirt lang pala ng RRJ ang babagsakan namin. Syempre dadagdagan namin ng arm warmers. Nung nakita namin yung presyo, inabot ng P450 lahat.

"Magkano dala mo?"

"P200."

"P200 lang din dala ko. Ano ba yan!"

Kukunin na sana namin at babalikan na lang yung isang arm warmer kaya lang sabi ni Joyz eh balikan na lang daw kinabukasan at bilihin. Hindi namin nabili yung regalo ni Ren. Pero at least, alam na namin kung ano at saan babalikan.

Nakauwi rin naman kami ng kanya-kanyang bahay. Pagkadating ko sa bahay, naligo lang ako at nagsuot ng pantulog... bagsak na ako. Goodnight Hallene Rhias. Ang bilis ko ngang nakatulog eh.

Nag-ring yung alarm clock ko ng maaga. Inaantok pa nga ako nun. Pero syempre, kailangang pumasok. Nag-ready lang ako, at yung mga kadalasan kong ginagawa, kinuha yung bag at umalis ng bahay. Tulog pa si Daddy at mamaya pa yung pasok niya.

Southern HighOnde histórias criam vida. Descubra agora