Malakas ang pagkabog ng aking dibdib nang matauhan. Para akong napapasong napalayo kay Carillius bago nanginginig na pinulot ang nahulog na wooden spoon. Nagkauntugan pa kami ni Carillius dahil sabay pala kaming yumuko.
"Easy beauty," he chuckled when he saw me agitated.
Parang bigla akong kinapusan ng hininga. I was not expecting him here! Ang sabi ni Ash at Tita ay hindi siya makakarating!
Nagmadali akong tumungong lababo para ilagay doon ang wooden spoon at nagpanggap na hinuhugasan ang nanginginig na mga kamay. I kept on inhaling and exhaling, trying to calm my raging nerves.
What the heck was he doing here?!
Parang nablangko ang isip ko at naduduwag akong muling humarap. Hindi ko kaya... hindi pa ako handa!
"Daddy please... let me swim!" The little boy grunted.
"Still a no, Klaizer." Napapikit ako sa lalim at lamig ng boses na 'yon. Years had passed yet its effect still linger in my being. "Go to your Mamita," utos niya at ramdam ko siyang palapit sa bilugang mesa na naroon sa kusina.
Mas bumagal ang aking paghinga. I thanked Carillius in my mind that he didn't move closer to me again!
"'Couz! You're here? Thought you couldn't make it?" Carillius broke the silence.
I heard the sound of a chair, being pulled. "Just wanna surprise Mom." Wala pa ring pinagbago sa boses nito, malakas pa rin ang epekto pagdating sa 'kin. "Why are you here anyway Cal? As far as I can remember, you hate kitchens."
Kung makipag-usap siya sa kaniyang pinsan ay parang wala ako ro'n. Parang hindi man lang siya naging kabado na nakita ako. Parang... wala lang sa kaniya ang presensiya ko. Napalunok ako nang malalim bago nanginginig na pinunasan ang kamay bago kaswal na naglakad para patayin ang gas stove.
"Well, beauty's here that's why." I saw Carillius in my peripheral vision, looking at my every move.
Kung kagabi ay ilang na ilang ako sa pagkatitig ni Carillius sa akin, ngayon naman ay halos malusaw na ako dahil sa isa pang pares ng mata na ramdam kong tagos kung tumitig sa akin sa likuran.
"Beauty?" Kandruss muttered like there was something funny. Napatiim-bagang ako at pinihit na ang katawan para sana umalis ng kusina nang magsalita siya ulit. "Stay." He declared.
Napatigil ako't napatingin sa kaniya. Madilim ang kaniyang anyo at nakatiim-bagang na nakatitig lang sa harapan. Si Carillius naman ay pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa.
"Do you guys know each other?" He interfered.
"Will you give us a minute to talk, Cal?" Tiningnan nito ang pinsan gamit pa rin ang madilim na anyo.
Halos tumriple ang pagtibok ng aking puso. Sinisigaw ng isip kong tumakbo na at umalis na ng kusina pero para akong naparalisado sa pagkakatayo. I couldn't move!
"Wait. I can't understand 'couz—"
"Leave, Cal."
Halos mapayakap ako sa takot at kaba. I saw Carillius' disappointed face before raising his hands, surrending. "Okay. Just chill." Pagkasabi niya no'n ay tinapunan muna ako nito ng tingin bago tuluyan na nga kaming iniwan doon.
Gusto kong sumigaw na huwag niya akong iwan pero parang tinakasan ako ng boses. Tiningnan ko si Kandruss na tumayo mula sa pagkakaupo at kalmanteng isinara ang sliding door ng kusina bago suwabeng sumandal doon. Nagtagpo ang aming mga mata. Mahina akong napasinghap, hindi pa rin makagalaw.
Humalukipkip siya't pinag-ekis pa ang mga binti. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa bago natigil sa aking mata. "Carillius huh?" He mocked.
Nagsalubong ang aking kilay dahil hindi ko nagustuhan ang paraan ng kaniyang pagkakasabi. "H-huh?" Gusto kong sapakin ang sarili sa sinambit.
BINABASA MO ANG
Messing with Him ✔
RomanceSamaniego Brothers I Kandruss' Check the hashtags & read my bio before you dive in this story.