Araw araw akong nag papadala ng message kay Sean. Pero, ni isa man doon ay hindi niya ako na-reply-an.
Nag luto ako ng pork steak at balak ko siyang bisitahin sa mansyon. Welcome pa naman siguro ako roon diba?
Kahit gusto kong iwasan si Oliver ay alam kong may posibilidad na mag tagpo nanaman ang landas naming dalawa pero, hindi iyon ang concern ko.
"Hello po!" naka ngiting bati ko sa guard.
"Hi Ma'am!" bati niya sa akin. Nginitian ko siyang muli bago pumasok sa loob. Alam ko ganitong oras ay silang mag pipinsan lang ang nasa mansyon. Madalas kasi naka tambay talaga sa bukid ang lolo at lola niya. Ang mga tito at tita naman nila ay may kani kaniyang trabaho.
"Ate Tiria!" masayang bungad sa akin ni Chloe.
"Ngayon ka lang uli napa bisita rito ah?" puna niya.
"Naging busy ako e." sabi ko. Niyaya naman niya akong maupo bago nag paalam na kukuha siya ng meryenda sa kusina. Napa ngiti ako kasi kahit nakita niya na may katulong na dumaan sa amin ay hindi niya ito inutusan. Napansin ko na kahit sila ay lumaking may katulong ay hindi nila inaabuso ang mga ito. Kapag kaya nila itong gawin ay gagawin nila.
"Ano 'yan?" tukoy ko sa video na kasalukuyan niyang ineedit.
"Vlog po ate!" sabi niya.
"Wow! Sana all vlogger. Wait, subscribe kita." sabi ko at nilabas ang phone ko at sinearch ang youtube channel niya. Nag browse lang ako ng old video niya at napakunot ang noo ko dahil puro si Oliver ang kasama niya.
"Palagi kasi akong sinusuportahan ni kuya Oliver kaya palagi ko rin siyang kasama sa mga vlog ko." kuwento niya. Tumango naman ako.
"Siya ang direktor ko pati mga content ko siya nag iisip." sabi niya pa. Ngumiti ako.
"Ah, Chloe nasa kuwarto ba ni Sean si Sean?" tanong ko. Kunot noo naman niya akong tiningnan.
"Ha? Hindi mo ba alam na nag punta siya sa ibang bansa?" gulat niyang tanong.
"What? When?" naguguluhan kong tanong.
"Last week lang. Akala ko nag paalam siya sa iyo." sabi niya.
"Babalik ba siya? Kelan?" tanong ko. Naramdaman ko ang pag tulo ng luha ko. Nataranta naman si Chloe sa pag iyak ko. Nakaka hiya pero, hindi ko mapigilan.
"May inaayos pa kasi sa kumpanya at balak niya roon mag patayo ng sarili niyang kumpanya pero, mukhang matatagalan bago siya bumalik." sabi niya. Mas lalo akong napaluha. Bakit hindi niya ito sinabi sa akin?
"What's happening here?" seryosong tanong ni Oliver.
"Umiiyak si Ate Tiria kasi hindi pala niya alam na umalis si Kuya Sean." kuwento ni Chloe.
Lumapit sa akin si Oliver.
"Hush! You are my baby but, don't cry like a baby. It hurts and I can't bear it seeing you crying." he said before cupped my face and wipe my tears. Hindi ko maiwasang yumakap sa kaniya.
In his arms, I feel safe. It feels like home. My chaotic mind suddenly become peacefully the moment I am with him. My soul is drifting in oblivion is in peace the moment I am in his arms.
BINABASA MO ANG
Treacherous Love
RomanceOliver Dean C. Sullano a man who will do everything just to have you. Tiktok Series #01 STARTED:JUNE 8, 2020 ENDED: