CHAPTER 26

3 0 0
                                    

"Zenecka? Agatha? Zenecka? Agatha?"

"Ano ba Marga! kanina ka pa ano ba nangyayari sayo?" suway ni Evany kay Marga. nandito sila sa bahay. Mag aalas syete na ng gabi at wala pa silang balak umuwi.

"naguguluhan na nga kasi ako, andami dami ko nang naririnig na bulung bulungan! Maski sa department namin nakakarating like duh? Sino ba talaga sa inyo ang gusto ni Daze?"

"duh?? Di pa ba halata? Siyempre si Z!" nagulat ako at biglang napabalik sa ulirat nung marinig ko ang pangalan ko. Ano bang sinasabi nila? Gusto? Si Daze may gusto sa akin? Alam kong isa akong dyosa pero sa mga klase ng taong kagaya ng yelong yun para ka lang mag aantay na malusaw ang yelo sa north pole at aantaying magyelo ang gobi dessert. That's how its like.

Naalala ko na naman yung tinanong ko sa kanya kanina.

"Daze...what is your ideal girl?"

Ibinaba niya muna ang gitara niya bago siya sumagot..

"Just a simple girl, who can do simple things..and can live a simple life with me.." napatango tango ako.. kung ganon, hindi ako fit para sa kanya.. I can never be simple, I wear make up, I dressed classy.. I love the flash of lime light. I don't have a simple life I live in luxury. I am not capable enough to change my principles.

Why am I so disappointed now? Disappointed about the truth that he will never going to like me..

"paano mo nasabe?" Marga.

"basta, alam ko lang kung gusto niyo pustahan nalang tayo kung sino gusto ni Daze.."

"Game!"

"kay Zenecka ako" sabay sabay din nilang sambit na tatlo. Mga mukha silang tanga pero hindi parin maaalis sa kanila ang pagiging dyosa.

"ano ba kayo! Bat kailangan nyo pang magpustahan?" tanong ko sa kanila. Kaya sabay sabay din silang tumitig sa akin.

"umamin ka nga Z, may gusto ka na ba kay Daze?" tanong sa akin ni Purple. Bigla kong naumid sa narinig paano ko kukumpirmahin sa sarili ko kung hindi ko naman alam?

"kaya ka ba naiinis na di ka niya pinapansin kasi crush mo siya?!"

"SSSSHH!" suway ko kay Evany na ang lakas lakas ng boses mamaya marinig na naman siya ni kuya Drew iinterrogate na naman niya ako.

"your so noisy Stacey! Hibang k aba? Ako magkakasgusto sa kanya? Im not into guys like him!" tanggi ko pero hindi sila naniwala. Lumapit sila sa akin at tumitig pa.

"di mo kami maloloko Zenecka, indenial ka lang. ninenerbyos ka naman kapag nasa malapitan siya tapos naiinis ka kapag magkasama silang dalawa ni Agatha yun ba ang I'm not into guys like him mo?" huminga muna ako ng malalim bago ako nagkwento. Simula sa nangyari sa beach pictorial hanggang sa nangyari kanina.

"you should admit it Z, being honest is not a crime" Purple. Napa 'tsk' nalang ako kaya mas lalo nila akong tinukso.

"KYAAAAAAHHH!!" pinagtatakpan ko mga bunganga nila sa ingay. Buti nalang nandito kami sa kwarto.

"told you! Hindi na dapat ako nagkwento sa inyo!"

"okay, okay sorry na pero ihhhh! Di talaga ako makapaniwala" si Marga na bahagya pa akong niyuyugyog kaya iwinaksi ko siya.

"tinanong mo ba sa kanya kung anong nararamdaman niya sayo?" Purple, umiling lang ako.

"I'm afraid to ask, umatras yung dila ko nung sinabi niya sa akin ang ideal girl niya. Wala ni kahit isa sa mga classifications niya ang meron sa akin" umayos naman sila ng upo at napaisip din.

"come to think of it.. bakit ka niya hahalikan kung wala lang yun? Bat ka pa niya dadalhan ng pagkain sa pictorial kung di naman niya yun ginagawa dati? How come he can be so sweet then it turns out na iba ang gusto niya sa isang babae at type niya yung mga simple? Nakakagulo nga naman ng utak" Evany has a point, that's really confusing.

"people change girls.. di mo naman matuturuan ang puso kung kanino dapat tumibok ito. Not because he set his ideal in finding the right girl doesn't mean you cant be ideal anymore? Zenecka is beyond that. Be the girl he will never expect to fall in love. Break that damn rule!"

"yeah! That's the spirit Purple!" ani Evany at nakipag apiran pa sa pinsan niya.

"so, anong gagawin ko?" seryosong tanong ko sa kanila.

"make him fall hard for you."

TAMING THE GODDESSWhere stories live. Discover now