Chapter 20

3 0 0
                                    


JODI'S POV

Binato ko siya ng malakas sa ulo kaya naman lumingon siya saakin with sama ngiti look pero anong akala niya papatalo ako sa kanya? No way!

"ANO BA JODI!! HINDI KA BA TITIGIL?" Sigaw niya at natawa naman ako

"At anong akala mo matatakot ako sayo dahil sinigawan mo ako? Ano ka hilo?" Sabi ko sabay tawa ulit

"Alam mo wala ka na talaga pag asa na mag bago" naiinis na sabi niya kaya naman napatawa ako ulit

"Ikaw naman may kasalanan diba? So bakit nag tataka ka ngayon?" Sabi ko sabay ngisi sa kanya

"Matagal na yun! At kung gusto mong mabuhay sa galit wag ka ng mandamay pa. Ikaw nalang maging halimaw"sabi niya kaya naman pahakbang ako palapit sa kanya habang pumapalakpak

"Napaka husay! Napaka husay mong mag panggap Snow kung anong ipinuti ng pangalan mo siya namang ikinadumi nang totoo mong pag katao" pag kasabi ko nun ay saktong napatigil ako sa harap niya at ngumiti pa

"Isa lang ang pag kakamali ko sayo at lahat ng nangyari sayong kamalasan ay ikaw na may kasalanan dahil hindi ka naging mabuting tao! Kaya naan dapat lang na-" hindi niya na naituloy ang sasabihin niya ng hakalin ko siya ng mahigpit gamit ang kanang kamay ko

"JODI!" rinig kong sigaw ni Zayne pero wala akong pake alam

"Alam mo mapag papasensyahan ko pa na ginising mo ako sa pag kakatulog ko kahapon pero yung sabihin na isa lang ang pag kakamali mo saakin ay hindi ko matatanggap lalo pa na yung isang pag kakamali na yun ay nandito parin sakin! Alam mo kung gaano kahalaga saakin ang nawala saakin ng dahil sayo kaya kung papatayin kita ngayon masasabi kong parehas na tayo" lalo ko pang hinigpitan ang pag kakasakal ko sa kanya sobra na ding higpit ng hawak niya sa braso ko dahil hindi na siya makahinga ng ayos

"H-hindi na ako m-makahinga"sabi niya at sabay hampas sa braso ko kaya naman patulak kong binitawan ang leeg niya kaya natumba siya

"Okey na yan hindi naman ako mamatay tao at hindi din kasing dumi ng pag katao mo ang kamay ko kaya hindi kita papatayin" sabi ko sabay ngiti at nag lakad na palayo. Alam kong hindi sumunod saakin si Zayne dahil alam kong uunahin niya si Snow ganun naman talaga sila laging si Snow ang inuuna. Pero nakasunod saakin si Alexis na tahimik lang.

"Alam mo Alexis your lucky kasi may handang gumabay sayo like Zayne kita ko na totoong may pake siya sa mga kagaya mo na laging kawawa kaya dapat matuto kang tumayo sa sarili mong paa para ipag laban ang sarili mo para hindi ka na inaaway ng basta" sabi pero deretso parin ang tingin ko sa daan

"Wag kang mag Alala Ms. Hindi kita iiwan para magabayan din kita gaya ng ginawa mo sakin" sabi niya kaya naman napatingin ako sa kanya nginitian naman niya ako kaya napa ngisi ako ng kaunte.

"Jodi nalang itawag mo sakin para tie na tayong dalawa" sabi ko at tumango naman siya at parehas na kaming nag lakad ng tahimik hanggang sa kotse ko.

JODI CHENWhere stories live. Discover now