Hapon na nang matapos kami sa maraming laro. Ginagabayan niya pa ako sa mga hindi ko alam.Halos nanood nga lang ako sa kaniya. Bilib na talaga ako. Hindi ko alam na ganito lang pala siya kakalma pag maraming kalaban. Ni hindi ko kasi napagtuunan toh ng pansin sa tuwing may tournament kami.
"Stop staring at me"tumawa siya ng mahina. "I can't concentrate"
Napaayos tuloy ako ng upo sa sinabi niya.
"Luh na-nagagalingan lang ako sayo" pagsasabi ko rito ng totoo.
Tumigil siya sa paglalaro at hinarap ako. Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi.
"Talaga?"nasa tinig ang pangungumpirna.
Sinagi ko siya sa tagiliran kaso may naramdaman akong mahapdi kaya napangiwi ako.
"What's wrong?"nakita niya siguro ang mukha ko kaya ganoon na lang ang pag-alala sa mukha nito.
Sigurado akong may sugat akong nakuha kanina dahil sa pagkuha ng bike at kahit pagligo ko naramdaman ko iyon kaso hindi ko lang alam kung saan kaya binalewala ko na lang.
Tinupi ko ang manggas ng sweater para tingnan ang siko ko.
"May sugat ka..."mahina niyang sabi habang nakatingin sa siko ko. Hindi ko naman masyadong makita pero nang tinabingi ko pa ng masyado nakita ko naman agad. Hindi naman kalakihan at halatang mababaw lang.
Hinawakan niya ang siko ko at parang in-examine yon.
"Wait here. May kukunin lang ako"sabi niya sabay tayo at tumungo ng cr niya. Pagbalik niya may dala siyang first aid kit. Binuksan niya ito at kumpleto ang laman.
Sinimulan niyang dampian ng betadine ang sugat ko gamit ang cotton buds habang nakamasid lang ako sa ginagawa niya. Hindi ko masabi ang nararamdaman ko sa oras na yon. He's really a caring person. Maswerte si Tita may anak siyang ganito.
"Gauze pad muna ang ilagay ko dahil bago pa ang sugat but since nabasa mo na, you can use band aid to cover it" sabi niya at busying-busy sa ginagawa. Napangiti na lang ako ng malaki ng matapos.
"Salamat at naging tropa kita!" bulalas ko. Napatigil naman siya at nakangiting tumayo sa puwesto niyang naka-squat kanina.
"Mm"tugon niya na may ngiti.
Inayos ko na ang sweater ko habang siya naman ay tumungo na sa kaniyang kama at agad humilata. Pinagmasdan ko lang siyang itabing ang kamay sa mata nito. Halos ang makita ko lang ang paggalaw ng Adam's apple niya.
Why's he freakin' hot?
Napatitig lang ako don nang marealized ko kung anong inisip ko.
Pokshet! What did I just thought?
Nabatukan ko na ang sarili sa iniisip ko.
Inggit lang ako! Inggit lang ako sa tropa ko dahil mas hot siya sa akin! Inggit lang ako kasi wala akong adam's apple na puwedeng gumalaw pag napalunok ako.
Mukhang hindi niya naman ako napansin. Mukha ngang tinulugan niya na ako. Lumapit ako dito para sipain as means of kalabitin kaso napatigil ako sa pagmumukha niya. I mean to be honest he's physically attractive...if maybe I'm a girl...baka nagkagusto na ako sa kaniya kaso malabong mangyari iyon. Tama, isa pa we're tropa. Baka hindi ko rin gustong masira ang pagkakaibigan namin pag nangyari iyon lalo na at hindi naman siya interesado sa akin.
Mukhang masarap matulog sa kama niya. Medyo kalakihan ang kama. Masubukan ngang humiga.
Pumunta ako ng kabilang side at pabagsak na humiga do'n. Tama ngang malambot. Namiss ko ang kwarto ko sa bahay ni Dad. Hayss sana hindi magtatagal don si Dad para makauwi na ako.
BINABASA MO ANG
Three Girls and a Girly Heart of a Boy
Teen FictionLeast that you know, someone who has a boyish look can be one of the most admirable among these lovely ladies. Meet Dane, ang gamer at tropa ng lahat. With her boyish personality, she never had a thought of changing what God gave her. Until she met...