Ang lakas ng tama.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, pinag iisipan ko ngayon kung magre-resign ako o tatanggapin yung offer ng Boss ko. Teka, mali ata. Eh in the first place ay hindi naman ako binigyan ng chance na makapamili. Agad agaran ay pinagsisimula n'ya na ko as secretary.
His Secretary. Ang sarap sa tenga, dream ko kasi maging isa one day. You know, Like sa mga pocketbook keme at Wattpad. Yung may hot kang boss tapos mai-inlove sa iyo. Ganern. Tapos iaahon ka sa hirap haha. Feeling! Charot!
Pero kasing kulay ng putek ang pangarap na ito gurl, una di ko gusto ang boss ko. Pangalawa, halata naman na ayaw n'ya sa kin. Bakit? Gurl, kakakilala lang namin gusto n'ya na agad akong ipakulong.
Well, kwits na siguro kami kasi kakakilala pa lang naming ay pinagbintangan ko na agad s'ya na manyakis at rapist. Well played.
"Miss Bautista, I need you." Rinig ko sa kabilang linya ng telepono pagkatapos ko itong sagutin. Wow, the words ah. 'I need you.' Sarap sa ears,
Eneng kelengen me beybi? Kekeke. Pwe Letse!
Itinigil ko agad ang mga ginagawa ko at dumeretyo sa office n'ya. Baka magtampo, este magwala.
Nang makapasok sa loob ay huminto ako sa harap ng table n'ya, "Yes sir?"
Hindi s'ya sumagot, naghintay ako ng ilang sigundo baka busy lang. Tutok na tutok sa screen ng laptop eh. Probinsyano ata pinapanuod yaks.
Pero dumaan ang ilang minute, mga five minutes ganern- di pa rin ako sinasagot gurl, Ano to?
Itong letse na ito pinapunta punta ako, di naman ako papansinin. Pinagtri-tripan na naman ako eh. Siraulo talaga eh.
"Sir?" medyo nilakasan ko, baka nabingi lang pagbigyan na natin ang bingi. "Kailangan n'yo po ako?"
This time umangat na ang tingin n'ya sa kin at sinimangutan ako. "Why are you here?"
May Alzheimer's lang sir? "Tumawag po kayo sir." Ngumiti ako sa kanya.
"So?" sabi n'ya saka nilipat ang tingin sa screen ng laptop n'ya.
So? So? Eh kung tusukin ko yang mata mo, kitang pinapunta mo ko!
"Baka may kailangan po kayo sir." Huminga ako ng malalim. Syempre dapat stable lang ang paghinga natin sa boss natin. Tumatanda na kasi, malay ko ba na mukha lang s'ya bata pero matanda na pala ang ungas di ba?
"No, I don't need you. Get out." he said without giving me a sorry look.
Napangiti ako sa sarili ko, "Okay sir."
Lumabas ako ng office n'ya at umupo sa station ko. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Humarap ako sa laptop ko at binuksan ang word app.
"Mhmmkay, let's type some resignation letter-"
Napatingin ako sa telepono na biglang nagring, oh diba? G*go lang talaga?
"Yes sir-"
"Come." Napakademanding talaga.
"Okay sir." Sagot ko, tumayo agad ako at naglakad papasok sa office ng halimaw. Pansin ko lang dami ko nang tinatawag sa kanya. Mamaya nga mai-listdown para mas organize. I-excel ko pa para special.
"Bakit ang bagal mo? Pilay ka ba?" yan ang bungad n'ya sakin. Ang bagal ko? Luh, wala pa ngang 5 seconds nasa harap n'ya na ko. Pinapraning talaga ako nito eh. Pilay ako? Gusto n'ya bang ipakita ko sa kanya ang track and field medal ko?
BINABASA MO ANG
Late Night In The Office With My Petty Boss
HumorJust like every story ng mga CEO and secretary fictions, nagising ka ng may malaking utang sa isang lalaking ni-muay thai mo dahil sa pag-aakalang pinagsamantalahan ka. Hindi ka naman pala type ng CEO, yes CEO yung ginulpi mo. CEO ng company n'yo.