Chapter 45;

2 0 0
                                    

Chapter 45;


*Celestine's Pov*




Anim na buwan na ang nakalipas simula nang ikasal kami ni Eros. Mag pipitong buwan na ang tiyan ko kaya malaki na ang umbok nito at nawala narin ang kurba sa katawan ko. Alam na rin namin ang gender ng mga magiging anak namin. Nagtataka ba kayo kung bakit "mga"? Well ,it's because kambal ang magiging anak namin. Isang babae at isang lalake. And we are both excited sa paglabas nila. Maging ang family ni Eros ,ang mga kuya ko, si Leanne at si Matthew ay excited din. Isa nalang talaga ang kulang at masasabi kong perfect na ang buhay ko. Hanggang ngayon kasi hindi parin ako napapatawad ni dad. I tried my very best para lang mapatawad niya ako pero matigas talaga ang puso niya. Hayysst, I miss my dad so much.


" Hija, Aren't you going to sleep ?" Napatingin ako sa naka bukas na pintuan ng kwarto namin ni Eros nang mag salita at dumungaw mula rito si Mama Yrine. After our wedding kasi ay dito na kami tumira sa mansion nang mga Lee. Tradition daw kasi yon sa Korea na titira ang bagong kasal sa pamilya ng lalake.

"Hindi pa po kasi ako inaantok ma." Magalang na sagot ko sa kanya.

She smiled bago tuluyang naglakad papasok sa silid mamin.

"Let me guess, you're waiting for your husband. Am I right?" She asked habang hindi parin nawawala ang ngiti sa kanyang manipis at kulay pink na lips.

"Opo" nahihiyang sagot ko na ikinatawa niya.

"Diba sabi niya ,gagabihin siya nang uwi? Kaya matulog kana hija. Masama sa buntis ang nag pupuyat." Payo niya sakin.

"Pero ma, gusto ko po talaga siyang hintayin. At isa pa po parang may kakaiba kay Eros ngayon."  Nitong mga nakaraang araw kasi lagi siyang ginagabi nang uwi. 9pm na siya kong dumating sa bahay. Di ko tuloy mapigilang mag taka.

"Kakaiba? What do you mean hija?" Nagtatakang tanong niya.

"Recently po kasi late na siya lagi kong umuwi. Ma, natatakot po ako baka ipinagpalit niya na ako sa sexy na babae." Mangiyak ngiyak kong sagot na ikinatawa niya.


"Hija, you're just over reacting.. Eros won't do that . Just trust him, okay?" Pagpapakalma niya sakin.

Nahihiyang tumango nalang ako. Tama si mama ,medyo nagiging OA na ako ngayon at mas mabilis na akong maiyak. Maybe this is all part of my pregnancy.

"Sleep now hija, siguradong inaantok na ang mga apo ko."
Sabi pa niya sabay himas sa malaking umbok nang tiyan ko.


"Opo ma. Good night po."

"Good night din hija. At good night sa mga apo ko."  She said happily before she went out of our room.


Napa buntong hininga nalang ako pagkalabas ni mama at pagkatapos niyang isara ang pinto.

"Where are you Eros?" Bakit lagi siyang late kong umuwi? Ipinagpalit niya na ba talaga ako sa iba?











*Eros Pov*

Maghahating gabi na nang makarating ako sa bahay.



"Good evening po Young Master!" Bati sakin nang isa sa mga maids namin.

Tango lang ang isinagot ko sa kanya at nag dirediretso na ako paakyat nang hagdan.

Didiretso na ako sa kwarto para matulog.  Antok at pagod na pagod na kasi ako. Sigurado akong tulog na ang asawa ko ngayon.


I was about to open the door of our room nang may biglang mag salita sa likod ko.


"Anak." Nilingon ko ito at ang nag aalalang mukha ni mommy ang bumungad sakin.



PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon