Kabanata 01

66 1 1
                                    

Author's Note:
Baka nalilito po kayo kung sino si Kim at sino si Kyle. Lalake po si Kim. Babae naman si Kyle. Okay po? Maramig salamat sa pagbabasa! :)

**
I remember the old times. I remember-

Napatingin naman ako sa taong humablot ng earphones ko sa tenga at walang gana siyang tinignan. Kaibigan ko talaga. Panira ng moment. Ngumisi-ngisi naman siya. Nako, ang sarap lang batukan.

"Nagdadrama ka nanaman?" Tanong niya habang pinaikot-ikot ang kable ng earphones ko sa daliri niya. Tinignan ko lang ito. Kawawang kable.

"Pake mo ba? Akin na nga iyan!" Akmang kukunin ko na sa kanya pero itinaas niya ang kamay niya dahilan para hindi ko maabot yung earphones ko.

"Sige nga, abutin mo nga," Kung hindi ba naman kapre itong kaharap ko. 5'11" ata ang taas niya at 5'4" naman ako. Kahit tumalon pa ako, hindi ko maabot! Pinagtatawanan niya pa ako! Tsk!

Tumalon-talon na ako't lahat, hindi ko parin nakuha yung earphones ko. Sa inis at pagod ko, sinuntok ko yung tiyan niya dahilan para mapayuko siya. Kinuha ko naman ang oportunidad para mabawi ko ang earphones ko.

Napangiwi at napapilipit naman siya sa sakit, "aray ko naman. Hoy maenad! Ang daya mo!"

Maenad// known to be amazonas in modern

Bumalik naman ako sa pwesto ko at bumelat lang sa kanya. "Arte mo. 'Di naman 'yon masakit." Mas masakit ang sugat sa puso. Tandaan mo yan.

"Anong hindi?!?!" Napatingin naman ako sa paligid dahil napalakas ata yung sigaw niya. Pinagtitinginan tuloy kami.

"Ang boses mo ga, abot hanggang bahay namin." Umupo naman siya sa katapat kong silya. Nasa kiosk kasi kami. Nakiki-wifi sa kalapit na computer lab. Mga gawain ba. Hahaha.

"Anong hindi masakit?! Parang bato nga yang kamao mo eh tapos sasabihin mong hindi masakit?!"

Tinaas ko naman ang dalawang kamay ko bilang pagsuko.

"Beast mode ka na koyang? Eto na oh, sorry fo?" Sinadya kong gawin 'f' ang 'po' dahil trip ko lang.

"Kung 'di ba naman amazona eh." Napatingin naman ako sa kanya ng diretso.

Ano daw?

Amazona?

Amazona?!?!

Aba.

Akma ko sana siyang sisipain pero umiwas naman agad siya.

"Oh, ayan ka nanaman. Ano ba naman Kyle! Kahit kailan talaga." Dahil nga sa nakaiwas siya, kinurot ko nalang siya sa tagiliran.

"Bayot! Bayot ka!" Saka naman ako tumawa ng pagkalakas-lakas.

"Tomboy! Tomboy!" Ganti naman niya. Napatigil naman ako. Nakakainis. Napipikon ako agad.

"Ewan ko sayo, Kim. Bayot!" Saka ako nag walk-out.

"Hoy Kyle! Joke lang, aba!" Pagpigil niya saakin.

"Ambot nimo oy!" Saka ako nagmadaling maglakad.

"Tsss. Pikon talaga." Bulong niya pa. Bumulong pa siya. Rinig na rinig ko naman.

**

Tumambay muna ako sa may pabentahan ng kwek-kwek, fishball at iba pang variety ng street foods. Tutal, ka-close ko naman itong nagbebenta.

Sarap na sarap na sana ako sa pagkain nang dumating ang pinakapanget na kumag sa mundo. Si Kim.

"Oh? Andito ka nanaman?" pambati ko sa kanya saka kinain yung chicken chicken.

"Bakit? Ikaw ba nagmamay-ari ng teritoryong 'to? Saan ang pangalan mo ha? Kyle? Tutal magkatunog naman kayo ng salitang kalye." Natawa naman si manong Pele, nagbebenta ng street foods.

Napahawak naman ako ng mahigpit sa hawak kong bbq stick sa sobrang pagkainis.

"Tangina mo. Tumigil ka Kimkong ah, itutusok ko sayo 'tong hawak kong barbeque stick."

Tumawa lang siya at binelatan lang ako.

TANGINA.

Tinuon ko nalang ang pansin ko sa ibang direksiyon.

Tangina ulit. Wrong move.

Tadhana, how cruel are you?

Nakakita ako ng masyadong masakit sa mata'ng pangyayari.

Nagtatawanan... nag-aasaran.. parang ako lang..

..noon.

Noong ako pa ang kasama niya. Noong ako pa ang nasa bisig niya. Ganito nalang ba ako lagi? Dalawang taon na ah. Bakit masakit parin?

Walang gana kong ipinatong ang hawak kong chicken chicken na nakaplastic sa cart ni manong Pele.

Napatingin naman saakin si Kim na may pagtataka, "Sayo nalang. Nawalan na ako ng gana."

Napayuko ako at napakagat ng labi. Sa 'di ko malamang dahilan, napatakbo ako habang nararamdaman ko ang mga nag-uunahan kong luha sa pisngi ko. Isa... dalawa.. di ko na mabilang. Di ko na makita ang dinadaanan ko. 'Di ko na alam ang gagawin ko..

"Hoy! Anong eksena mo Kyle?" rinig kong sigaw ni Kim pero 'di na ako lumingon pa. Aasarin lang ako 'non.. palagi naman.

.. 'di ko na alam kung makakausad pa ba ako.. o hindi na.

Tangina.

I remember the old times. I remember you.

**

Date started: 10-18-15

Date finished: xx-xx-xx

Date published: 12-08-15

Taking ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon