Chapter 1

621 13 0
                                    

CHAPTER 1

Pinanuod ko ang bestfriend kong iyakan ang nagiisang lalaking minahal niya. How can he be so heartless? Hindi ko alam dito kay Nikita at kung bakit ba dun pa siya nahumaling, sa kagaya pa ni Jasper na mysteryoso... Pero wala ako magagawa, sa mysteryoso din ako nahumaling. 

Ang pinagkaiba lang nila ay Nicholo has been rude to me all along, itong si Jasper ay naging mabait at pinaasa pa ang bestfriend ko.

 I don't know what's better, yung masama ang ugali sayo ng mahal mo at pinapamukha na hindi ka niya gusto o yung mabait at sweet nga sayo pero wala naman talaga siyang gusto sayo. 

Hinimas ko ang likod ni Nikita at binigyan siya ng softdrinks. "Tahan na, Nikki." 

"Clarise~" Naiiyak niyang tawag sakin at pinunasan nanaman ang luha niyang hindi naman tumitigil sa pagtulo. "Ang sakit sakit naman nun." 

"Sinabi mo na ba 'to sa kambal mo?" Agad siyang umiling at napabuntong hininga ako. 

I knew it. Impossibleng sabihin niya ito kay Nicholo kasi baka mapatay lang nun si Jasper. Alam naman natin lahat kung gaano siya kamahal nito. She's a Fajardo after all. Kahit siguro si Kuya Neo ay mapapatay lang yun si Jasper. Hindi nila maatim makita ang nagiisang prinsesa nila na umiiyak sa walang kwentang lalaki. 

"Hay nako, masasapak ko talaga yang lalaking yan, Nikki. Bakit ba kasi sakanya ka pa nagkagusto? Ang dami dami naman diyang naghahabol sayo." Hinaplos ko ang buhok niya para tumahan siya. Ayoko rin kasi na nakikita siya na umiiyak. May kutob na ako dati pa na ito ang end game nila pero miski ako ay nagbakasakali at umasa sa mga pinakita ni Jasper. 

Kung alam ko lang na ganto ang mangyayari edi sana nung una palang ay pinilit ko na itong si Nikita na itigil ang kahibangan niya. I can't believe that a Fajardo is crying infront of me for something so useless! Matagal na akong namulat sa katotohanan na ang mga Fajardo ay mga sophisticated na tao. I've seen them live and they all look strong, miski itong si Nikita. Kaya din siguro hindi siya masyado approachable ay dahil sa awra niya bilang Fajardo. Kaya din siguro marami naghahabol sakanyang lalaki, dahil nga Fajardo siya at malalakas ang dating nila lahat. 

"Hindi ko rin alam." Paghikbi niya. Pinunasan niya ang mga luha niya at sinubukan kumalma. Napatingin ako sa relo ko. Kaya pala, maya maya ay dadating na ang sundo niya. Dumungaw siya sakin. "S-Sama ka ba?" 

"Oo. Kaya halika na at bibilhan kita ng fries bago umuwi." One thing we have in common? We love food. Kahit papano ay gagaan ang loob niya dahil dito. Hindi naman kasi ako magaling mangcomfort. Hindi ako pwede sa award na 'the best bestfriend of the year'. 

Agad din kami nasundo ni Kuya Neo. Wala siya napansin kasi panay ang kausap niya sa phone, bagong chix nanaman. 

Agad kaming pumasok at dumeretso si Nikita sa kwarto niya. Pumasok ako sa kitchen at hinanap si Manang na nagluluto na ata ng panghapunan nila. 

"Hi, manang!" Nagulat siya kaya humagikgik ako. Nginitian naman ako nito. 

"Oo, hija, nasa kwarto niya." Ngiting niyang sabi. 

Tumalon ako at niyakap siya. "Salamat, manang!" 

Memorize na niya ang tinatanong ko sakanya tuwing nandito ako kaya hindi ko na kailangan pa itanong sakanya ito uli. Nanjan naman pala siya, e, solb nako. Hihi. Dumeretso na ako sa kwarto ni Nikita at naabutan siyang nakahiga na doon. Kawawa naman ang bestfriend ko. Di bale, kukuhanan ko nalang siya ng pagkain. 

Bumaba na ako agad at naghanap nang makakain ni Nikita. Hindi pa kasi tapos magluto si manang at 5 palang naman din. Kaya nagdecide akong lutuan nalang siya ng noodles at dalhan siya ng chocolate cake sa taas. 

"Anong ginagawa mo?" Nanginig ako sa lamig ng boses niya. Nilingon ko ang masungit na lalaking 'to at palihim na nagrolyo ng mata. 

Tinaas ko ang noodles. "Ito, o." 

Ayoko rin naman makipagaway sakanya ngayon kaya hindi ko na dinagdagan. Madalas kami nagaaway ni Nicholo pero hindi ko alam kung bakit nageenjoy ako dito. Feeling ko ang sweet namin. Hihi. Pareho kasi kami may pagka masungit. 

"Hindi ka ba makapaghintay ng dinner?" Pakielamerong pogi. 

Hinarap ko siya pero saglit lang yun at kinuha na ang cake sa ref. "Para kay Nikita 'to, pwede ba? Hay nako." 

Tumango siya at mejo nanlambot ang expression niya. Syempre, kambal niya yun e. 

"Dito ka narin ba kakain ng dinner?" 

Tumaas ang kilay ko at hinarap na talaga siya. "Gusto mo dito ako magdinner?" 

Kinikilig ako. Ngumiti ako at pinigilan ko ang tawa ko nang manlaki ang mata niya. 

"Ang kapal mo." Masungit niyang sambit at umalis sa harap ko. Kumuha siya ng tubig at naglagay sa baso. Agad din naman niya itong ininom. Pinanuod ko siya at humagikgik ako ng makita ko siyang sinisilip ako habang umiinom sa baso. 

Jusmiyo. Kinikilig ako sa masungit na ito. Tumikhim siya kaya napatingin ako sakanya. Tinitigan ko siya at umiwas siya ng tingin. Ano na, Fajardo? 

"Ang cute mo talaga." Nakangiti kong sabi sakanya.

"Hindi ako aso." Tiningnan ko kung pano siya nagdabog at akmang lalabas na ng kitchen nang unahan ko siya, dala dala ang tray ng pagkain ni Nikita. 

"Sungiiit." Pangaasar ko at sumulyap sakanya ng huling beses. Kumindat ako at nanlaki nanaman ang mata niya. "Kaya gustong gusto kita eh."

Humagikgik ako at tinalikuran siya. Jusmiyo. 

Bad For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon