Chapter Twenty Four: Meeting The Family
Nang makarating kami sa bahay ay inaya ko si Blaire na pumasok sa bahay.
"Sige. May dala nga pala ako ibibigay ko sana sayo nakalimutan ko na dahil sa nangyari kanina." Sabi ni Blaire at may kinuha sa backseat. Nasa labas na kami ng kotse nito.
Ngayon lang ulit nito binanggit ang nangyari kanina. Kaninang lunch kasi ay wala namang nagbanggit nun dahil na rin sa kadaldalan ni Lyssa.
Isinara nito ang pinto ng kotse. Ngayon ay may hawak na itong box na mukhang alam ko na kung ano ang laman. Iniabot nito yun sakin.
"Ano to?" Tanong ko.
"You're favorite of course, cupcake." Nakangiting sabi nito. My gosh. Ang gwapo talaga.
Napangiti na rin ako. "Salamat. Naku pag puro ganito ang ibibigay mo sakin baka tumaba na ko." Biro ko.
Tumawa ito. "Kahit tumaba ka ayos lang. I'll still like you."
Shemay. Nag init ang pisngi ko sa sinabi nito. "Puro ka naman biro eh." Nahihiyang sabi ko.
"Uy. Ano ginagawa niyo dyan? Sa loob niyo kaya gawin ang paglalambingan."
Nagulat kami sa nagsalita nun at lumingon kami. Nakita ko si Jade na binubuksan ang gate. Hindi pa kasi makapasok ang kotse dahil sarado pa ang gate nandoon lang kasi sa may gilid ng kalsada nagpark si Blaire.
Feeling ko lalong namula ang pisngi ko sa sinabi ni Jade. "Manahimik ka nga dyan Jade." Nahihiyang sabi ko.
Narinig kong medyo humagikgik ito pero di kami nililingon. Nang mabuksan nito ang gate ay pumasok na ito at nagtuloy tuloy na sa loob ng bahay. Iniwan na nito ang gate dahil nga naroon naman ako at papasok pa ang kotse ni Kuya Zel.
Nang papasok na ang sasakyan ni Kuya Zel at madaanan kami ay nakita kong nakangiti ito samin na lala lang ikinainit ng pisngi ko.
Tumikhim ako. "T-tara na Blaire pasok na tayo." Aya ko kay Blaire.
"Sure. Let's go." Anito at kinuha sakin ang box at siya na ang nagbitbit nun. Haay.. What a gentleman.
"My!" Tawag ko kay Mommy dahil busy ito sa pagkausap sa iba kong kapatid ng makapasok kami ni Blaire.
Napakunot noo ako ng mapansin na parang kompleto ata kami ngayon. Nakaupo si Daddy katabi sina Kuya Alex na kandong si Aki sa sofa. Samantalang sina Ate Sapphire at Ate Ruby ay kausap ni Mommy habang nakatingin sa tablet. Hindi ko lang alam kung nasaan si Ate Emerald pero sure ako na nandito na iyon dahil nakalapag ang mga gamit nito sa trabaho sa may bakanteng sofa. Si Jade ay baka nasa kwarto namin o di kaya ay baka nasa kusina. Hinahanap ko kung nasaan si Kuya Zel at Kuya Topaz.
Mukhang hindi kami narinig ni mommy dahil hindi ito lumingon. I was about to call her again ng may tumawag na sakin mula sa kung saan.
"Baby Pearl!" Napangiwi ako sa tumawag sakin na walang iba kundi si Kuya Topaz lang naman. Nilingon ko ito na nasa hagdanan. Katabi nito si Kuya Zel na pababa na.
"Kuya! I told you im not a baby anymore!" Maktol ko ng makalapit na ito.
Ngumisi ito. "But youre my baby nga eh." Napatingin ito sa tabi ko kung nasaan si Blaire. "Sino siya baby? Siya ba yung manliligaw mo?"
Napalingon ako kay Blaire. Mukhang hindi naman ito naiintimidate kay Kuya. Nakangiti ito at naglahad ng kamay.
"Blaire Everette Sir." Pakilala nito kay Kuya.
BINABASA MO ANG
Jewel Siblings: Pearl Raven: My Moments (#2) [Completed]
General Fiction(Completed) The time she saw him, she was caught by his mesmerizing eyes. She instantly feel something about him. Crush. Or so she thought. Then later on she found out it was not a simple crush because it lasted for a year. But then again she found...