2

226 6 0
                                    


Hi! I'm Jessica Margarett Galanza pero tinatawag nila ako sa nickname ko na Jema. Volleyball player ako at kahit di pa ako tapos mag-aral sa Adamson kinuha na ako ng Creamline. May girlfriend ako at kateam ko din. Fhen Emnas ang name niya. Setter siya ng team namin kaya palagi akong ganado maglaro. Mahal na mahal ko yan kahit napakaselosa. Oo tama kayo girlfriend. Bisexual ako at tanggap ako ng pamilya ko at ng team ko. At proud ako kung ano ako.



"Shit! Love may tune up game pala kami ngayon ng Creamline" sabi ko sabay tayo.

Naligo na ako ng mabilisan at tinawagan ko si Jia kung ano na ang ganap. Nanghinayang ako ng sabihin niya na tapos na ang laro pero may dinner daw sila kasama ang mga Agila.

"Love may dinner daw yung Creamline. Pwede ba akong sumama? Pambawi na din kase nakalimutan ko na may laro pala kami" sabi ko kay Fhen.

"Okay love, mag-iingat ka" sabi ni Fhen

"Thank you love, i love you" sabay halik ko sa kanya

"I love you too" sabi niya.


Dali-dali akong umalis ng dorm namin papuntang restaurant na pinareserve nila. Nakarating na din ako sa restaurant at nakita ko sila na nagtatawanan at bigla silang napatingin saken nung pagpasok ko.



"Sorry late ako. May pinuntahan pa kase ako kaya di ako nakapaglaro kasama niyo" pagsisinungaling ko.


Ang totoo niyan kase napasarap tulog ko kase ikaw ba naman kasama mo matulog yung girlfriend mo.


Napatingin ako kay Deanna Wong at nagkatitigan kami at bigla niyan iniwas tingin niya saken. Ang sungit talaga nitong batang to. Kumain na kami ng dinner at nagkulitan na din at nagkwentuhan. Ang saya kasama ng ALE except sa Deanna Wong na yan. Suplada talaga.




Pagkatapos ng dinner nagsi-uwian na mga kasama ko.

Linapitan ko si Deanna at kinausap ito.

"Ang tahimik mo pala noh?" sabi ko dito

Di pa din siya nagsasalita. Ang cute niya hahaha namumula yung mukha niya.

"Ang cute mo. Namumula ka hahaha" sabi ko dito at bigla siyang napayuko.

"Btw I'm Jema Galanza. Don't worry di ako nangangagat" sabay lahad ko ng kamay ko para makipagshake hands.

Tinignan niya lang kamay ko at bigla na lang umalis. Ano kaya problema nun? Sabagay anak mayaman kaya di nakikioag-usap kahit kanino. Sungit talaga.


Pagkatapos nung encounter namin ni Deanna umuwi na ako sa dorm at pinark ko muna yung kotse ko at dali-dali akong pumasok sa dorm at may naririnig ako na maingay at naghaharutan.






Pagbukas ko ng pinto naabutan ko na naghahalikan si Fhen at Ate Mylene. Di ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Bigla akong namanhid na di ko namalayan na tumutulo na pala luha ko.





"Anong ibig sabihin nito?!" Sigaw ko sa kanilang dalawa at nagulat sila ng makita nila ako. Bigla naman tinulak ni Fhen si Ate Mylene at nilapitan ako.



"Love let me e-explain" sabi ni Fhen. Halata sa mukha niya ang takot at kaba.



"Explain? Ano pa dapat ang iexplain ee halata naman na may relasyon kayo at sa dito pa kayo naghalikan talaga huh?" sabi ko habang umiiyak.


"I'm sorry love, please patawari mo ako" pagmamakaawa ni Fhen.



"Sa tingin mo ba madali magpatawad Fhen, ha?! Kelan pa to?! Sabihin mo!" sigaw ko.



Magugustuhan mo rin ang

          

"1 month na. Love I'm sorry sobrang nagugulahan lang talaga ako" sabi ni Fhen.




"Potangina naman Fhen isang buwan mo na pala ako ginagago at si Ate Mylene pa talaga huh!" sigaw ko sa dalawa.




"Tinuring kitang kapatid Ate Mylene tapos gaganituhin mo ako?! Tangina talaga!" mura ko sa dalawa.



"I'm sorry Jema di ko naman sinasadya. I know mali pero pinagpatuloy ko pa kase mahal ko na ee. I'm sorry Jema. I'm sorry" sabi ni Ate Mylene habang todo iyak naman siya.



"Magsama kayo mga gago!" sigaw ko at umalis ako sa dorm. Di ko alam kung saan ako pupunta. Pumara ako ng taxi. Pumunta na lang ako ng 7/11 at dun umiyak. Wala na akong pakialam kung ano sasabihin ng tao dito saken. Gusto ko lang mawala tong sakit ngayon.






Nagulat na lang ako ng biglang may nagbigay ng panyo saken. Nagulat din ako kase di ko aakalain na bibigyan niya ako ng panyo kahit di kami close.


"Deanna" sabi ko at umupo siya sa harapan ko.


"Why are you crying?" tanong niya.



I don't know pero parang ang gaan ng loob ko sa kanya na sa sobrang gaan ay sinabi ko kung ano ang nangyari kanina sa dorm.



"Shh stop crying. Ang pangit mo na. Smile please" sabi niya. Napangiti ako dun dahil first time ko siyang narinig magbiro at magsalita.




"Beautiful" sabi niya nung nagsmile ako.




Ewan ko pero bigla akong may naramdaman dun na kakaiba kahit sa pagsalita niya. I don't know. Bigla ko na naman naalala yung nangyari kanina at nalungkot na naman ako.




"Stop thinking about her. She's a jerk. Hindi mo deserve na masaktan. Ang ganda mo tapos sasaktan ka lang niya? Hmm mali yun." Sabi niya tas nagsmile siya.



Di ako makapaniwala. Si Deanna ba to? Ang cute niya magsmile.


"Si Deanna ka ba? Yan ang pinakahaba mong salita na sinabi mo saken." sabi ko.


"Hmm yep. Ako pa rin to. You'll get used to it from now on. Alam mo ba ikaw lang yung kinausap ko na stranger?" Sabi niya saken.


"Wow makastranger ka naman. Noong nagpakilala kase ako sayo tinalikuran mo lang ako" sabi ko tas sabay pout ko.


"Ahmm s-sorry" sabi niya.


"Okay lang. Bat namumula ka? HAHA relax ako lang to" sabi ko. Napatawa naman ako dun kase ang cute niya talaga.


Napayuko siya sa sinabi ko. At bigla na lang siya nagsmile. Ang cuteeee.


"Hmm come with me" sabi niya saken sabay lahad ng kamay niya.



Pumunta kami sa park at tumambay kami at nagkwentuhan ng kung ano-ano. Ang sarap niya kasama at napagaan niya yung nararamdaman ko at nalimutan ng saglit yung sakit.





"Hmm hatid na kita?" alok niya.


"Sige pero wag sa dorm namin. Sa apartment ko na lang." sabi ko. Tumango naman ito at nagdrive na siya papuntang apartment ko. Baba na sana ako kaso pinigilan niya ako.


"Wait" sabi niya. Tas bigla siyang lumabas at pinagbuksan ako ng pintuan.


"Salamat. Mabait ka naman pala. Di ka naman suplada ee." sabi ko.


"Yeah i know" sabi niya.


"Di ka pa aalis?" Tanong ko dito.



"Hintayin muna kitang pumasok sainyo bago ako umalis" sabi niya tas nagsmile na naman siya. Tae naman Deanna bat ang cute mo?




"Hmm sige una na ako at mag-iingat ka pauwi" sabi ko naman sa kanya.




Paalis na siya at bigla ko siyang tinwag at huminto yung kotse niya tas binuksan niya yung window para makita ako.




"Salamat" sabi ko.



"Always welcome Jema" sabi naman niya at umalis na.






Pagpasok ko sa apartment sobrang saya ko, i don't know pero ang gaan lang talaga ng nararamdaman ko ngayon kahit saglit nabawasan yung sakit na nararamdaman ko.









____________________________________________

A/N:

Sobrang pangit noh? Hahahahaha pasensya na talaga first time ko talaga ee. Pwede niyo na po akong ibash hahahahaha. Sorry guys✌

Everything Has Changed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon