"So, yun na nga, ikaw na talaga ang Maid of honor ko ha. Isesend ko na lang yung address mo sa organizer namin para mapuntahan ka nung gagawa ng gown mo." Pagkukwento ni Alyanna. Lumilipad pa rin yung isipan ko.
I dont know what happened to me pero natulala na lang ako pagkatapos sabihin ni Alyanna na hindi nagpakasal si Asher.
Sisisihin ko ba yung sarili ko dahil hindi ko inalam kung may pamilya na sya? Kasi I just assumed na meron? Kasi naman sobrang klaro sa akin noong nagpropse sya doon kay Kylie. I thought they're really married.
Nag aasume na din siguro ako dahil ni hindi sya gumawa ng paraan para hanapin ako at mag explain. Inisip ko noon na di na nya ako kelangang habulin kasi baka di na nya ako mahal.
Gosh! Naging unfair ako sa anak ko. Ang pagkakaalam nya ay si Spade yung ama nya. Gusto ko lang naman magkaroon ng father figure si Shein. Ayokong lumaki syang iniisip na bastardo sya dahil wala syang ama.
I got so confused now. Pumasok sa isip ko ang posibilidad na dati ay ayaw na ayaw kong gawin. Sasabihin ko ba kay Asher ang totoo? Pero iniisip ko rin na sana noon nya pa nalaman kung gumawa lang sana sya ng paraan. But he didn't care. He didn't love me that much huh?
"Hoy Blue! Nakikinig ka ba?" Hinarap ko si Alyanna. Kanina pa ba sya nagsasalita?
"Ah oo. Ako ng bahala sa gown ko. No need to send someone." Sabi ko na lang. Sinabi nya sa akin yung motif ng kasal nya. Simple yun but elegant. No other colors. Puti lang ang motif nya. Malayong malayo sa ugali nyang makulay. Ewan ko ba, siguro yun ang gusto ni Dylan.
"Bothered ka ba dahil doon sa sinabi ko kanina? Mahal mo pa rin ba si Asher? Pwes Blue, agawin mo!" Napalaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nya. Parang ang simple lang sa kanya yung gusto nyang mangyari ah.
"Hoy! Yang bunganga mo!" Hinampas ko sya.
"Aray ko ha! Nananakit ka pa din." Ngumuso sya habang hinihimas yung braso nya. "Totoo naman Blue eh, sayo naman talaga yung si Asher. Nagbreak ba kayo? Hindi naman ah. So technically, kayo pa rin."
"Ano ba yang pinagsasabi mo? And- I am not interested anymore. Let him be happy with someone else. Matagal na din yun. Mas mabuti na yun for the both of us."
"Bahala ka nga. Basta next week, I will be having my bridal shower slash bachelor party ni Dylan. Inisa na namin. Please punta ka."
Pwede ba yun pagsabayin? Bahala nga sila. Kasal nila yan.
Tumango na lamang ako.
The next day ay maaga pa akong bumalik ng mansion, I called Spade para samahan akong umuwi ng Hacienda. Gusto ko lang makita ang anak ko.
Good na lang at namiss na din ni Spade yung bata kaya sabay na kami pumunta doon.
"Hindi pala sya ikinasal."
I opened up to him while his driving.
"Who?"
"Asher." tipid kong sagot. Napatingin sya sakin pero hindi ko sya hinarap. Deretso lang ang tingin ko sa daan.
"S-saan mo naman nalaman?" Nahihimigan ko yung pagkataranta nya.
"Spade, alam mo ba ang tungkol dyan?" Hinarap ko na sya at parang ang lalim ng iniisip nya. Umiigting pa yung panga nya.
"H-hindi." He said but I saw how his grip tighten on the steering wheel.
Siguradohin mo lang talaga na wala kang alam Spade..
BINABASA MO ANG
Aspyn Trilogy (Season Three)
General FictionAfter a heartbreak, Aspyn is returning to the Philippines for his son's request. But what if she will meet again the man who hurt him?