CHAPTER 82: WEDDING 2

1.4K 103 33
                                    

CHAPTER 82: WEDDING 2

Zoe POV's

Umpisa na ng seremonya. Ang pinsan ko ay nasa kabilang sulok. Kita naman dito sa pwesto ko ang hindi ma-drawing na muka ng mag aamang Remias, lalo na si Ava. Siguro ay nagtataka siya kung bakit nakadating si Sam dito sa simbahan.

Correction. Hindi talaga si Sam itong rumarampa sa red carpet kundi ang maldita kong kaibigan na si Alexa.

Ang napag usapan kasing plano namin dati ay hindi makakarating si Sam dito sa simbahan. Yun ang alam ni Ava, pero sorry siya may matalino mag isip sa plano kaming nag ngangalang Carl. Kaya nabago agad ang plano.

Bilib din ako sa sister-in-law ko. Nagaya niya talaga ang pagmumuka ni Sam dito kay Alexa saka yung wedding gown ay may nahanap kaming kapareha. Kung bisita lang ako dito ay talagang pagkakamalan kong si Sam ang rumarampa palapit kay Dryle.

"Stop! You can't fool me because you're not the real Samantha Villanueva." pang aagaw eksena ni Marverick na gumitna pa talaga para harapin si Alexa na nagpapanggap na Sam.

E ‘di, congrats. Hindi man' lang niya pinaabot sa kiss the bride, choosy!

"Don't move." Kung malilintikan ka nga naman talaga. Naramdaman ko ang nguso ng baril sa tagiliran ko. Nilingon ko ang hinayupak na iyon at namataan kong tauhan ng mga Remias.

"Pano kung gumalaw ako?"

"Then, I'll pull the trigger on this gun aimed at you, woman." bulong niya sa tenga ko.

"Dumistansya ka, brad. May boyfriend na ako baka mag selos 'yon."

"I don't care." napairap nalang ako.

Binalik ko ang tingin kela Alexa at Maverick. Ang mga bisita ay nagtataka sa nangyayare at sinabi ni Maverick. Tinignan ko si Dryle na nakakunot ang noo habang nakatingin din sa kanila.

Si Timothy naman ay simpleng nakatayo lang sa tabi ng pinsan niya habang nanonood rin. Alam niya naman na ito. Nasabi na namin ng magpunta siya sa tambayan.

"Ano bang sinasabi mo, Mr.Remias?" kalmadong tanong ni Alexa. Pati boses ni Sam ay ginaya niya.

"Don't try me, you're not Samantha."

Hinawakan ko ang baril na nasa gun pocket ko, pasimple lang iyon para hindi mapansin nang lalakeng nasa gilid ko. Hinanap ng paningin ko si Sab, ng makita ko ito ay nakatingin rin siya sa akin at lumipat ang tingin sa baril na nakatutok sa akin sunod sa lalakeng may hawak no'n.

Simple kong inangat ang kilay ko, trip ko lang.

"Baka gutom ka lang, Mr.Remias." lumipat ang tingin ko kay Alexa.

"What are you doing, Maverick?" sumingit na sa kanila si Dryle.

"Shut the fvck up, Salvante!" sigaw ng demonyo sa kanya.

Naramdaman kong dumiin ang pagkakatutok ng  baril sa tagiliran ko. Umayos lang naman ako ng tayo. Tinignan ko yung lalake na masamang nakatitig sa akin.

"Wag ka masyadong tumitig sa akin, baka ma' love at first sight ka." Kung andito lang ang baby ko at nakikita ito baka dumadanak na ang dugo ng lalake na 'to sa sahig.

"May pruweba ka ba para masabing hindi ako ang totoong Samantha?"

"Bullshit!" naglabas ng baril si Maverick at tinutok iyon kay Alexa. Umingay ang mga bisita dahil sa ginawa niyang 'yon. May nagtakbuhan din palabas.

Behind her Eyeglasses (Part Two) | ON-GOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon