Prologue
Nasa tabi ng fishball-an ang tatlong estudyante. Kapwa nakatingin ang dalawa kay Aryana na tila siya na ang pinakabaliw na tao sa mundo.
"Hindi ko sila ginayuma..." bubulong-bulong ang bida.
"Hihiling-hiling ka na magka-lovelife, ngayon para kang timang." Maanghang na banat ng kaibigan nilang bakla na si Simisimi. Nakakulot na naman ang buhok nito at may pekeng freckles sa mukha. Kala mo kinaganda.
"Normal na jowa! Sila kasi alam mo na? May mga fans club! Nakakatanggap pa ako ng death threat! Ang perfect nila... Alexa! Ano ba magsalita ka naman!"
"System Denied."
Sinabunutan ni Aryana ang kaibigan nilang babaeng robot. Kung hindi lang malaki ang joga nito. Mapagkakamalan na ng robot.
Inis na inubos na lang ni Aryana ang cup na may lamang buko juice. "Bakit pa kasi ako hinahabol nila? Si Vince na bully pero ang sweet nakaka diabetes.
Si Nick na matalino, handa raw gawin ang thesis ko. Tapos sobrang sarap pa niya!
Tapos sasabay pa si Ruiz, rich ass, handa raw akong bigyan ng closet kamukha kay Heart Evangelista! Tapos ang sarap din niya! Sana inisa-isa man lang! Huwag all at a time!"
Akala ko ang pagkakaroon na ng walang manliligaw ang sumpa! Mas sumpa pala ang pagkakaroon ng mas maraming manliligaw.

BINABASA MO ANG
Ano 'to? Sumpa?
ChickLitThird Point of View Limited Synopsis: Hindi isang biro ang salitang ginawa na niya ang lahat. Mailap talaga ang salitang lovelife sa kanya. Cupid must loath her. Aryana is her name, but her lovelife is not Grande. She's young, pero natural lang sa...